啟示錄 9 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

啟示錄 9:1-21

1第五位天使吹號的時候,我見有一顆星從天上墜落到地上,有無底坑的鑰匙賜給它。 2它打開無底坑時,濃煙從坑裡冒出來,好像大火爐的煙一樣,太陽和天空都變得昏暗了。 3有蝗蟲從煙裡飛出來,落到地上,有地上蠍子的能力賜給牠們。 4牠們得到命令,不得毀壞地上的青草、樹木和其他植物,只傷害額上沒有上帝印記的人, 5但不可殺死他們,只折磨他們五個月。那種折磨就像被蠍子蟄到一樣。 6那時候,人求死,卻求不到;想死,死卻躲避他們。

7那些蝗蟲好像預備出征的戰馬一樣,頭上好像戴了金冠,面孔好像人臉, 8毛髮好像女人的頭髮,牙齒好像獅子的牙, 9胸前有甲,如同鐵甲,鼓動翅膀時聲音如同千軍萬馬奔赴戰場。 10牠們像蠍子一樣尾巴上有毒鉤,可以折磨人五個月。 11牠們的王是無底坑的天使,希伯來文名叫亞巴頓希臘文名叫亞玻倫,意思是「毀滅者」。

12第一樣災禍過去了,另外兩樣接踵而來。

13第六位天使吹號的時候,我聽見有一個聲音從上帝面前的金祭壇的四個角發出來, 14對剛才吹號的第六位天使說:「將那捆綁在幼發拉底河的四個天使放出來!」 15那四個天使就被釋放了,他們為了此年、此月、此日、此刻已經預備好了,要殺掉人類的三分之一。 16我聽見他們共有二億兵馬。 17我在異象中看見了馬和騎士。騎士胸甲的顏色像火焰、紫瑪瑙和硫磺。馬的頭像獅子的頭,口中噴出火、煙和硫磺。 18馬口中噴出的這三樣災害殺死了世上三分之一的人口。 19這些馬的殺傷力不只在口,也在尾巴。牠們的尾巴像蛇,有頭能咬傷人。

20其餘沒有被這些災害所殺的人仍不肯悔改、停止手中的惡行,還是去拜魔鬼和那些用金、銀、銅、石、木所造,不能看、不能聽、不能行走的偶像。 21他們不肯爲自己所犯的兇殺、邪術、淫亂和偷盜悔改。

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 9:1-21

1Nang patunugin ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta, nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. At ibinigay sa kanya ang susi sa pintuan ng kailaliman.9:1 kailaliman: na kulungan ng masasamang espiritu. 2At nang buksan niya ito, lumabas ang makapal na usok na parang galing sa malaking hurno. Kaya dumilim ang mundo dahil natakpan ng usok ang araw. 3At mula sa usok, naglabasan ang mga balang at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan. 4Ngunit pinagbawalan silang maminsala ng mga damo o anumang halaman at puno, kundi ng mga tao lang na walang tatak ng Dios sa kanilang noo. 5Pinagbawalan din silang patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lang sa loob ng limang buwan. Ang hapdi ng kagat nila ay katulad ng kagat ng alakdan. 6Kaya sa loob ng limang buwan, mas gugustuhin pa ng mga tao na mamatay, ngunit hindi ito mangyayari kahit gustuhin man nila.

7Ang mga balang ay parang mga kabayong nakahanda sa digmaan. May nakapatong sa mga ulo nila na parang koronang ginto. Ang mga mukha nila ay parang mukha ng tao. 8Mahaba ang buhok nila tulad ng sa mga babae, at ang ngipin nila ay parang ngipin ng leon. 9Ang dibdib nila ay natatakpan ng parang pananggalang na bakal at ang tunog ng pakpak nila ay parang ingay ng mga karwaheng hinihila ng mga kabayo na sumusugod sa labanan. 10Ang buntot nilang tulad ng sa alakdan ay may kapangyarihang manakit sa mga tao sa loob ng limang buwan. 11May haring namumuno sa kanila – ang anghel na nagbukas ng pintuan sa kailaliman. Ang pangalan niya sa wikang Hebreo ay Abadon, at Apolyon9:11 Abadon … Apolyon: Ang ibig sabihin ng mga pangalang ito, mangwawasak. naman sa wikang Griego.

12Tapos na ang unang nakakatakot na pangyayari ngunit may dalawa pang darating.

13Nang patunugin ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta, narinig ko ang isang tinig mula sa mga sulok ng gintong altar na nasa harapan ng Dios. 14Sinabi ng tinig sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Pakawalan mo na ang apat na anghel na nakagapos doon sa malaking ilog ng Eufrates!” 15Kaya pinakawalan ang apat na anghel na iyon. Inihanda sila noon pa para sa oras na iyon upang patayin ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan. 16Narinig ko na ang bilang ng mga hukbo nilang nakasakay sa kabayo ay 200,000,000. 17At nakita ko sa pangitain ko ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Ang mga nakasakay ay may mga pananggalang na pula na tulad ng apoy, asul na tulad ng sapiro at dilaw na tulad ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon at sa bibig nila ay may lumalabas na apoy, usok at asupre. 18At sa pamamagitan ng tatlong salot na ito – ang apoy, usok at asupre – namatay ang ikatlong bahagi ng mga tao. 19Ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa bibig at buntot nila. Ang buntot nila ay may mga ulo na parang mga ahas, at ito ang ginagamit nila sa pananakit ng mga tao.

20Ngunit ang mga tao na natitirang buhay ay ayaw pa ring tumalikod sa mga dios-diosang ginawa nila. Patuloy pa rin sila sa pagsamba sa masasamang espiritu at mga rebultong yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Ang mga rebultong ito ay hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakalakad. 21Hindi rin sila nagsisi sa kanilang pagpatay, pangkukulam, sekswal na imoralidad at pagnanakaw.