尼希米記 12 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

尼希米記 12:1-47

祭司和利未人的名單

1以下是與撒拉鐵的兒子所羅巴伯耶書亞一起回來的祭司和利未人:

祭司有西萊雅耶利米以斯拉2亞瑪利雅瑪鹿哈突3示迦尼利宏米利末4易多近頓亞比雅5米雅民瑪底雅璧迦6示瑪雅約雅立耶大雅7撒路亞木希勒迦耶大雅。這些人在耶書亞的時代是祭司和他們弟兄的首領。

8利未人有耶書亞賓內甲篾示利比猶大瑪他尼瑪他尼及其弟兄負責感恩詩歌。 9他們的弟兄八布迦烏尼站在他們對面供職。

耶書亞大祭司的後代

10耶書亞約雅金約雅金以利亞實以利亞實耶何耶大11耶何耶大約拿單約拿單押杜亞

做族長的祭司

12約雅金時代,祭司家族的族長有西萊雅家族的米拉雅耶利米家族的哈拿尼雅13以斯拉家族的米書蘭亞瑪利雅家族的約哈難14米利古家族的約拿單示巴尼家族的約瑟15哈琳家族的押拿米拉約家族的希勒愷16易多家族的撒迦利亞近頓家族的米書蘭17亞比雅家族的細基利米拿民家族的無名氏,摩亞底家族的毗勒太18璧迦家族的沙姆亞示瑪雅家族的約拿單19約雅立家族的瑪特乃耶大雅家族的烏西20撒來家族的加萊亞木家族的希伯21希勒迦家族的哈沙比雅耶大雅家族的拿坦業

祭司和利未家族的記錄

22以利亞實耶何耶大約哈難押杜亞的時代,利未人的族長都列入名冊;在波斯大流士執政期間,祭司的族長也都列入名冊。 23做族長的利未子孫的名字都記錄在歷代志上,直到以利亞實的兒子約哈難的時代。

聖殿供職的班次

24哈沙比雅示利比甲篾的兒子耶書亞利未人的首領。他們的弟兄站在他們對面,照上帝僕人大衛的吩咐一班一班地讚美、稱頌上帝。 25負責守衛庫房的是瑪他尼八布迦俄巴底亞米書蘭達們亞谷26他們任職時正值約撒達的孫子、耶書亞的兒子約雅金尼希米省長和律法教師以斯拉祭司的時代。

尼希米奉獻新城牆

27耶路撒冷的城牆典禮之際,民眾把各處的利未人請到耶路撒冷,來稱頌、歌唱、敲鈸、鼓瑟、彈琴,歡慶典禮。 28歌樂手的子孫從耶路撒冷周圍地區,尼陀法的村莊, 29伯·吉甲,以及迦巴押瑪弗地區被招聚起來,因為歌樂手已在耶路撒冷周圍為自己建立了村莊。 30祭司和利未人自潔,然後潔淨民眾、城門和城牆。

31我率猶大的首領上到城牆上,使稱頌的歌樂手分成兩大隊,一隊從城牆上向右前往糞廠門, 32跟在他們後面的有何沙雅和半數的猶大首領, 33還有亞撒利雅以斯拉米書蘭34猶大便雅憫示瑪雅耶利米35還有一些吹號的祭司,包括約拿單的兒子撒迦利亞——約拿單示瑪雅的兒子,示瑪雅瑪他尼的兒子,瑪他尼米該亞的兒子,米該亞撒刻的兒子,撒刻亞薩的兒子—— 36還有撒迦利亞的弟兄示瑪雅亞撒利米拉萊基拉萊瑪艾拿坦業猶大哈拿尼,他們都拿著上帝僕人大衛的樂器。隊伍由律法教師以斯拉帶領。 37他們經過泉門,沿大衛城的臺階,順城牆的地勢而上,經過大衛的宮殿,走到東面的水門。

38第二隊稱頌的歌樂手向左走,我和半數的民眾在城牆上跟著他們,經過爐樓一直走到寬牆, 39然後又經過以法蓮門、古門、魚門、哈楠業樓、哈米亞樓,遠至羊門,之後停在護衛門。 40這兩隊稱頌的歌樂手站在上帝的殿裡,我和半數的首領也站在那裡, 41同時還有吹號的祭司以利亞金瑪西雅米拿民米該雅以利約乃撒迦利亞哈楠尼亞42以及瑪西雅示瑪雅以利亞撒烏西約哈難瑪基雅以攔以謝。歌樂手在伊斯拉希雅的領導下高聲歌唱。 43那天,眾人獻上許多祭物,滿心歡喜,因為上帝賜給他們極大的喜樂,連婦孺也都歡喜,以致耶路撒冷的歡聲遠處可聞。

