提摩太後書 4 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

提摩太後書 4:1-22

務要傳道

1在上帝和審判活人死人的基督耶穌面前,我憑基督的顯現和祂的國鄭重囑咐你: 2無論時機好壞,都要堅持傳道,以百般的忍耐和教導督責人、警戒人、勉勵人。 3因為有一天,人們會厭倦純正的教導,耳朵發癢,尋找許多迎合他們私慾的老師。 4他們掩耳不聽真理,反而偏向無稽之談。 5然而,你要謹慎行事,不怕吃苦,專心傳道,盡忠職守。

6我的生命如同奉獻在祭壇上的酒正傾倒出來,我離世的日子快要到了。 7那美好的仗,我打過了;當跑的路,我跑完了;所信的道,我持守住了。 8從此,有公義的冠冕為我預備,按公義審判的主會在祂來的那一天把它賜給我,不但會賜給我,也會賜給所有愛慕祂顯現的人。

最後的囑咐

9請你儘快到我這裡來, 10因為底馬貪愛世界,離棄我跑到帖撒羅尼迦去了。革勒士去了加拉太提多去了撻馬太11只剩下路加一人在我身邊。你要把馬可一起帶來,因為他在傳道的工作上對我很有幫助。 12至於推基古,我派他到以弗所去了。 13你來的時候,要把我在特羅亞時留在加布的外衣帶來,也要帶來那些書卷,特別是那些羊皮卷。

14銅匠亞歷山大做了許多惡事害我,主必按他的所作所為報應他。 15你也要提防他,因為他極力反對我們所傳的道。

16我第一次在法庭申辯的時候,沒有人幫助我,眾人都離棄了我,但願他們不會因此而獲罪。 17然而主站在我身旁加給我力量,使我可以把福音清楚地傳給外族人。主把我從獅子口裡救了出來。 18主必救我脫離一切兇險,帶我進入祂的天國。願榮耀歸給上帝,直到永永遠遠。阿們!

問候

19請代我問候百基拉亞居拉,也問候阿尼色弗一家。 20以拉都留在了哥林多,我把生病的特羅非摩留在了米利都21你要儘快在冬天之前趕到這裡來。友布羅布田利奴革勞底亞和眾弟兄姊妹都問候你。

22願主與你的靈同在!願恩典與你們同在!

Tagalog Contemporary Bible

2 Timoteo 4:1-22

1Inaatasan kita sa presensya ng Dios at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at mga patay, at muling babalik at maghahari: 2Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. 3Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw. 4Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao. 5Ngunit ikaw, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras; magtiis ka sa mga paghihirap. Gawin mo ang tungkulin mo bilang tagapangaral ng Magandang Balita, at tuparin mo ang mga tungkulin mo bilang lingkod ng Dios.

6Ang buhay ko ay iaalay na, dahil dumating na ang panahon ng pagpanaw ko. 7Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. 8At ngayon, may inilaan ang Dios sa akin na korona ng katuwiran.4:8 korona ng katuwiran: Ang ibig sabihin ay may gantimpalang ibibigay sa kanya ang Dios dahil sa matuwid niyang pamumuhay, o ang gantimpala mismo sa kanya ay ang ganap na pagkamatuwid. Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.

Mga Personal na Bilin

9Pagsikapan mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon 10dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresens naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmatia. 11Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si Marcos sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko. 12Si Tykicus namaʼy pinapunta ko sa Efeso. 13Pagpunta mo ritoʼy dalhin mo ang balabal ko na iniwan ko kay Carpus sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.

14Napakasama ng ginawa sa akin ng panday na si Alexander. Ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. 15Mag-ingat ka rin sa kanya dahil sinasalungat niya nang husto ang mga ipinangangaral natin.

16Walang sumama sa akin sa unang paglilitis sa akin; iniwan ako ng lahat. Patawarin sana sila ng Dios. 17Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas para maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Judio. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.4:17 sa tiyak na kamatayan: sa literal, sa bunganga ng leon. 18Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen!

Mga Pangangamusta

19Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforus. 20Si Erastus ay nanatili sa Corinto, at si Trofimus namaʼy iniwan ko sa Miletus dahil may sakit siya. 21Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig.

Kinukumusta ka nina Eubulus, Pudens, Linus, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.

22Sumainyo nawa ang Panginoon at ang pagpapala niya.