1粗茶淡飯但相安無事,
勝過佳餚滿桌卻勾心鬥角。
2精明的僕人必管轄主人的不肖子,
並與他們一同承受家業。
3鼎煉銀,爐煉金,
耶和華試煉人心。
4作惡者留心聽惡言,
說謊者側耳聽壞話。
5嘲笑窮人等於侮辱造物主,
幸災樂禍的人必難逃懲罰。
6子孫是老人的華冠,
父母是兒女的榮耀。
7愚人高談闊論不相稱,
統治者說謊更不合適。
8行賄者視賄賂為法寶,
可以使他無往不利。
9饒恕過犯,促進友愛;
重提舊恨,破壞友情。
10責備哲士一句,
勝過杖打愚人百下。
11惡人一心反叛,
殘忍的使者必奉命來懲罰他。
12寧願遇見丟失幼崽的母熊,
也不願碰上做蠢事的愚人。
13人若以惡報善,
家裡必禍患不斷。
14爭端爆發如洪水決堤,
當在爆發前將其制止。
15放過罪人、冤枉義人,
都為耶和華所憎惡。
16愚人無心求智慧,
手中有錢有何用?
17朋友時時彼此關愛,
手足生來患難與共。
18無知的人才會為他人作保。
19喜愛爭鬥的喜愛犯罪,
驕傲自大的自招滅亡。
20心術不正,難覓幸福;
口吐謊言,陷入禍患。
21生愚昧子帶來憂傷,
愚人之父毫無喜樂。
22喜樂的心乃是良藥,
憂傷的靈使骨枯乾。
23惡人暗中收受賄賂,
顛倒是非。
24哲士追求智慧,
愚人漫無目標。
25愚昧的孩子令父親憂慮,讓母親苦惱。
26責罰義人不妥,
杖責君子不義。
27謹言慎行的有知識,
溫和冷靜的有悟性。
28愚人緘默可算為智慧,
閉口不言可算為明智。
1Ang kaunting pagkain na pinagsasaluhan nang may kapayapaan ay higit na mabuti kaysa sa maraming pagkain ngunit may alitan.
2Pamumunuan ng marunong na lingkod ang nakakahiyang anak ng kanyang amo at sa kanilang mamanahin makakabahagi pa ito.
3Sinusubok ng Panginoon ang puso ng tao katulad ng pilak at ginto na sinusubok sa apoy kung ito ay tunay o hindi.
4Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling.
5Ang kumukutya sa mahihirap ay inaalipusta ang kanyang Manlilikha. Ang taong nagagalak sa kapahamakan ng iba ay parurusahan.
6Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.
7Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling.
8Sa tingin ng iba ang suhol ay parang salamangka na magagawa ang kahit anumang bagay.
9Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan.
10Sa isang saway lang natututo ang taong may pang-unawa, ngunit ang taong mangmang ay hindi natututo hampasin mo man ng walang awa.
11Laging naghahanap ng gulo ang taong masama, kaya ipapadala laban sa kanya ang isang taong malupit na magpaparusa sa kanya.
12Mas mabuti pang masalubong mo ang isang osong inagawan ng anak kaysa sa hangal na gumagawa ng kahangalan.
13Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo.
14Ang simula ng away ay katulad ng butas sa isang dike, kailangang tapalan bago lumaki.
15Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
16Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto.
17Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.
18Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan.
19Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay dadanas ng kasawian.
21Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang.
22Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.
23Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ipagkait ang makatarungang hatol.
24Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan; ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang.
26Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal.
27Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos.
28Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.