申命記 6 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

申命記 6:1-25

最大的誡命

1「你們的上帝耶和華吩咐我教導你們以下的誡命、律例和典章,以便你們在將要佔領的土地上遵行。 2這樣,你們就會得享長壽,你們及子孫就會終生敬畏你們的上帝耶和華,遵守祂藉我吩咐你們的一切律例和誡命。 3以色列人啊,你們要留心聽,謹慎遵行,以便你們在那奶蜜之鄉可以凡事順利、子孫眾多,正如你們祖先的上帝耶和華給你們的應許。 4聽啊,以色列人,耶和華是我們的上帝,耶和華是獨一的。 5你們要全心、全意、全力愛你們的上帝耶和華。 6要將我今天吩咐你們的話牢記在心, 7並教導你們的兒女,無論在家在外,或起或臥,都要講論這些律例和誡命。 8要把它們繫在手上、戴在額上作記號, 9要寫在城門上和自家的門框上。

10「你們的上帝耶和華將帶你們進入祂向你們祖先亞伯拉罕以撒雅各起誓要賜給你們的土地。那裡的宏偉城邑不是你們建造的, 11滿屋的美物不是你們積攢的,井不是你們挖掘的,葡萄園和橄欖樹也不是你們栽種的。你們在那裡吃飽喝足之後, 12要小心,不可忘記把你們從受奴役之地——埃及救出來的耶和華。 13要敬畏你們的上帝耶和華,事奉祂,憑祂的名起誓。 14不可隨從周圍各族的神明, 15免得你們的上帝耶和華向你們發怒,把你們從世上消滅;因為祂住在你們當中,祂痛恨不貞。

16「不可像在瑪撒那樣試探你們的上帝耶和華。 17要謹遵你們的上帝耶和華吩咐你們的誡命、法度和律例。 18你們要做耶和華視為正與善的事,以便你們可以凡事順利,得到耶和華起誓賜給你們祖先的佳美之地, 19趕出所有敵人,正如耶和華所言。

20「將來你們的子孫會問,『我們的上帝耶和華給你們頒佈這些法度、律例和典章是什麼意思?』 21你們要告訴他們,『我們曾在埃及做法老的奴隸,耶和華用大能的手領我們離開埃及22我們親眼看見耶和華行偉大而可畏的神蹟奇事,懲罰埃及和法老全家。 23祂帶領我們離開埃及,為要把我們帶進祂起誓賜給我們祖先的這片土地。 24我們的上帝耶和華吩咐我們遵守這一切律例、敬畏祂,以便我們可以常常受益,生命無憂,正如今日的情形。 25如果我們按照我們的上帝耶和華的吩咐,在祂面前謹遵這一切誡命,我們便被算為義人。』

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 6:1-25

Mahalin ang Panginoon na inyong Dios

1“Ito ang mga utos, katuruan at tuntunin na iniutos ng Panginoon na inyong Dios sa akin na ituro sa inyo. Sundin ninyo ito sa lupaing inyong aariin doon sa kabila ng Jordan, 2para kayo at ang mga anak at mga apo ninyo ay gumalang sa Panginoon na inyong Dios habang nabubuhay kayo. Kung susundin ninyo ang lahat ng utos niya at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, mabubuhay kayo nang matagal. 3Makinig kayo, O mamamayan ng Israel, at sundin ninyo ang kanyang mga utos para maging mabuti ang inyong kalagayan at upang lalo pa kayong dumami sa maganda at masaganang lupain,6:3 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. ayon sa ipinangako ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno.

4“Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang.6:4 Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang: o, Ang Panginoon na ating Dios, siya lang ang Panginoon. 5Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. 6Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. 7Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo. 8Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo. 9Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.

10“Dadalhin kayo ng Panginoon na inyong Dios doon sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Malaki ang lupaing ito at may maunlad na mga lungsod na hindi kayo ang nagtayo. 11May mga bahay din ito na puno ng mabubuting bagay na hindi kayo ang naghirap, may mga balon na hindi kayo ang naghukay, at mga ubasan at mga puno ng olibo na hindi kayo ang nagtanim. At kung makakain na kayo at mabusog, 12siguraduhin ninyo na hindi ninyo makakalimutan ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin.

13“Igalang ninyo ang Panginoon na inyong Dios; siya lang ang inyong paglingkuran at mangako kayo sa pangalan lang niya. 14Huwag kayong susunod sa ibang mga dios, ang mga dios ng mga mamamayan sa inyong paligid; 15dahil ang Panginoon na inyong Dios na kasama nʼyo ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Kung sasamba kayo sa ibang dios, ipadarama ng Panginoon ang kanyang galit sa inyo at lilipulin niya kayo sa mundo. 16Huwag ninyong susubukin ang Panginoon na inyong Dios kagaya ng ginawa ninyo sa Masa. 17Sundin ninyo ang kanyang mga utos, mga katuruan at mga tuntunin na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios. 18Gawin ninyo ang tama at mabuti sa paningin ng Panginoon para maging mabuti ang inyong kalagayan at maangkin ninyo ang magandang lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno. 19Itataboy niya sa inyong harapan ang lahat ng inyong mga kaaway ayon sa kanyang sinabi.

20“Sa darating na panahon, kung magtanong ang inyong mga anak, ‘Ano po ba ang ibig sabihin ng mga katuruan, tuntunin at kautusan na iniutos ng Panginoon na ating Dios?’ 21Sabihin ninyo sa kanila, ‘Mga alipin kami noon ng hari6:21 hari: sa literal, Faraon. ng Egipto, pero inilabas kami roon ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 22Nakita namin ang mga dakilang himala at mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya sa pagpaparusa sa mga mamamayan ng Egipto, kasama ng Faraon at ng buong sambahayan niya. 23At inilabas niya kami sa Egipto para dalhin sa lupain na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno. 24Inutusan kami ng Panginoon na sundin namin ang lahat ng mga tuntuning ito at gumalang sa kanya na ating Dios, para lagi kaming maging maunlad at mabuhay nang matagal gaya ng nangyayari ngayon. 25At kung susundin lang nating mabuti ang lahat ng mga utos na ito ng Panginoon na ating Dios, gaya ng iniutos sa atin, magiging matuwid tayo sa kanyang paningin.’