希伯來書 10 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

希伯來書 10:1-39

永遠的贖罪祭

1律法只是將來美事的一個投影,並非本體的真像,所以年復一年的獻祭不能使前來敬拜的人純全。 2否則,獻祭的事早已終止了,因為敬拜的人若獻一次祭就能徹底得到潔淨,他們就不再覺得有罪了。 3然而,每年獻祭的事都使人想起自己的罪來, 4因為公牛和山羊的血根本不能除去人的罪。

5所以,基督來到世上的時候曾說:

「上帝啊,祭物和供物非你所悅,

你為我預備了身體。

6你並非喜愛燔祭和贖罪祭。

7於是我說,

『上帝啊,我來是要遵行你的旨意,

我的事都記在聖經上了。』」

8基督首先說:「祭物、供物、燔祭和贖罪祭都不是你想要的,也不是你喜悅的。」這些都是依照律法獻上的。 9然後祂又說:「我來是要遵行你的旨意。」這樣,祂廢除了前者,為要設立後者。 10上帝的旨意是:耶穌基督只一次獻上自己的身體,便使我們永遠聖潔了。

11祭司都要天天站著供職,一次次地獻上同樣的祭物,只是這些祭物根本不能除罪。 12而基督一次獻上自己成為永遠的贖罪祭後,就坐在上帝的右邊, 13等待祂的仇敵成為祂的腳凳。 14祂憑自己的一次犧牲,使那些得以聖潔的人永遠純全。

15聖靈也向我們做見證,說:

16「主說,那些日子以後,

我將與他們立這樣的約,

我要把我的律例放在他們心中,

寫在他們腦中。

17我要忘記他們的過犯和罪惡。」

18既然過犯和罪惡已經得到赦免,就不需要再為罪獻祭了。

堅忍到底

19-20弟兄姊妹,耶穌已用寶血為我們開闢了一條又新又活的路,使我們可以穿過幔子,就是祂的身體,坦然進入至聖所。 21並且,我們有一位大祭司管理上帝的家, 22祂潔淨了我們被罪困擾的良心,用清水洗淨了我們的身體。因此,我們要信心十足、真誠地到上帝面前。 23我們要堅定不移地持守我們所認定的盼望,因為賜應許的那位是信實的。 24我們要想辦法彼此相顧,激發愛心,勉勵行善。 25不要停止聚會,像那些停止慣了的人,要互相鼓勵,特別是你們知道主再來的日子近了。

26因為我們知道了真理以後,若仍然故意犯罪,就再沒有贖罪祭了, 27只有可怕的審判和燒滅敵對者的烈火等候我們。 28人違犯摩西的律法,經兩三個人指證後,尚且被毫不留情地處死, 29更何況人踐踏上帝的兒子,輕看那使人聖潔的立約之血,又藐視賜人恩典的聖靈?這等人該受多麼重的刑罰啊! 30我們知道上帝說過:「伸冤在我,我必報應。」祂又說:「主要審判祂的百姓。」 31落在永活上帝的手中是可怕的!

32你們要回想當初的日子,那時你們蒙了光照以後,忍受了各種苦難的煎熬。 33有時候,你們在眾目睽睽之下被辱駡,受迫害;有時候,你們和遭受這樣苦難的人同舟共濟。 34你們體恤那些坐牢的人,即使你們的家業被搶奪,仍然甘心忍受,因為你們知道自己有更美的、永遠長存的家業。 35所以切勿失去勇敢的心,因為勇敢的心會給你們帶來大賞賜。 36你們需要堅忍到底,這樣你們遵行了上帝的旨意後,便可以得到祂的應許。

37因爲「將要來臨的那位很快要來了,絕不遲延。 38屬我的義人必靠信心而活。他若畏縮退後,我必不喜悅他。」 39但我們都不是退後走向滅亡的人,而是因為有信心而靈魂得救的人。

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 10:1-39

1Ang Kautusan ay anino lang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman ay hindi ito nakakapagpabanal sa mga taong lumalapit sa Dios sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taun-taon. 2Dahil kung napatawad na sila sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila uusigin ng kanilang budhi, at hindi na nila kailangang maghandog pa. 3Ngunit ang paghahandog na ginagawa nila taun-taon ay siya pang nagpapaalala sa mga kasalanan nila, 4dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila. 5Kaya nga, nang dumating si Jesus dito sa mundo, sinabi niya sa kanyang Ama,

“Hindi mo nagustuhan ang mga handog at kaloob ng mga tao,

kaya binigyan mo ako ng katawan na ihahandog ko.

