申命記 12 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

申命記 12:1-32

合宜的敬拜

1「只要你們生活在你們祖先的上帝耶和華賜給你們的土地上,就要謹遵以下律例和典章。

2「你們趕走那裡的列邦後,要徹底摧毀他們在高山上、丘陵上、綠樹下供奉其神明的地方。 3你們要拆毀他們的祭壇,打碎他們的神柱,焚燒他們的亞舍拉神像,砍倒他們的偶像,使它們的名字從那裡消失。 4你們不可按照他們的方式敬拜你們的上帝耶和華。 5你們的上帝耶和華要在你們眾支派中選一個地方作祂的居所,你們要去那裡敬拜祂, 6把你們的燔祭及其他祭物、十一奉獻、舉祭、還願祭、自願獻的祭和頭生的牛羊帶到那裡。 7你們和家人要在那裡,在你們的上帝耶和華面前吃喝;要為你們所做的一切蒙祂賜福而歡喜快樂。

8「你們不可再像今日這樣各行其是, 9因為到如今你們還沒有進入你們的上帝耶和華賜給你們作產業的安歇之地。 10但不久你們將渡過約旦河,定居在那片土地上。耶和華將使你們四境太平,安然居住, 11你們要把我吩咐你們獻的燔祭、各種牲祭、十一奉獻、舉祭和一切還願祭帶到你們的上帝耶和華選定的敬拜場所。 12在那裡,你們和兒女、僕婢及同城中沒有分到土地作產業的利未人,要一起在你們的上帝耶和華面前歡喜快樂。 13你們不可隨處向耶和華獻燔祭。 14耶和華會在你們的一個支派中選定敬拜的場所,你們只可以在那裡獻燔祭,做我吩咐你們的一切事。

15「你們可以隨時在居住的各城宰殺牲畜吃,享受你們的上帝耶和華所賜的福,像吃羚羊和鹿一樣。潔淨的人和不潔淨的人都可以吃。 16但你們不可吃血。要把血倒在地上,像倒水一樣。 17不可在你們的城裡吃十一奉獻的穀物、新酒和油、頭生的牛羊、還願祭、自願獻的祭和舉祭; 18要在你們的上帝耶和華選定的地方,與兒女、僕婢及同城的利未人一起在耶和華面前吃。要為你們所做的一切,在你們的上帝耶和華面前歡喜快樂。 19切記,只要你們還住在自己的土地上,就不可忘記利未人。

20「你們的上帝耶和華按照祂的應許擴展你們的疆域後,你們若想吃肉,隨時都可以吃。 21如果你們的上帝耶和華選定的敬拜場所離你們太遠,你們可以在自己的城裡,按照我的吩咐,隨時宰殺耶和華賜給你們的牛羊吃, 22就像你們吃羚羊和鹿一樣。潔淨的人和不潔淨的人都可以吃。 23但你們不可吃血,因為血就是生命;你們不可把生命和肉一起吃, 24要把血倒在地上,像倒水一樣。 25你們要做耶和華視為正的事——不可吃血,以便你們及子孫凡事順利。 26你們要把聖物和還願祭帶到耶和華選定的地方。 27你們要在你們的上帝耶和華的祭壇上獻燔祭,連肉帶血都要獻上。要把其他祭牲的血倒在壇上,但可以吃祭肉。 28你們要認真聽從我給你們的這些吩咐,做你們的上帝耶和華視為正與善的事,以便你們及子孫凡事順利,直到永遠。

29「你們的上帝耶和華將為你們剷除列國。你們要趕走他們,住在他們的土地上。 30那時,你們要謹慎,不可受誘惑去效法他們的習俗,不可打聽他們神明的事,說,『這些民族怎樣供奉他們的神明呢?我也要效法。』 31你們不可按照他們的方式敬拜你們的上帝耶和華。他們祭拜自己神明的種種行為令耶和華憎惡,他們甚至焚燒自己的兒女獻給他們的神明。

32「你們要謹遵我的一切吩咐,不可增添,也不可刪減。

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 12:1-32

Ang Lugar na Pinagsasambahan

1“Ito ang mga utos at tuntunin na dapat nʼyong sundin nang mabuti habang nabubuhay kayo rito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno. 2Kapag pinalayas na ninyo ang mga taong naninirahan doon, gibain ninyo ang lahat ng lugar na pinagsasambahan nila sa kanilang mga dios-diosan: sa matataas na mga bundok, sa mga kaburulan at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. 3Gibain din ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang mga alaalang bato nila, sunugin ang kanilang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera, at durugin ang imahen ng kanilang mga dios para hindi na ito alalahanin pa sa mga lugar na iyon.

4“Huwag ninyong sasambahin ang Panginoon na inyong Dios na gaya ng paraan ng kanilang pagsamba, 5kundi dumulog kayo sa Panginoon na inyong Dios at parangalan siya sa lugar na kanyang pipiliin mula sa lahat ng teritoryo ng mga lahi ng Israel. 6Doon ninyo dalhin ang mga handog ninyo na sinusunog at iba pang mga handog, ang inyong mga ikapu, ang inyong mga espesyal na handog, ang inyong mga ipinangakong regalo at mga handog na kusang-loob, gayon din ang panganay ng inyong mga hayop. 7Doon kayo kumain at ang inyong pamilya sa presensya ng Panginoon na inyong Dios, at magsaya kayo sa lahat ng inyong nagawa dahil pinagpala kayo ng Panginoon.

