申命記 4 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

申命記 4:1-49

當守律法

1以色列人啊,要聆聽我傳授給你們的律法,要切實遵行,以便你們可以存活,並進入你們祖先的上帝耶和華賜給你們的那片土地。 2我吩咐你們的,你們不可做任何增減,這是你們的上帝耶和華的命令,你們要遵守。 3你們親眼看見耶和華在巴力·毗珥事件中的作為,你們的上帝耶和華毀滅了你們中間所有拜巴力·毗珥的人, 4但你們這些信靠你們的上帝耶和華的人至今還活著。 5看啊,遵照我的上帝耶和華的吩咐,我把律例和典章傳授給你們,好讓你們在將要佔領的土地上遵守。 6你們要謹遵這些律例和典章,因為這樣就會讓外族人看見你們的智慧和聰明。他們聽見這些律法後,必說,『這偉大的民族真有智慧和聰明!』 7我們的上帝耶和華與我們如此親近,隨時垂聽我們的呼求,有哪個偉大民族的神明能與之相比? 8有哪個偉大的民族擁有我今天所傳授給你們的如此公義的律例和典章?

9「要謹慎、小心,不可忘記親眼所見的事,要一生銘記在心,並且告訴子子孫孫。 10那天,你們在何烈山站在你們的上帝耶和華面前,耶和華對我說,『把民眾招聚起來,讓他們聽我的教誨,學習一生敬畏我,並傳授給自己的兒女。』 11你們來到山腳下,站在那裡,山上烈焰沖天、烏雲密佈、極其幽暗。 12耶和華在火焰中對你們說話,你們只聽見祂的聲音,卻看不見祂的形像。 13祂向你們宣告祂的約,就是祂吩咐你們遵守的十誡,並寫在兩塊石版上。 14那時,耶和華吩咐我把律例和典章傳授給你們,好讓你們在將要佔領的土地上遵守。

不可拜偶像

15「你們要格外小心,耶和華在何烈山的火焰中對你們說話時,你們沒有看見任何形像, 16所以不可墮落,去為自己製造任何形狀的神像——男人、女人、 17飛禽走獸、 18爬蟲或魚類。 19當你們舉目觀看你們的上帝耶和華賜給天下萬民的日、月、星辰等天上萬象時,不要受誘惑去跪拜、供奉它們。 20耶和華拯救你們脫離埃及那座熔鐵爐,讓你們做祂自己的子民,正如今日的情形。 21因你們的緣故,耶和華向我發怒,起誓不讓我過約旦河、進入祂賜給你們作產業的那片佳美之地。 22我將死在約旦河這邊,過不了約旦河。但你們必過去得到那片佳美之地。 23你們要謹慎,不可忘記你們的上帝耶和華與你們所立的約,不可違背你們上帝耶和華的禁令,去製造任何形狀的神像。 24因為你們的上帝耶和華是烈火,是痛恨不貞的上帝。

25「將來,即使你們在那裡安頓已久、子孫滿堂,也不可墮落、製造任何形狀的神像,不可做你們的上帝耶和華視為邪惡的事,惹祂發怒。 26否則,今天我叫天地作證,你們必很快從約旦河對面將要佔領的土地上滅亡,你們必被徹底消滅,不得在那裡長久居住。 27耶和華必把你們驅散到列邦,使你們在列邦中的人數所剩無幾。 28你們必在那裡供奉人用木石造的不會看、不會聽、不會吃、不會聞的神像。 29但你們若在那裡尋求你們的上帝耶和華,全心全意地尋求祂,就必尋見。 30日後,當你們遭遇這些事,受盡苦難的時候,必歸向你們的上帝耶和華,聽從祂。 31因為你們的上帝耶和華充滿憐憫,祂不會拋棄你們,滅絕你們,也不會忘記祂與你們祖先所立的誓約。

獨一的上帝

32「你們可以查考歷史,自上帝創造世人以來,這樣的奇事,天地之間何曾有過?誰曾聽聞? 33有哪個民族像你們一樣,聽見了上帝在火中說話,還活了下來? 34有哪個神明像你們的上帝耶和華那樣在埃及當著你們的面降災禍、行神蹟奇事、興起戰爭、伸出臂膀、施展大能的手、以偉大而可畏的作為拯救一族脫離異邦? 35耶和華行這樣的事,是要叫你們知道祂是上帝,除祂以外,別無他神。 36祂讓你們聽見祂從天上來的聲音,好教導你們,又在地上讓你們看見祂的烈火,並聽見祂在烈火中說的話。 37因為祂愛你們的祖先,所以揀選你們,親自用大能把你們從埃及領出來, 38趕走比你們強大的民族,領你們進入他們的土地,把他們的土地賜給你們作產業,正如今日的情形。 39所以,今天你們要知道並謹記,耶和華是天上地下的上帝,此外別無他神。 40我今天將祂的律例和誡命傳授給你們,你們要遵守,以便你們及子孫都蒙福,在你們上帝耶和華所賜的土地上得享長壽。」