預備聖殿的需要

44那天,有人被委派管理庫房,把舉祭、初熟之物和十一奉獻收集在庫房裡。他們要照律法的規定從各城田地收集祭司和利未人當得的份,因為猶大人對祭司和利未人的供職很滿意。 45祭司和利未人遵行上帝的吩咐,遵守潔淨的禮。歌樂手和殿門守衛也遵照大衛和他兒子所羅門的命令行事。 46遠在大衛亞薩的時代就有歌樂手,並有讚美、稱頌上帝的詩歌。 47所羅巴伯尼希米的時代,全體以色列人供應歌樂手和殿門守衛的日常需用,並分出一份給利未人,利未人又分出一份給亞倫的子孫。

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 12:1-47

Ang mga Pari at ang mga Levita

1-7Ito ang talaan ng mga pari at ng mga Levita na bumalik mula sa pagkabihag kasama ni Zerubabel na anak ni Shealtiel at ni Jeshua na punong pari. Ang mga pari ay sina Seraya, Jeremias, Ezra, Amaria, Maluc, Hatush, Shecania, Rehum, Meremot, Iddo, Gineton, Abijah, Mijamin, Moadia, Bilga, Shemaya, Joyarib, Jedaya, Salu, Amok, Hilkia, at Jedaya. Sila ang mga pinuno ng mga kapwa nila pari at ng kanilang mga kasama noong panahon ni Jeshua.

8Ang mga Levita ay sina Jeshua, Binui, Kadmiel, Sherebia, Juda at Matania. Si Matania at ang mga kasama niya ang katiwala sa pag-awit ng mga awit ng pasasalamat. 9At sina Bakbukia, Uni, at ang mga kasama nila, ang katiwala sa pagsagot sa awit na iyon.

Ang mga Lahi ng Punong Pari na si Jeshua

10Si Jeshua ay ama ni Joyakim. Si Joyakim ay ama ni Eliashib. Si Eliashib ay ama ni Joyada. 11Si Joyada ay ama ni Jonatan. At si Jonatan ay ama ni Jadua.

Ang Pinuno ng mga Pamilya ng mga Pari

12-13Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari noong si Joyakim ang punong pari:

Si Meraya ang pinuno ng pamilya ni Seraya.

Si Hanania ang pinuno ng pamilya ni Jeremias.

Si Meshulam ang pinuno ng pamilya ni Ezra.

Si Jehohanan ang pinuno ng pamilya ni Amaria.

14Si Jonatan ang pinuno ng pamilya ni Maluc.

Si Jose ang pinuno ng pamilya ni Shebania.12:14 Shebania: o, Shecania.

15Si Adna ang pinuno ng pamilya ni Harim.

Si Helkai ang pinuno ng pamilya ni Merayot

16Si Zacarias ang pinuno ng pamilya ni Iddo.

Si Meshulam ang pinuno ng pamilya ni Gineton.

17Si Zicri ang pinuno ng pamilya ni Abijah.

Si Piltai ang pinuno ng pamilya nina Miniamin at Moadia.

18Si Shamua ang pinuno ng pamilya ni Bilga.

Si Jehonatan ang pinuno ng pamilya ni Shemaya.

19Si Matenai ang pinuno ng pamilya ni Joyarib.

Si Uzi ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.

20Si Kalai ang pinuno ng pamilya ni Salu.

Si Eber ang pinuno ng pamilya ni Amok.

21Si Hashabia ang pinuno ng pamilya ni Hilkia.

At si Netanel ang pinuno ng pamilya ni Jedaya.

Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita

22Noong panahon ng paghahari ni Darius sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong pari na sina Eliashib, Joyada, Johanan, at Jadua. 23Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliashib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.

24Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita: si Hashabia, Sherebia, Jeshua, Binui, Kadmiel,12:24 Jeshua, Binui, Kadmiel: o, Jeshua na anak ni Kadmiel. at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa templo ng mga papuri at pasasalamat sa Dios. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo, ayon sa utos ni David na lingkod ng Dios. 25Ang mga guwardya ng pintuan ng templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matania, Bakbukia, Obadias, Meshulam, Talmon at Akub. 26Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joyakim na anak ni Jeshua at apo ni Jozadak, at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.

Itinalaga sa Dios ang Pader ng Lungsod

27Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira. 28Pinapunta rin ang mga mang-aawit mula sa mga baryo sa paligid ng Jerusalem at mula sa baryo ng Netofa. 29May mga nagmula sa bayan ng Bet Gilgal, at sa lugar ng Geba at Azmavet. Sapagkat ang mga mang-aawit ay nagtayo ng sarili nilang mga baryo sa paligid ng Jerusalem. 30Gumawa ng seremonya sa paglilinis ang mga pari at mga Levita, para maging malinis sila, at ganoon din ang ginawa nila sa mga tao, sa mga pintuan ng lungsod at sa pader nito.

31Dinala ko ang mga pinuno ng Juda sa itaas ng pader, at tinipon ko roon ang dalawang malalaking grupo ng mga mang-aawit para magpasalamat sa Dios. Ang isang grupo naman ay nagmartsa roon sa itaas papunta sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura. 32Sumusunod sa kanila sina Hosaya at ang kalahati ng mga pinuno ng Juda, 33kasama rin sina Azaria, Ezra, Meshulam, 34Juda, Benjamin, Shemaya, Jeremias, 35at ilang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta. Sumusunod din si Zacarias na anak ni Jonatan. (Si Jonatan ay anak ni Shemaya. Si Shemaya ay anak ni Matania. Si Matania ay anak ni Micaya. At si Micaya ay anak ni Zacur na angkan ni Asaf.) 36Sumusunod naman kay Zacarias ang mga kasama niyang sina Shemaya, Azarel, Milai, Gilalai, Maai, Netanel, Juda at Hanani. May dala silang mga instrumento katulad ng mga tinutugtog noon ni Haring David na lingkod ng Dios. Ang grupong ito ay pinapangunahan ni Ezra na tagapagturo ng kautusan. 37Pagdating nila sa Pintuan ng Bukal, umakyat sila sa daang parang hagdan na papuntang Lungsod ni David. Dumaan sila sa palasyo ni David hanggang makarating sila sa Pintuan ng Tubig, sa gawing silangan ng lungsod.

38Ang ikalawang grupo ay nagmartsa pakaliwa sa itaas ng pader. Sumunod ako sa grupong ito kasama ang kalahati ng mamamayan.12:38 mamamayan: o, pinuno. Dumaan kami sa gilid ng Tore na May Hurno papunta sa Malapad na Pader. 39Mula roon dumaan kami sa Pintuan ni Efraim, sa Lumang Pintuan,12:39 Lumang Pintuan: o, Pintuan ni Jeshana. sa pintuan na tinatawag na Isda, sa Tore ni Hananel, at sa Tore ng Isang Daan.12:39 Tore ng Isang Daan: Maaaring ang “isang daan” ay ang taas o lalim ng baitang ng hagdan nito. Pagkatapos, dumaan kami sa pintuan na tinatawag na Tupa at huminto sa may Pintuan ng Guwardya.

40Ang dalawang grupo na nagpapasalamat sa Dios habang nagmamartsa ay dumiretso sa templo ng Dios. Dumiretso rin ako roon at ang kalahati ng mga opisyal na kasama ko. 41Naroon din ang mga pari na nagpapatunog ng trumpeta na sina Eliakim, Maaseya, Mijamin, Micaya, Elyoenai, Zacarias, at Hanania, 42at ang mga mang-aawit na sina Maaseya, Shemaya, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malkia, Elam, at Ezer. Sila ang mga mang-aawit na pinamumunuan ni Jezrahia. 43Nang araw na iyon, nag-alay sila ng maraming handog at nagsaya, dahil lubos silang pinagalak ng Dios. Pati ang mga babae at mga bata ay naging masaya rin. Kaya ang ingay ng pagsasaya nila ay naririnig kahit sa malayo.

44Nang araw ding iyon, naglagay sila ng mga lalaki na mamamahala sa mga bodega na pinaglalagyan ng mga kaloob, ng unang ani, at ng ikapu. Sila ang mangongolekta ng mga handog mula sa mga sakahan sa paligid ng mga bayan para sa mga pari at sa mga Levita, ayon sa Kautusan. Sapagkat natutuwa ang mga mamamayan ng Juda sa mga gawain ng mga pari at ng mga Levita. 45Ginawa nila ang seremonya sa paglilinis at ang iba pang mga gawain na ipinapatupad sa kanila ng Dios. Ginawa rin ng mga mang-aawit at ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo ang mga gawain nila ayon sa mga utos ni Haring David at ng anak niyang si Solomon. 46Mula pa ng panahon ni Haring David at ni Asaf, mayroon nang mga namumuno sa mga umaawit ng papuri at pasasalamat sa Dios. 47Kaya noong panahon ni Zerubabel at ni Nehemias, ang lahat ng mga Israelita ay nagbibigay ng mga handog nila para sa mga mang-aawit at mga guwardya ng mga pintuan ng templo, maging sa mga Levita. At mula sa mga natatanggap nila binahaginan din ng mga Levita ang mga paring mula sa angkan ni Aaron.