約書亞記 6 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約書亞記 6:1-27

耶利哥城塌陷

1耶利哥人害怕以色列人,就把所有的城門都關得緊緊的,無人出入。 2耶和華對約書亞說:「看啊,我已經把耶利哥耶利哥王及其英勇的戰士都交在你手中了。 3你所有的軍隊要每天繞城一圈,連續六天, 4讓七個祭司拿著七個羊角號走在約櫃前面。到了第七天,你們要繞城七圈,祭司要吹響號角。 5當你們聽到號角長鳴時,所有的人都要高聲吶喊,城牆就會坍塌,眾人便可以直衝上去。」 6的兒子約書亞便召來祭司,對他們說:「你們抬起約櫃,派七位祭司拿著七個羊角號走在耶和華的約櫃前面。」 7他又對民眾說:「你們要前去繞著城牆走,軍隊要走在耶和華的約櫃前面。」

8聽完約書亞的吩咐,七個祭司便在耶和華面前拿著羊角號邊走邊吹,耶和華的約櫃就跟在他們後面, 9軍隊走在吹號的祭司前面,殿後軍隊跟在約櫃後面。祭司一路上吹著號角。 10約書亞吩咐民眾:「在我下令叫你們吶喊以前,誰也不許作聲,一句話也不許說。」 11這樣,約書亞使耶和華的約櫃繞城一圈,然後眾人各自回營休息。

12第二天,約書亞一早起來,祭司又抬起耶和華的約櫃。 13七個祭司拿著七個羊角號走在耶和華的約櫃前面,一邊走一邊吹角。軍隊走在祭司前面,殿後軍隊跟在耶和華的約櫃後面。 14這一天他們又繞城一圈,然後各自回營。六天都是這樣。

15第七天黎明時分,他們起來照樣繞城,只是這一天他們繞城走了七次。 16走到第七次,祭司吹響了號角,約書亞吩咐民眾說:「吶喊吧!因為耶和華已經將這城交給你們了。 17要把這座城和城裡所有的東西毀滅,作為獻給耶和華之物。只有妓女喇合和她家中所有的人可以活命,因為她曾把我們派去的探子隱藏起來。 18你們要小心,不可私拿任何應當毀滅的東西,免得你們自取滅亡,並給以色列全營帶來災禍。 19要把所有的金銀和銅鐵器皿分別出來獻給耶和華,放進耶和華的庫房裡。」 20於是,民眾聽到號角聲時,就高聲呐喊,城牆便坍塌了。民眾便一擁而上,佔領了耶利哥城, 21用刀殺了城裡所有的男女老少、牛羊和驢。

22約書亞對那兩個探子說:「你們到那個妓女家裡,照著你們向她起過的誓,把她和她的家人都帶出來。」 23於是,那兩個年輕探子便進去,把喇合和她的父母、兄弟及所有的親人都帶出來,安置在以色列人的營外。 24以色列人燒毀全城和城內一切的東西,只把金銀和銅鐵器皿放在耶和華的庫房裡。 25約書亞因為妓女喇合把兩個探子隱藏起來,就饒了她和她一家人的性命。他們至今仍住在以色列人當中。

26之後,約書亞起誓說:

「重建耶利哥城的人必定在耶和華面前受咒詛,

他立地基的時候必死長子,

建城門的時候必喪幼子。」

27耶和華與約書亞同在,他的聲名傳遍各地。

Tagalog Contemporary Bible

Josue 6:1-27

Ang Pagbagsak ng Jerico

1Samantala, isinarang mabuti ng mga nakatira roon ang Jerico dahil sa mga Israelita. Walang makapasok o kayaʼy makalabas na mga tao sa lungsod. 2Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ipapasakop ko sa inyo ang Jerico pati ang hari at mga sundalo nito. 3Ikaw at ang mga sundalo mo ay iikot sa lungsod ng isang beses sa bawat araw, sa loob ng anim na araw. 4Pauunahin mo sa Kahon ng Kasunduan ang pitong pari na ang bawat isa sa kanila ay may dalang trumpeta. Sa ikapitong araw, iikutan nʼyo ang lungsod ng pitong beses, kasama ng mga paring nagpapatunog ng mga trumpeta nila. 5Kapag narinig nʼyo na ang mahabang tunog ng trumpeta nila, sisigaw kayong lahat nang malakas. Pagkatapos, guguho ang pader ng lungsod at makakapasok kayong lahat nang walang hadlang.”

