約書亞記 14 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約書亞記 14:1-15

約旦河西土地的分配

1以下是祭司以利亞撒的兒子約書亞以色列各支派的首領在迦南分給以色列人的產業, 2是照耶和華給摩西的指示,用抽籤的方式分給九個半支派的。 3摩西約旦河東已經把產業分給了呂便迦得支派和瑪拿西半個支派,只是沒有把產業分給利未人。 4約瑟的子孫已分為瑪拿西以法蓮兩個支派。利未人沒有分到地,但有城邑居住,還有城郊可以牧養牲畜,安置財物。 5以色列人照耶和華給摩西的指示分配這些土地。

迦勒分得希伯崙

6那時,猶大支派的人來到吉甲約書亞,其中有基尼洗耶孚尼的兒子迦勒。他對約書亞說:「你知道耶和華在加低斯·巴尼亞跟上帝的僕人摩西提到關於你和我的事。 7我四十歲那年,耶和華的僕人摩西加低斯·巴尼亞派我來偵察這地方,我如實稟告他。 8與我同去的弟兄的稟告令以色列人膽戰心驚,但我忠心地追隨我的上帝耶和華。 9所以,當日摩西就向我起誓,『你腳踏過的地方必永遠歸你和你的子孫作產業,因為你忠心地追隨我的上帝耶和華。』 10耶和華照祂的應許,讓我又活了四十五年,這些日子都是跟以色列人在曠野一起度過的。看!我現在已經八十五歲了, 11仍像當年摩西派我出去時那樣身強力壯,跟當年一樣能征善戰。 12現在,求你照耶和華當日向我應許的,把這山區賜給我。你親耳聽到那裡有亞衲人,他們的城池高大堅固。但如果耶和華與我同在,我必照著祂的應許把這些人趕走。」

13於是,約書亞便祝福耶孚尼的兒子迦勒,把希伯崙給他,作為他的產業。 14所以,希伯崙至今仍是基尼洗耶孚尼的兒子迦勒的產業,因為他忠心地追隨以色列的上帝耶和華。 15希伯崙從前名叫基列·亞巴,亞巴原是亞衲族中最偉大的人。從此,境內太平,沒有戰爭。

Tagalog Contemporary Bible

Josue 14:1-15

Ang Pagkakahati-hati ng Lupain sa Kanluran ng Jordan

1Ito ang pagkakahati ng iba pang mga lupain ng Canaan sa mga Israelita. Hinati-hati ito nila Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun, at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng bawat lahi ng Israel. 2Ayon sa utos ng Panginoon kay Moises, ang mga lupain ng siyam at kalahati na mga lahi ay pinaghahati-hati sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan. 3-4Ibinigay na ni Moises sa dalawaʼt kalahating lahi ang bahagi nila sa silangan ng Jordan. (Ang lahi ni Jose ay hinati sa dalawa, ang lahi ni Manase at ang lahi ni Efraim.) Hindi binigyan ng lupain ang mga Levita, pero binigyan sila ng mga bayan na titirhan nila at mga bukirin para sa mga hayop nila. 5Ganito ang paghahati ng mga lupain sa mga Israelita ayon sa utos ng Panginoon kay Moises.

Ibinigay kay Caleb ang Hebron

6Isang araw pumunta kay Josue sa Gilgal ang ilang mga tao mula sa lahi ni Juda. Ang isa sa kanila ay si Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo. Sinabi niya kay Josue, “Naaalala mo pa ba ang sinabi ng Panginoon kay Moises na lingkod ng Dios tungkol sa ating dalawa nang naroon tayo sa Kadesh Barnea? 7Akoʼy 40 taong gulang pa lang noon nang inutusan ako ni Moises mula sa Kadesh Barnea para mag-espiya sa lupaing iyon, at ipinagtapat ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko. 8Ngunit tinakot ng mga kasama ko ang mga kababayan natin. Pero ako, matapat kong sinunod ang Panginoon kong Dios. 9Kaya nang araw na iyon, nangako si Moises sa akin. Sinabi niya, ‘Dahil matapat ka sa pagsunod sa Panginoon kong Dios, magiging iyo at sa mga angkan mo ang lupaing pinuntahan mo para mag-espiya.’

10“Nakalipas na ang 45 taon nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buhay pa ako hanggang ngayon at 85 taong gulang na ako, 11pero ang lakas ko ay gaya pa rin noong panahon na inutusan ako ni Moises. Kayang-kaya ko pang makipaglaban gaya nang dati. 12Kaya ibigay mo na sa akin ang kabundukan na ipinangako sa akin noon ng Panginoon. Ikaw mismo ang nakarinig noon, na nakatira roon ang mga lahi ni Anak at matitibay ang mga lungsod nila na may mga pader. Pero sa tulong ng Panginoon, maitataboy ko sila sa lupaing iyon ayon sa pangako niya sa akin.”

13Binasbasan ni Josue si Caleb na anak ni Jefune, at ibinigay sa kanya ang Hebron bilang mana niya. 14Hanggang ngayon, ang Hebron ay pagmamay-ari ng mga angkan ni Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo dahil matapat na sinunod ni Caleb ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 15Kiriat Arba ang pangalan noon ng Hebron bilang alaala kay Arba, ang pinakatanyag sa mga lahi ni Anak.

At nahinto na ang labanan sa lupain ng mga Israelita.