尼希米記 5 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

尼希米記 5:1-19

尼希米幫助窮苦人

1那時,民眾和他們的妻子都抱怨他們的猶太同胞。 2有的說:「我們和我們的兒女人口眾多,需要糧食來活命。」 3有的說:「因為饑荒的緣故,我們要將田地、葡萄園和房屋作抵押來獲取糧食。」 4有的說:「我們要借錢才能繳納王對我們的田地和葡萄園徵收的稅。 5我們和他們是同胞,我們的孩子就像他們的孩子。但現在我們的兒女要被迫成為僕婢,甚至我們的女兒有些已經淪為奴婢。我們卻無能為力,因為我們的田地和葡萄園已經歸別人了。」

6聽到他們的抱怨後,我非常憤怒。 7經過深思熟慮後,我便斥責這些貴族和官員,說:「你們竟然向同胞放高利貸!」於是我召開大會處理他們的問題。 8我對他們說:「我們在盡力贖回那些被賣到外邦的猶太同胞,你們卻要賣他們為奴,好讓我們再贖回他們嗎?」他們都沉默不語,無言以對。 9我繼續說:「你們的所作所為實在不對。難道你們不應該敬畏上帝,以免我們的仇敵凌辱我們嗎? 10我和我的兄弟及僕人都借錢、借糧給民眾,現在我們要停止放高利貸。 11你們今天就要歸還他們的田地、葡萄園、橄欖園和房屋,以及你們向他們所收的五穀、新酒和油的利息。」

12他們說:「我們會照你的話去做,把東西還給他們,不再向他們索債。」於是,我召來祭司,讓這些人起誓遵守自己的諾言。 13我抖著衣服說:「如果你們不守誓言,願上帝也這樣抖掉你們的家園和你們勞碌得來的,使你們一無所有。」全體會眾都說:「阿們!」他們讚美耶和華,民眾都遵照誓言去行。

尼希米大公無私

14亞達薛西王二十年至三十二年,也就是我奉派為猶大省長的十二年間,我和我的弟兄都沒有吃省長的俸祿。 15在我之前的省長使民眾負擔沉重,天天索取食物、酒及五百克銀子。他們的僕人也欺壓民眾,但我因敬畏上帝而沒有這樣做。 16我全心修築城牆,沒有購置田產,我的僕人也都參與修建城牆的工作。 17除了從周圍外邦來到我們這裡的人之外,還有一百五十名猶太人和官員與我一同吃飯。 18我每天需要預備一頭公牛、六隻肥羊和飛禽;每十天還要大量供應各樣酒品。即使這樣,我仍然沒有吃省長的俸祿,因為民眾已經負擔沉重。 19我的上帝啊,求你記念我為這些民眾所做的一切,施恩於我。

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 5:1-19

Tinulungan ni Nehemias ang mga Dukha

1Dumaing ang ibang mga lalaki at ang mga asawa nila sa kapwa nila mga Judio. 2Sinabi nila, “Malaki ang pamilya namin at kailangan namin ng pagkain para mabuhay.” 3May iba rin sa kanila na nagsabi, “Isinanla na lang namin ang mga bukirin namin, mga ubasan, at ang mga bahay namin para may makain kami sa panahon ng taggutom.” 4May iba pa sa kanila na nagsabi, “Nanghiram kami ng pera para makapagbayad ng buwis sa hari para sa aming mga bukirin at ubasan. 5Kahit kami at ang mga anak namin ay kapwa nila Judio, kinailangang ipaalipin namin sa kanila ang aming mga anak para magkapera. Sa totoo lang, ang iba naming mga anak na babae ay ipinagbili na namin bilang alipin. Wala kaming magawa dahil ang aming mga bukirin at mga ubasan ay pagmamay-ari na ng iba.”

