約伯記 17 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約伯記 17:1-16

1「我的心靈破碎,我的年日將盡,

墳墓等候著我。

2無疑,嘲笑的人圍著我,

我眼睜睜地看著他們戲弄我。

3上帝啊,求你為我作保。

除你以外,誰肯做我的保人?

4你蒙蔽了他們的心智,

因此你必不讓他們得勝。

5人為了分產業而控告朋友,

其子孫的眼睛要失明。

6上帝使我成了人們的笑柄,

他們在我臉上吐唾沫。

7哀傷使我眼目昏花,

我整個人骨瘦如柴。

8這使正直的人震驚,

使無辜的人起來討伐不敬虔的人。

9義人堅守自己的道,

手潔的人力量倍增。

10來吧,你們眾人再來,

我在你們中間不會找到一個智者。

11我的年日已盡,

我的計劃破滅,

我的心願落空。

12他們說黑夜是白晝,

聲稱黑暗就是光明。

13我若期望陰間作我的家園,

在黑暗之地鋪設我的床榻,

14稱墳墓為父親,

稱蛆蟲為母親、姊妹,

15那麼,我的希望在哪裡?

誰能看到我的希望?

16我的希望會跟我進入陰間,

與我同歸塵土嗎?」

Tagalog Contemporary Bible

Job 17:1-16

1“Malapit na akong mamatay; parang malalagot na ang hininga ko. Nakahanda na ang libingan para sa akin. 2Napapaligiran ako ng mga mangungutya. Kitang-kita ko kung paano nila ako kutyain. 3O Dios, tulungan nʼyo po ako na makalaya. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin. 4Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan para hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagan na magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin. 5Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan para magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap17:5 paghihirap: sa literal, pagkabulag. ng kanyang mga anak.

6“Ginawa akong katawa-tawa ng Dios sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko. 7Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino. 8Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay nagtataka sa nangyaring ito sa akin. Akala nilaʼy masama ako at hindi makadios. 9Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag. 10Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa. 11Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad. 12Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag. 13Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa, doon ito sa lugar ng mga patay kung saan ako titira. At nais ko nang ilagay ang higaan ko sa madilim na lugar na iyon. 14Ituturing kong ama ang libingan ko at ang mga uod ang siya kong ina at babaeng kapatid. 15May pag-asa pa kaya ako? Sinong makapagsasabi na may pag-asa pa ako? 16Kasama kong malilibing ang pag-asa ko. Magkakasama kami roon sa ilalim ng lupa.”