設立避難城

41那時,摩西約旦河東劃出三座城作避難城, 42供素無冤仇卻誤殺他人者逃往避難。 43三座城分別是曠野高原的比悉——供呂便人避難,基列拉末——供迦得人避難,巴珊哥蘭——供瑪拿西人避難。

重申律法

44以下是摩西頒佈給以色列人的律法, 45即在離開埃及後傳授給他們的法度、律例和典章。 46當時他們在約旦河以東伯·毗珥對面的山谷,那裡原屬於希實本亞摩利西宏摩西以色列人離開埃及後消滅了西宏47佔領了他的土地,還佔領了巴珊的土地。西宏約旦河東亞摩利人的兩個王, 48其國土從亞嫩谷邊的亞羅珥一直到西雲山,即黑門山, 49包括約旦河東的整個亞拉巴,遠至毗斯迦山腳的亞拉巴海。

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 4:1-49

Pinayuhan ni Moises ang mga Israelita na Maging Masunurin

1Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Pakinggan ninyo ang mga utos at tuntunin na ituturo ko sa inyo. Sundin ninyo ito para mabuhay kayo at makapanirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno. 2Huwag ninyong dadagdagan o babawasan ang mga utos na ibinigay ko sa inyo, mula sa Panginoon na inyong Dios. Dapat ninyo itong sundin. 3Nakita ninyo ang ginawa ng Panginoon sa Baal Peor. Pinatay ng Panginoon na inyong Dios ang mga kapwa ninyo Israelita na sumamba kay Baal. 4Pero kayo na matapat sa Panginoon na inyong Dios ay buhay pa hanggang ngayon.

5“Itinuturo ko sa inyo ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay sa akin ng Panginoon na aking Dios para inyong sundin pagdating ninyo sa lupaing pupuntahan ninyo at titirhan. 6Sundin ninyo ito nang buong tapat, dahil sa pamamagitan nitoʼy maipapakita ninyo ang inyong kaalaman at pang-unawa sa ibang mga bansa. Kung maririnig nilang lahat ang tuntuning ito, sasabihin nila, ‘Totoo nga na marunong at may pang-unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.’ 7Wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may dios na malapit sa kanila gaya ng Panginoon na ating Dios na malapit sa atin sa mga panahong tumatawag tayo sa kanya. 8At wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may mga utos at tuntunin na katulad ng itinuro ko sa inyo ngayon. 9Pero mag-ingat kayo! Huwag ninyong kalilimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon. Kailangang manatili ito sa inyong mga puso habang nabubuhay kayo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo. 10Alalahanin ninyo ang araw na tumayo kayo sa harap ng Panginoon na inyong Dios sa Bundok ng Sinai,4:10 Sinai: sa Hebreo, Horeb. Ganito rin sa talatang 15. kung saan sinabi niya sa akin, ‘Tipunin mo ang mga mamamayan sa aking presensya para makinig sa aking mga salita upang matuto silang gumalang sa akin habang nabubuhay pa sila, at para maituro nila ito sa kanilang mga anak.’ 11Pagkatapos, lumapit kayo sa akin at tumayo sa ibaba ng bundok habang naglalagablab ito na abot hanggang langit, na binalutan ng kadiliman dahil sa maitim na ulap. 12Pagkatapos, nagsalita ang Panginoon mula sa gitna ng apoy. Narinig ninyo ang kanyang boses, pero wala kayong nakita. 13Sinabi niya sa inyo ang mga bagay na gagawin ninyo sa pagtupad ng mga kasunduan niya sa inyo. Ito ay ang Sampung Utos na iniutos niyang sundin ninyo. At isinulat niya ito sa dalawang malalapad na bato. 14Nang panahong iyon, inutusan ako ng Panginoon na ituro sa inyo ang mga utos at mga tuntunin na susundin ninyo roon sa lupain na inyong aangkinin at titirhan.

15“Nang nakipag-usap ang Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai mula sa gitna ng apoy, wala kayong nakitang anyo ng Panginoon. Kaya bantayan ninyo ang inyong mga sarili 16na hindi ninyo dudungisan ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng paggawa ng anumang anyo o imahen ng dios-diosan – lalaki man o babae, 17hayop na lumalakad o lumilipad, 18gumagapang o nakatira sa tubig. 19Huwag kayong maakit sa pagsamba sa mga bagay na nasa langit – sa araw, buwan at mga bituin. Ang mga ito ay inilagay ng Panginoon na inyong Dios para sa lahat ng mamamayan sa buong mundo. 20Alalahanin ninyo na kinuha kayo ng Panginoon sa Egipto, ang lugar na katulad ng pugon na naglalagablab, para maging mamamayan niya, at ganyan kayo ngayon.