6Labis akong nagalit nang marinig ko ang mga hinaing nila. 7Pinag-isipan kong mabuti ang kalagayan nila, at pinuntahan agad ang mga pinuno at mga opisyal, at pinaratangan sila. Sinabi ko, “Ginigipit nʼyo ang mga kababayan ninyo! Sapagkat tinutubuan nʼyo pa sila kapag nanghihiram sila sa inyo ng pera.” Pagkatapos, pinatipon ko agad ang mga tao para sa isang pulong. 8Sinabi ko, “Sinisikap nating matubos ang mga kapwa natin Judio na nagbenta ng sarili nila bilang alipin sa mga dayuhan. Pero ngayon, dahil sa ginagawa nʼyo, napipilitan na din silang ibenta ang sarili nila bilang mga alipin. Palagi na lang ba natin silang tutubusin?” Tumahimik na lang sila dahil wala silang maidahilan.

9Nagpatuloy ako sa pagsasalita, “Hindi maganda ang ginagawa ninyo. Dapat sanaʼy mamuhay kayo nang may takot sa Dios para hindi tayo tuyain ng ibang mga bansang kalaban natin. 10Ako mismo at ang aking mga kamag-anak, pati ang mga tauhan ko ay nagpahiram ng pera at trigo sa mga kababayan nating nangangailangan. Pero huwag na natin silang pagbayarin sa mga utang nila!5:10 huwag … utang: o, huwag na nating patutubuan ang mga inutang nila. 11Ngayon din ibalik nʼyo ang mga bukirin, mga ubasan, mga taniman ng olibo, at mga bahay ng may utang sa inyo. Ibalik nʼyo rin ang tubo ng mga pinahiram ninyong pera, trigo, bagong katas ng ubas at langis.” 12Sumagot sila, “Ibabalik namin ang lahat ng iyon sa kanila. Hindi na namin sila sisingilin. Gagawin namin ang sinasabi mo.”

Ipinatawag ko ang mga pari at pinasumpa sa harapan nila ang mga pinuno at ang mga opisyal na tutuparin nila ang pangako nila. 13Ipinagpag ko ang balabal5:13 balabal: Ang mga damit noon ay walang bulsa, kaya ang ginagawa nilang bulsa ay ang balabal sa kanilang baywang. Ang pagpagpag nito ay nagsisimbolo ng pagkawala ng lahat. ko sa baywang ko at sinabi, “Ganito nawa ang gawin ng Dios sa mga bahay at ari-arian ninyo kapag hindi ninyo tinupad ang pangako ninyo. Kunin nawa niya ang lahat ng ito sa inyo.”

Ang lahat ng tao roon ay sumagot, “Siya nawa,” at pinuri nila ang Panginoon. At tinupad ng mga pinuno at ng mga opisyal ang pangako nila.

Ang Pagiging Mapagbigay ni Nehemias

14Sa loob ng 12 taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ika-20 taon hanggang ika-32 taon ng paghahari ni Artaserses, ako at ang mga kamag-anak ko ay hindi tumanggap ng pagkaing para sa gobernador. 15Ngunit ang mga gobernador na nauna sa akin ay naging pasanin ng mga tao, dahil humihingi sila ng pang-araw-araw nilang pagkain at inumin maliban pa sa 40 pirasong pilak. Pati ang mga opisyal nila ay nang-abuso ng mga tao. Pero hindi ko ito ginawa, dahil may takot ako sa Dios. 16Sa halip, ginawa ko ang lahat para maitayong muli ang pader sa tulong ng mga tauhan ko. At hindi ako5:16 ako: Ito ang nasa ibang tekstong Hebreo, sa Syriac, at sa Septuagint. Karamihan ng tekstong Hebreo, kami. nang-angkin ng lupa. 17Palagi kong pinapakain ang 150 Judiong opisyal bukod pa sa mga bisitang mula sa paligid na mga bansa. 18Araw-araw akong nagpapakatay ng isang baka, anim na matatabang tupa, at mga manok. At tuwing ikasampung araw ay naglalabas ako ng marami at ibaʼt ibang klaseng inumin. Sa kabila nito, hindi ako tumanggap ng pagkaing para sa gobernador, dahil nalaman kong nabibigatan na ang mga tao.

19Nanalangin ako, “O aking Dios, nawaʼy pagpalain po ninyo ako sa lahat ng ginagawa ko para sa sambayanang ito.”