8-9“Kapag dumating na kayo sa lugar na kung saan makapagpapahinga na kayo, ang lugar na ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, huwag na ninyong gawin ang ginagawa natin ngayon, na kahit saan lang tayo naghahandog. 10Kapag nakatawid na kayo sa Jordan at nanirahan sa lugar na ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, mabubuhay kayo nang mapayapa dahil hindi papayag ang Panginoon na gambalain kayo ng mga kaaway sa inyong paligid. 11Pagkatapos, dalhin ninyo ang mga handog doon sa lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Dios, kung saan pararangalan siya. Ito ang mga handog na iniutos ko sa inyo: mga handog na sinusunog at ang iba pang mga handog, ang inyong ikapu, ang mga espesyal na regalo at ang lahat ng handog na ipinangako ninyo sa Panginoon. 12Doon kayo magsasaya sa presensya ng Panginoon na inyong Dios, pati ang inyong mga anak, mga alipin at ang mga Levita na naninirahan sa mga bayan ninyo na walang lupang mamanahin. 13Huwag ninyong ihandog ang inyong mga handog na sinusunog sa kahit saang lugar lang na gustuhin ninyo, 14kundi, ihandog ninyo ito sa lugar ng lahi na pipiliin ng Panginoon, at doon ninyo gawin ang lahat ng iniutos ko sa inyo.

15Pero kung hindi panghandog, maaari ninyong katayin at kainin ang hayop saanman kayo nakatira. Magpakasawa kayong kumain ng karne nito, kagaya ng pagkain ninyo ng usa at ng gasela12:15 gasela: sa Ingles, “gazelle.” Isang hayop na kapareho ng usa. ayon sa pagpapalang ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi. 16Pero huwag ninyong kakainin ang dugo; ibuhos ninyo ito sa lupa kagaya ng tubig. 17Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob. 18Kundi kainin lang ninyo ito sa presensya ng Panginoon na inyong Dios doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng kanyang ginawa. 19Huwag ninyong pababayaan ang mga Levita habang nabubuhay kayo sa inyong lupain.

20“Kapag napalawak na ng Panginoon na inyong Dios ang teritoryo ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo, at gusto ninyong kumain ng karne, maaari kayong kumain anumang oras na gustuhin ninyo. 21Kung malayo sa inyo ang lugar na pinili ng Panginoon na kung saan ninyo siya pararangalan, maaari kayong magkatay ng inyong mga baka o tupa sa inyong lugar. At ayon sa iniutos ko sa inyo, maaari kayong magpakasawa sa pagkain ng mga hayop na ibinigay ng Panginoon sa inyo, 22katulad ng pagkain ninyo ng gasela at ng usa. Ang bawat tao ay makakakain nito, itinuturing man siyang malinis o marumi. 23Pero siguraduhin ninyong hindi ninyo kakainin ang dugo, dahil ang buhay ay nasa dugo, at huwag ninyong kakainin ang buhay kasama ng karne. 24Sa halip, ibuhos ninyo ang dugo sa lupa gaya ng tubig. 25Huwag ninyo itong kakainin para maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng inyong mga lahi, dahil ang pag-iwas sa pagkain ng dugo ay mabuti sa paningin ng Panginoon.

26“Dalhin ninyo sa lugar na pinili ng Panginoon ang mga bagay na ibibigay ninyo sa Panginoon at ang mga handog na ipinangako ninyo sa kanya. 27Ihandog ninyo ang dugo at karne ng inyong mga handog sa altar ng Panginoon na inyong Dios. Dapat ninyong ibuhos ang dugo sa gilid ng altar ng Panginoon na inyong Dios, pero pwede ninyong kainin ang karne. 28Sundin ninyo ang lahat ng tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo, para laging maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng lahi ninyo, dahil mabuti at tama ang pagsunod sa mga ito sa paningin ng Panginoon na inyong Dios.

29“Kapag winasak na ng Panginoon na inyong Dios ang mga bansa na sasalakayin ninyo, at pinalayas ninyo ang mga naninirahan dito at inagaw ang kanilang lugar, 30huwag kayong magpapabitag sa pamamagitan ng pagsunod sa pagsamba nila sa kanilang mga dios. Huwag ninyong sasabihin, ‘Paano sila sumasamba sa kanilang mga dios? Susundin din namin ang ginagawa nila.’ 31Huwag ninyo itong gagawin para sambahin ang Panginoon na inyong Dios, dahil sa kanilang pagsamba, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na bagay na kinasusuklaman ng Panginoon. Sinusunog pa nila ang mga anak nila bilang handog sa kanilang mga dios.

32“Sundin ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Huwag ninyo itong dadagdagan o babawasan.