箴言 4 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

箴言 4:1-27

父親的教誨

1孩子們啊,

你們要聽從父親的教誨,

留心學習,以便領悟,

2因為我給你們的訓誨是美好的,

不可背棄我的教導。

3我年幼時在父親身邊,

是母親唯一的寵兒。

4父親教導我說:

「要牢記我的話,

遵守我的誡命,就必存活。

5你要尋求智慧和悟性,

不要忘記或違背我的吩咐。

6不可離棄智慧,智慧必護佑你;

你要熱愛智慧,智慧必看顧你。

7智慧至上,要尋求智慧,

要不惜一切,求得悟性。

8高舉智慧,她必使你受尊崇;

擁抱智慧,她必使你得尊榮。

9她必為你戴上華冠,

加上榮冕。」

10孩子啊,你要聽從我的教導,

就必延年益壽。

11我已經指示你走智慧之道,

引導你行正確的路。

12你行走,必不受妨礙;

你奔跑,絕不會跌倒。

13你要持守教誨,不要鬆懈;

要守護好,因為那是你的生命。

14不要涉足惡人的道,

不要行走壞人的路;

15要避開,不可踏足,

要繞道而行。

16因為他們不作惡就無法入睡,

不絆倒人就無法安眠;

17他們吃的是邪惡餅,

喝的是殘暴酒。

18義人的道路好像黎明的曙光,

越照越亮,直到大放光明。

19惡人的道路一片幽暗,

他們不知被何物絆倒。

20孩子啊,你要聆聽我的吩咐,

側耳聽我的訓言;

21不要讓它們離開你的視線,

要牢記在心。

22因為得到它們就得到生命,

全身也必康健。

23要一絲不苟地守護你的心,

因為生命之泉從心中湧出。

24不講欺詐之言,

不說荒謬的話。

25眼睛要正視前方,

雙目要向前直看。

26要鋪平腳下的路,

使所行之道穩妥。

27不可偏右偏左,

要遠離惡事。

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 4:1-27

1Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. 2Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala. 3Noong bata pa ako at nasa piling pa ng aking mga magulang, mahal na mahal ako ng aking ina bilang nag-iisang anak. 4Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal. 5Pagsikapan mong magkaroon ng karunungan at pang-unawa. Huwag mong kalilimutan ang mga sinasabi ko at huwag kang hihiwalay dito. 6Huwag mong tanggihan ang karunungan, sa halip pahalagahan mo ito, dahil iingatan ka nito. 7Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo. 8Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan. 9Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”

10Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay. 11Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. 12Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan. 13Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.

14Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. 15Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid. 16Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. 17Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.

18Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. 19Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

20Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo. 21Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo. 22Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito.

23Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo. 24Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan. 25Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti. 26Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin upang magtagumpay ka. 27Mamuhay ka sa katuwiran at layuan mo ang kasamaan.