6Kaya tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga pari at sinabi sa mga ito, “Dalhin nʼyo ang Kahon ng Kasunduan. Mauuna ang pito sa inyo na may dalang trumpeta ang bawat isa.” 7At sinabi rin niya sa mga tao, “Lumakad na kayo! Paikutan nʼyo ang lungsod. Ang ibang mga sundalo ay mauuna sa pitong pari na may dalang trumpeta.”

8Ayon sa sinabi ni Josue, nauna ang pitong pari sa Kahon ng Kasunduan at pinatunog nila ang mga trumpeta nila. 9Ang ibang mga sundalo ay nauuna sa mga pari, at may iba pang sumusunod sa Kahon ng Kasunduan. Walang hinto ang pagtunog ng mga trumpeta. 10Pero sinabi ni Josue sa mga tao na huwag sumigaw o kayaʼy mag-ingay hanggaʼt hindi pa niya inuutos na sumigaw. 11Ayon sa iniutos ni Josue, inikot nila sa lungsod ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon ng isang beses. Pagkatapos, bumalik sila sa kampo nila at doon natulog kinagabihan.

12Kinaumagahan, maagang bumangon si Josue. Muling dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan, 13at ang pito sa kanila ay nauna pa rin sa Kahon ng Kasunduan na nagpapatunog ng kanilang mga trumpeta. At ganoon din ang ginawa ng mga sundalo – ang iba sa kanila ay nasa unahan ng Kahon ng Kasunduan at ang ibaʼy nasa hulihan, habang patuloy na pinapatunog ang mga trumpeta. 14Nang ikalawang araw, inikot nila ulit ang lungsod ng isang beses, at pagkatapos, bumalik sila sa kampo nila. Ganoon ang ginawa nila sa loob ng anim na araw.

15Nang ikapitong araw, madaling-araw pa lang ay bumangon na sila at inikutan ang lungsod ng pitong beses, sa ganoon ding paraan. Iyon lang ang araw na umikot sila sa lungsod ng pitong beses. 16Sa ikapitong beses nilang pag-ikot, pinatunog ng mga pari ang mga trumpeta nila at inutusan ni Josue ang mga tao na sumigaw. At sinabi ni Josue, “Ibinigay na sa atin ng Panginoon ang lungsod na ito! 17Ang buong lungsod at ang lahat ng makukuha rito ay wawasakin nang lubusan bilang handog na buo sa Panginoon. Si Rahab lang na babaeng bayaran at ang buo niyang sambahayan niya ang ililigtas dahil itinago niya ang mga espiya natin. 18At huwag kayong kukuha ng kahit anumang bagay na inihandog na nang buo sa Panginoon. Kapag kumuha kayo ng kahit ano, malilipol kayo at kayo ang magiging dahilan ng pagkawasak na darating sa Israel. 19Ang lahat ng bagay na gawa sa pilak, ginto, tanso, o kayaʼy bakal ay ihihiwalay para sa Panginoon, at dapat itong ilagay sa taguan ng kayamanan ng Panginoon.” 20Pinatunog ng mga pari ang mga trumpeta nila at nagsigawan ang mga Israelita nang marinig nila ito. Nawasak ang mga pader ng lungsod at lumusob sila. Nakapasok sila ng walang hadlang at nasakop nila ang lungsod. 21Inihandog nila nang buo sa Panginoon ang lungsod sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalakiʼt babae, matanda at bata, at pati mga baka, tupa at mga asno. 22Inutusan ni Josue ang dalawang espiya, “Puntahan nʼyo ang bahay ng babaeng bayaran, at palabasin nʼyo sila at ang buong pamilya niya ayon sa ipinangako nʼyo sa kanya.” 23Kaya umalis silang dalawa at dinala nila palabas si Rahab, kasama ang mga magulang niya, mga kapatid at ang buo niyang sambahayan. Pinalabas nila ang mga ito at nanatili sa labas ng kampo ng Israel. 24Sinunog nila ang buong lungsod at ang lahat ng nandoon maliban sa mga bagay na gawa sa pilak, ginto, tanso at bakal. Pinagkukuha nila ito para ilagay sa taguan ng kayamanan ng Panginoon. 25Iniligtas nga ni Josue si Rahab at ang sambahayan niya dahil itinago niya ang mga lalaking inutusan ni Josue para mag-espiya sa Jerico. Hanggang ngayon, ang mga angkan niya ay naninirahan sa Israel.

26Nang panahong iyon, binalaan ni Josue ang mga Israelita, “Isusumpa ng Panginoon ang sinumang maghahangad na itayo ulit ang lungsod ng Jerico. Mamamatay ang panganay na anak ng sinumang magtatayo ng pundasyon o ang sinumang gagawa ng mga pintuan nito.”

27Kasama ni Josue ang Panginoon, at naging tanyag siya sa buong lupain.