提摩太前書 6 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

提摩太前書 6:1-21

1作奴僕的要全心尊重自己的主人,免得上帝的名和我們的教導被人褻瀆。 2若主人是基督徒,作奴僕的不可因為同是信徒就不尊敬自己的主人,反而要更好地服侍他,因為這些接受服侍的人是信徒,是主所愛的。你要教導這些事並勉勵眾人。

異端與貪財

3如果有人傳的教義不符合我們主耶穌基督純正的道和敬虔的教導, 4他就是狂妄自大、一無所知。這種人專好問難,爭辯字句,結果引起嫉妒、紛爭、毀謗和猜忌, 5使那些思想敗壞、失去真理的人爭論不休,甚至把敬虔當作生財之道。 6其實敬虔和知足才是真正的財富, 7因為我們空手來到世上,也要空手離開。 8只要有吃有穿,就該知足。 9那些渴望發財的人卻陷入誘惑、網羅和許多愚蠢有害的慾望中,以致落入敗壞和滅亡中。 10貪財是萬惡之根,有人因為貪財就離棄了信仰,結果飽嚐種種錐心般的痛苦。

保羅對提摩太的囑咐

11但你這屬上帝的人要遠避這些事,要追求公義、敬虔、信心、愛心、忍耐和溫柔, 12要為真道打美好的仗,要持定永生。你是為永生蒙召的,並在許多見證人面前做過美好的見證。 13在賜萬物生命的上帝面前,也在向本丟·彼拉多做過美好見證的基督耶穌面前,我囑咐你: 14要遵守這命令,做純潔無瑕、無可指責的人,一直到我們的主耶穌基督再來。 15到了時候,配得稱頌、獨有權能的萬王之王、萬主之主要使基督顯現。 16上帝是獨一不朽的,住在人不能接近的光中,從來沒有人見過祂,也沒有人能夠看見祂。願尊貴和永遠的權柄都歸給祂。阿們!

17你要勸誡那些今世富足的人不要高傲,也不要冀望於靠不住的錢財,要信靠將萬物厚賜給我們享用的上帝。 18你要勸他們多多行善、慷慨施捨、樂意助人。 19這樣,他們可以為自己的將來奠定美好的基礎,以便持守真正的生命。

20提摩太啊,你要持守所託付給你的,避開世俗的空談和那些違背真理、似是而非的學問。 21有些自稱有這種學問的人已經偏離了信仰。

願恩典與你們同在!

Tagalog Contemporary Bible

1 Timoteo 6:1-21

1Sa mga alipin na mananampalataya, dapat igalang nila nang lubos ang mga amo nila para walang masabi ang mga tao laban sa Dios at sa itinuturo natin. 2At kung mga mananampalataya rin ang amo nila, hindi sila dapat mawalan ng paggalang dahil lang sa magkakapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, lalo pa nga nilang dapat pagbutihin ang paglilingkod nila dahil kapwa mananampalataya ang nakikinabang sa paglilingkod nila, at mahal din ng Dios.

Mga Maling Aral at ang Pag-ibig sa Salapi

Ituro mo ang mga bagay na ito at hikayatin silang sundin ito. 3Kung may nagtuturo man nang salungat dito at hindi naaayon sa tamang turo ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at mga turo tungkol sa pagsunod sa Dios, 4ang taong itoʼy mayabang pero wala namang nalalaman. Gusto lang niyang makipagtalo na nauuwi lang naman sa inggitan, alitan, paninira, pambibintang, 5at walang tigil na awayan. Ito ang ugali ng taong baluktot ang pag-iisip at hindi na nakakaalam ng katotohanan. Inaakala nilang ang kabanalan ay paraan ng pagpapayaman. 6Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman. 7Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. 8Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento. 9Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. 10Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

11Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Dios, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa. 12Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Dios para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi. 13Sa presensya ng Dios na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa presensya ni Cristo Jesus na nagpatotoo sa harap ni Poncio Pilato, inuutusan kitang 14sundin mong mabuti ang mga iniutos sa iyo para walang masabi laban sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15Sa takdang panahon, ihahayag siya ng dakila at makapangyarihang Dios, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

17Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Dios na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin. 18Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa. 19Sa ganoon, makapag-iipon sila ng kayamanan sa langit na hindi mawawala, at matatamo nila ang tunay na buhay.

20Timoteo, ingatan mo ang mga aral na ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga walang kabuluhang usap-usapan na ipinapalagay ng iba na karunungan, pero sumasalungat sa itinuturo natin. 21Dahil sa ganyang pagmamarunong ng ilan, naligaw tuloy sila sa pananampalataya.

Pagpalain ka nawa ng Dios.