21“Nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at isinumpa niya na hindi ako makakatawid sa Jordan at makakapasok sa magandang lupain na ibinigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana. 22Mamamatay ako sa lupaing ito na hindi makakatawid sa Jordan, pero matatawid ninyo at masasakop ang masaganang lupaing iyon. 23Ngunit mag-ingat kayo na hindi ninyo makalimutan ang kasunduang ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan sa anyo ng anumang bagay, dahil ipinagbabawal ito ng Panginoon na inyong Dios, 24at ayaw na ayaw niyang may sinasamba kayong ibang dios. Parang apoy na nakakatupok kapag nagparusa ang Panginoon na inyong Dios.

25“Sa bandang huli, kung magkakaanak kayo at magkakaapo, at naninirahan na sa lupaing iyon nang matagal na panahon, huwag ninyong dudumihan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga dios-diosan ng anumang anyo. Masama ito sa paningin ng Panginoon na inyong Dios at makakapagpagalit ito sa kanya.

26“Sa araw na ito, itinuturing kong saksi ang langit at lupa laban sa inyo. Kung hindi ninyo ako susundin, hindi kayo magtatagal sa lupain na inyong mamanahin sa kabila ng Jordan. Maninirahan kayo roon sa sandaling panahon lang, at pagkatapos ay malilipol kayo ng lubusan. 27Pangangalatin kayo ng Panginoon sa ibang mga bansa, at kaunti lang ang matitira sa inyo roon sa mga bansa kung saan kayo itataboy ng Panginoon. 28At doon na kayo sasamba sa mga dios na gawa sa kahoy at bato, na hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain o nakakaamoy. 29Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso. 30Kapag dumating ang kahirapan sa inyo, sa bandang huliʼy manunumbalik kayo sa Panginoon na inyong Dios at susundin ninyo siya. 31Sapagkat maawain ang Panginoon na inyong Dios, hindi niya kayo pababayaan o lilipulin. Hindi niya kalilimutan ang kasunduang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno.

May Iisa lang na Dios

32“Alalahanin ninyo ang mga nangyari mula nang araw na nilikha ng Dios ang tao sa mundo hanggang ngayon. Libutin ninyo ang buong mundo kung may makikita kayong kamangha-manghang bagay na nangyari katulad ng mga ito. 33Mayroon pa bang ibang tao na nabuhay pagkatapos nilang marinig ang boses ng Dios mula sa apoy, kagaya ninyo? 34Mayroon pa bang ibang Dios na nangahas na kunin ang isang grupo ng mga mamamayan mula sa isang bansa para maging kanya sa pamamagitan ng mga pagsubok, himala, mga kamangha-manghang bagay, digmaan o mga makapangyarihang gawa? Pero iyan ang ginawa ng Panginoon na inyong Dios doon sa Egipto, at kayo mismo ang nakakita nito. 35Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito para malaman ninyo na ang Panginoon ang Dios, at wala nang iba pa. 36Ipinarinig niya sa inyo ang kanyang boses mula sa langit sa pagdisiplina sa inyo. Ipinakita niya sa inyo ang kanyang makapangyarihang apoy dito sa lupa para makipag-usap sa inyo mula sa apoy na ito. 37At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan. 38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupain, ibinigay niya ito sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.

39“Kaya kilalanin ninyo ang araw na ito at itanim sa inyong mga puso na ang Panginoon ay Dios sa langit at sa lupa, at wala nang iba pang dios. 40Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntunin na ibinigay ko sa inyo ngayon para walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios magpakailanman.”

Ang Lungsod na Tanggulan

41Pagkatapos, pumili si Moises ng tatlong lungsod sa silangan ng Jordan 42para makatakas papunta roon ang taong nakapatay ng kanyang kapwa nang hindi sinasadya at hindi plinano. Makakatakas siya papunta sa mga lungsod na ito para hindi siya mapahamak. 43Ito ang mga lungsod: Bezer na nasa disyerto sa talampas na sakop ng lahi ni Reuben; Ramot sa Gilead para sa lahi ni Gad; at Golan para sa lahi ni Manase.

44Ibinigay ni Moises sa mga Israelita ang mga kautusan, 45katuruan at tuntunin na ito nang lumabas sila sa Egipto 46at habang nagkakampo sila sa lambak malapit sa Bet Peor sa silangan ng Jordan. Sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo ang lupaing ito, noong naghahari siya sa Heshbon. Siya at ang mga tauhan niya ang tinalo ni Moises at ng mga Israelita nang lumabas sila sa Egipto. 47Sinakop nila Moises ang lupain nito at ang lupain ni Haring Og ng Bashan. Sila ang dalawang Amoreo na mga hari sa silangan ng Jordan. 48Ang kanilang mga lupain na nasakop ng mga Israelita ay mula sa Aroer na nasa itaas na bahagi ng Lambak ng Arnon, papunta sa Bundok ng Sirion4:48 Sirion: Ito ay sa tekstong Syriac, sa Hebreo, Zion. na tinatawag ding Hermon, 49at ang lahat ng lupain sa Lambak ng Jordan4:49 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba. sa silangan ng Ilog ng Jordan hanggang sa Dagat na Patay,4:49 Dagat na Patay: sa Hebreo, Dagat ng Araba. sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga.