啟示錄 8 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

啟示錄 8:1-13

揭開第七印

1羔羊揭開第七印時,天上寂靜無聲,約半小時。 2然後,我看見站在上帝面前的七位天使領受了七支號角。

3另一位天使手裡拿著金香爐上前來,站在祭壇旁邊。他接過了許多香,把香和眾聖徒的祈禱一起獻在寶座前的金壇上。 4這香發出的煙,連同眾聖徒的禱告從那天使的手中向上升,直達上帝面前。 5天使又拿著香爐,盛滿祭壇的火,將它倒在地上,於是有雷鳴、巨響、閃電和地震。

天使吹號

6這時,那七位拿著號角的天使也預備要吹號。

7第一位天使吹響號角的時候,冰雹和火攙雜著血從天上傾盆而下。地的三分之一、樹木的三分之一和一切的青草都被燒毀了。

8第二位天使吹號的時候,一座好像燃燒的大山被丟進海裡。海洋的三分之一變成了血, 9海中的活物死了三分之一,船隻也被毀了三分之一。

10第三位天使吹號的時候,有一顆好像火炬般燃燒著的巨星從天上墜落在三分之一的江河溪流和水泉裡。 11這顆星名叫「苦艾」,它使三分之一的水都變苦了,許多人因為喝了這種苦水而死去。

12第四位天使吹號的時候,太陽、月亮和星辰的三分之一都受到重擊,以致失去了光輝,於是日間的三分之一黯淡無光,夜間也是如此。 13我又看見有一隻鷹在半空中飛翔,聽見牠大聲宣告:「有禍了!有禍了!世上的居民有禍了!還有三位天使要吹響號角。」

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 8:1-13

Ang Ikapitong Selyo

1Nang tanggalin ng Tupa ang ikapitong selyo, tumahimik ang langit ng mga kalahating oras. 2Pagkatapos, nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Dios. Ang bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng trumpeta.

3May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso para maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga pinabanal8:3 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. Ganito rin sa talatang 4. ng Dios at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono. 4Mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang sa harap ng Dios ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga pinabanal. 5Pagkatapos, kumuha ang anghel ng mga baga sa altar at pinuno ang lalagyan ng insenso, at inihagis sa lupa. At bigla namang kumidlat, kumulog, umugong at lumindol.

Ang mga Trumpeta

6Nakahanda na ang pitong anghel upang patunugin ang kanilang trumpeta. 7Nang patunugin ng unang anghel ang kanyang trumpeta, umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa, ang ikatlong bahagi ng mga kahoy at ang lahat ng damo.

8Nang patunugin ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, bumagsak sa dagat ang parang malaking bundok na nagliliyab. At naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat. 9Namatay ang ikatlong bahagi ng mga nabubuhay sa dagat, at nawasak ang ikatlong bahagi ng bilang ng mga sasakyang pandagat.

10Nang patunugin ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta, nahulog mula sa langit ang isang malaking bituing nagliliyab na parang sulo at tumama sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal. 11Ang pangalan ng bituin ay “Mapait.” Kaya pumait ang ikatlong bahagi ng tubig, at maraming tao ang namatay nang makainom ng tubig na iyon.

12Nang patunugin ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta, napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, kaya nabawasan ang mga liwanag nito. Nawala ang ikatlong bahagi ng liwanag sa araw at sa gabi.

13Pagkatapos, nakita ko ang isang agila na lumilipad sa himpapawid at sumisigaw nang malakas, “Nakakaawa! Kawawang-kawawa ang mga nakatira sa lupa kapag pinatunog na ng tatlo pang anghel ang mga trumpeta nila.”