6Hindi ka nasiyahan sa mga handog na sinusunog at mga handog sa paglilinis.

7Kaya sinabi ko sa iyo, ‘Narito ako para tuparin ang kalooban mo, O Dios, ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.’ ”10:7 Salmo 40:6-8.

8Una, sinabi ni Cristo na hindi nagustuhan ng Dios ang mga handog at kaloob, at hindi siya nasiyahan sa mga handog na sinusunog at mga handog sa paglilinis kahit na ipinapatupad ito ng Kautusan. 9Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang Ama, “Nandito ako para sundin ang kalooban mo.” Kaya inalis ng Dios ang dating paraan ng paghahandog upang palitan ng paghahandog ni Cristo. 10At dahil sinunod ni Jesu-Cristo ang kalooban ng Dios, nilinis niya tayo sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng sarili niya.

11Naglilingkod ang mga pari araw-araw, at paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog, na hindi naman nakapag-aalis ng kasalanan. 12Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa ating mga kasalanan, at hindi na ito mauulit kailanman. Pagkatapos nito, umupo na siya sa kanan ng Dios. 13At hinihintay na lang niya ngayon ang panahong pasukuin sa kanya ng Dios ang mga kaaway niya. 14Kaya sa pamamagitan lang ng minsang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinabanal10:14 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios para sa kanya. niya.

15Ang Banal na Espiritu mismo ang nagpapatotoo tungkol dito. Sapagkat sinabi niya,

16“ ‘Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon,’ sabi ng Panginoon:

‘Ilalagay ko ang aking mga utos sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.’ ”10:16 Jer. 31:33.

17Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at kasamaan nila.”10:17 Jer. 31:34. 18At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.

Lumapit Tayo sa Dios

19Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. 20Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. 21At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Dios, 22lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis10:22 nilinis: sa literal, nawisikan. na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig. 23Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin. 24At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. 25Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

26Sapagkat kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang katotohanan, wala nang handog na maiaalay pa para mapatawad ang mga kasalanan natin. 27Tanging ang nakakatakot na paghuhukom at nagliliyab na apoy ang naghihintay sa mga taong kumakalaban sa Dios. 28Ipinapapatay noon nang walang awa ang lumalabag sa Kautusan ni Moises, kapag napatunayan ng dalawa o tatlong saksi ang paglabag niya. 29Gaano pa kaya kabigat ang parusang tatanggapin ng taong lumapastangan sa Anak ng Dios at nagpawalang-halaga sa dugo na nagpatibay sa kasunduan ng Dios at naglinis sa mga kasalanan niya? Talagang mas mabigat ang parusa sa mga taong ito na humamak sa maawaing Banal na Espiritu. 30Sapagkat kilala natin ang Dios na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”10:30 Deu. 32:35. At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”10:30 Deu. 32:36. 31Kakila-kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Dios na buhay.

32Alalahanin nʼyo ang nakaraang panahon, noong una kayong naliwanagan. Dumaan kayo sa matinding hirap, pero tiniis nʼyo ito at hindi kayo nadaig. 33Kung minsan, inaalipusta kayo at pinag-uusig sa harapan ng mga tao. At kung minsan namaʼy dinadamayan nʼyo ang mga kapatid na dumaranas ng ganitong pagsubok. 34Dinadamayan nʼyo ang mga kapatid na nakabilanggo. At kahit inagawan kayo ng mga ari-arian, tiniis nʼyo ito nang may kagalakan dahil alam ninyong mayroon kayong mas mabuting kayamanan na hindi mawawala kailanman. 35Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Dios, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo. 36Kailangan ninyong magtiis para masunod nʼyo ang kalooban ng Dios, at matanggap nʼyo ang ipinangako niya. 37Sapagkat sinasabi sa Kasulatan,

“Sandaling panahon na lang at darating na siya. Hindi na siya magtatagal.

38At mabubuhay ang taong itinuring kong matuwid dahil sa pananampalataya niya. Ngunit kung tumalikod siya sa akin, hindi ko na siya kalulugdan.”10:38 Hab. 2:3-4.

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Dios at napapahamak, kundi kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas.