哥林多前書 16 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

哥林多前書 16:1-24

捐助聖徒

1至於捐款幫助聖徒這件事,你們可以照我吩咐加拉太各教會的方法辦理。 2每逢週日,各人應按照自己的收入抽出一部分留起來,免得我到的時候才現湊。 3我到了以後,會差遣你們委託的人帶著推薦信把你們的捐款送到耶路撒冷4如果我也需要去的話,他們可以跟我一起去。

保羅的計劃

5我正打算從馬其頓經過,過了馬其頓,我就去探望你們。 6我也許會和你們住一段時期,甚至在你們那裡過冬。之後,我無論去什麼地方,你們都可以給我送行。 7我不想只是現在順道探望你們,主若許可,我盼望能夠和你們同住一段時期。 8我會在以弗所停留到五旬節, 9因為大門為我敞開了,工作很有成效,不過反對我的人也很多。

10提摩太到了以後,你們要好好接待他,讓他在你們那裡安心,因為他和我一樣,都是在為主做工。 11所以誰也不許輕視他。你們要幫助他平安地回到我這裡,我正在等候他和弟兄們同來。 12至於亞波羅弟兄,我雖然再三勸他和弟兄們去你們那裡,但他目前還不願啟行。不過他有機會就會去。

勸勉與問候

13你們要警醒,在信仰上堅定不移,做勇敢剛強的人。 14無論做什麼事,都要有愛心。

15弟兄姊妹,你們都知道司提法納一家在亞該亞是最早信主的16·15 最早信主的」希臘文是「最早的果子」。,也知道他們怎樣盡心竭力地服侍聖徒。 16你們要順服這樣的人,也要順服所有同心努力服侍的人。 17我很高興司提法納福徒拿都亞該古來我這裡,因為你們幫不到我的地方,他們都補足了。 18他們使我和你們心裡都感到十分欣慰,你們要敬重這樣的人。

19亞細亞的各教會問候你們。亞居拉百基拉夫婦和常在他們家裡聚會的信徒,奉主的名衷心地向你們問安。 20全體弟兄姊妹都問候你們。你們要以聖潔的吻彼此問候。

21保羅親筆問候你們。

22如果有人不愛主,這人可咒可詛!主啊,我願你來!

23願主耶穌基督的恩典與你們同在! 24我在基督耶穌裡愛你們所有的人。阿們!

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 16:1-24

Tulong para sa mga Taga-Judea

1Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga mananampalataya16:1 mananampalataya: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. ng Dios sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa Galacia. 2Sa bawat Linggo, ang bawat isa sa inyoʼy maglaan na ng halaga ayon sa inyong kita, at ipunin ninyo ito upang pagdating ko riyan ay nakahanda na ang inyong tulong. 3Pagdating ko riyan, papupuntahin ko sa Jerusalem ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong, at gagawa ako ng sulat na magpapakilala sa kanila. 4At kung kinakailangan ding pumunta ako sa Jerusalem, isasama ko na sila.

Mga Plano ni Pablo

5Tutuloy ako riyan sa Corinto pagkagaling ko sa Macedonia dahil kailangan kong dumaan doon. 6Maaaring magtagal ako riyan sa inyo. Baka riyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa susunod kong paglalakbay, bagamaʼt hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. 7Ayaw kong dadaan lang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon.

8Samantala, mananatili ako rito sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes, 9dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.

10Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti upang mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon. 11Huwag ninyo siyang hamakin. At sa kanyang pag-alis, tulungan ninyo siya sa kanyang mga pangangailangan upang makabalik siya agad sa akin. Sapagkat inaasahan ko siya na dumating dito kasama ang iba pang mga kapatid sa pananampalataya.

12Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon.

Katapusang Tagubilin

13Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. 14At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

15Alam ninyong si Stefanas at ang pamilya niya ang unang naging Cristiano riyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga pinabanal16:15 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. ng Dios. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na naglilingkod sa Panginoon.

17Natutuwa ako sa pagdating nina Stefanas, Fortunatus, at Acaicus, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa. 18Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila.

19Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa lalawigan ng Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang16:19 mga mananampalataya: sa literal, iglesya. nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon. 20At kinukumusta rin kayong lahat ng mga mananampalataya rito.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.16:20 bilang magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.

21Akong si Pablo ay nangungumusta rin sa inyo, at ako mismo ang sumusulat ng pagbating ito.

22Parusahan nawa ng Dios ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya.

Panginoon, bumalik na po kayo!

23Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesus.

24Minamahal ko kayong lahat bilang mga kapatid kay Cristo Jesus.