約伯記 39 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約伯記 39:1-30

1「你知道野山羊何時生產嗎?

你看過母鹿產仔嗎?

2你能算出牠們懷胎的月數嗎?

你知道牠們分娩的日期嗎?

3牠們幾時屈身產仔,

結束分娩之痛?

4幼仔健壯,在荒野長大,

離群而去,不再回來。

5「誰讓野驢逍遙自在?

誰解開了牠的韁繩?

6我使牠以曠野為家,

以鹽地作居所。

7牠嗤笑城邑的喧鬧,

不聽趕牲口的吆喝。

8牠以群山作草場,

尋找青翠之物。

9「野牛豈肯為你效勞,

在你的槽旁過夜?

10你豈能用韁繩把野牛牽到犁溝?

牠豈肯跟著你在山谷耕地?

11你豈能倚靠牠的大力,

把你的重活交給牠?

12豈能靠牠運回糧食,

替你堆聚到麥場?

13「鴕鳥歡然拍動翅膀,

牠豈有白鸛的翎羽?

14牠將蛋產在地上,

使蛋得到沙土的溫暖,

15卻不知蛋會被踩碎,

或遭野獸踐踏。

16牠苛待雛鳥,好像牠們並非己出,

就算徒勞一場,牠也不怕。

17因為上帝未賜牠智慧,

沒有給牠悟性。

18然而,一旦牠展翅奔跑,

必嗤笑馬兒和騎士。

19「馬的力量豈是你賜的?

牠頸上的鬃毛豈是你披的?

20豈是你使牠跳躍如蝗蟲,

發出令人膽寒的長嘶?

21牠在谷中刨地,

炫耀力量,奮力衝向敵軍。

22牠嘲笑恐懼,毫不害怕,

不因刀劍而退縮。

23牠背上的箭袋錚錚作響,

長矛和投槍閃閃發光。

24角聲一響,牠便無法靜立,

狂烈地顫抖,急於馳騁大地。

25聽到角聲,牠就發出長嘶,

牠老遠便嗅到戰爭的氣味,

並聽見吶喊和將領的號令。

26「鷹隼展翅翱翔,飛往南方,

豈是靠你的智慧?

27禿鷹騰飛,在高處搭窩,

豈是奉你的命令?

28牠居住在懸崖上,

盤踞在山岩峭壁,

29牠從那裡搜尋獵物,

牠的目光直達遠方。

30牠的幼雛噬血,

哪裡有屍體,牠就在哪裡。」

Tagalog Contemporary Bible

Job 39:1-30

1“Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-gubat? Nakakita ka na ba ng usa na nanganganak? 2Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak? 3Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak. 4Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik.

5“Sino ang nagpalaya sa asnong-gubat? 6Ibinigay ko sa kanya ang ilang para kanyang tirhan, pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan. 7Lumalayo siya sa maingay na bayan at ayaw niyang siya ay mapaamo. 8Paikot-ikot siya sa mga kabundukan para maghanap ng sariwang pastulan.

9“Mapagtatrabaho mo ba ang bakang-gubat? Mapapanatili mo kaya siya sa kanyang kulungan kung gabi? 10Matatalian mo kaya siya at mapag-aararo sa iyong bukid? 11Makakaasa ka kaya sa lakas niya para gawin ang mabibigat na gawain? 12Maaasahan mo kaya siyang tipunin at hakutin ang iyong ani papunta sa giikan?

13“Napakagandang tingnan ng pakpak ng malaking ibong39:13 malaking ibon: o, “ostrich.” Ganito rin sa talatang 14. kapag itoʼy pumapagaspas, pero hindi nito mapantayan ang ganda ng pakpak ng tagak. 14Iniiwanan ng malaking ibong ito ang kanyang mga itlog sa lupa para mainitan. 15Hindi siya nag-aalalang baka matapakan ito o madaganan ng mga hayop sa gubat. 16Malupit siya sa kanyang mga sisiw, parang hindi kanya kung ituring. Hindi siya nag-aalala na ang pinaghirapan niya ay mawawalan ng kabuluhan. 17Sapagkat hindi ko siya binigyan ng karunungan at pang-unawa. 18Pero kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito.

19Job, ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng kanyang kiling?39:19 kiling: o, buhok ng kabayo sa kanyang leeg. 20Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagpapatakot sa mga tao kapag siya ay sumisinghal? 21Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay tumatakbo siya papunta sa digmaan. 22Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada.39:22 espada: o, labanan. 23Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya. 24Lumilipad ang alikabok sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hindi na siya mapigilan kapag tumunog na ang trumpeta. 25Sumisinghal siya kapag naririnig ang trumpeta. Naaamoy niya ang digmaan kahit sa malayo, at naririnig niya ang ingay ng digmaan at ang sigaw ng mga kumander.

26“Ikaw ba ang nagtuturo sa lawin na lumipad at pumunta sa timog? 27Ikaw ba ang nag-uutos sa agila na lumipad at gumawa ng kanyang pugad sa mataas na dako? 28Nakatira ang agila sa mataas na bato. Ang matarik na lugar ang kanyang taguan. 29Mula roon naghahanap siya ng madadagit, kahit ang malayo ay naaabot ng kanyang paningin. 30At kapag may nakita siyang bangkay ay pinupuntahan niya, at ang dugo nito ang iniinom ng kanyang mga inakay.”