創世記 7 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

創世記 7:1-24

洪水氾濫

1耶和華對挪亞說:「你和你一家都進入方舟,因為這個世代只有你在我眼中是義人。 2潔淨的動物,你要每樣帶七公七母,不潔淨的動物每樣帶一公一母, 3飛鳥每樣帶七公七母,叫牠們以後可以在地上繁衍後代。 4因為七天之後,我要在地上降雨四十晝夜,毀滅我所造的一切生靈。」 5凡耶和華所吩咐的,挪亞都照辦了。

6洪水氾濫的那一年,挪亞正好六百歲。 7挪亞與妻子、兒子們和兒媳們都進了方舟,躲避洪水。 8潔淨的動物、不潔淨的動物、飛禽和地上的一切爬蟲, 9都一公一母成對地到挪亞那裡,進了方舟,正如上帝對挪亞的吩咐。 10那七天過後,洪水在地上氾濫起來。

11挪亞六百歲那年的二月7·11 二月」按猶太曆計算,本卷書所用月份都是按猶太曆計算。十七日,所有深淵的泉源都裂開了,天上的水閘也打開了, 12地上傾盆大雨降了四十晝夜。 13那天,挪亞與他的兒子雅弗,還有挪亞的妻子和三個兒媳婦都進了方舟。 14所有的野獸、牲畜、地上的爬蟲和飛鳥都按種類進入方舟。 15-16這些動物都一公一母成對地到挪亞那裡,進入方舟,正如上帝對挪亞的吩咐。耶和華關上了方舟的門。

17洪水在地上氾濫了四十天,水不斷地往上漲,把方舟漂了起來。 18洪水來勢洶洶,淹沒大地,方舟漂浮在水面上。 19水勢越來越大,把天下各處的高山都淹沒了。 20水淹沒了群山,水面高出群山七米。 21世上所有的飛禽、走獸、牲畜、爬蟲和人類都死了。 22在陸地上所有用鼻孔呼吸的生靈都死了。 23地上的人類、飛禽走獸和爬蟲等一切生靈都被毀滅了,只剩下挪亞和跟他同在方舟裡的生靈。 24洪水淹沒大地一百五十天。

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 7:1-24

Ang Baha

1Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ng buong pamilya mo. Sapagkat sa lahat ng tao sa panahong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid. 2Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis7:2 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog o kainin. na hayop, pero isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop. 3At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito para mabuhay sila sa mundo. 4Sapagkat pagkatapos ng pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi, para mamatay ang lahat ng nilikha ko.”

5Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

6Nasa 600 taong gulang na si Noe nang dumating ang baha sa mundo. 7Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak na lalaki, at mga manugang para hindi sila mamatay sa baha. 8-9Ayon sa iniutos ng Dios kay Noe, pinapasok niya sa barko ang bawat pares ng lahat ng uri ng hayop na malinis at marumi na lumapit sa kanya. 10At pagkalipas ng pitong araw, bumaha sa mundo.

11Nang ika-17 araw ng ikalawang buwan, umulan ng napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay 600 taong gulang na noon. 12Umulan sa mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi.

13Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila. 14Kasama rin nila ang lahat ng uri ng hayop: mga lumalakad, gumagapang at lumilipad. 15-16Ayon sa iniutos ng Dios kay Noe, pinapasok niya sa barko ang bawat pares ng lahat ng uri ng hayop na lumalapit sa kanya. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang barko.

17-18Walang tigil ang ulan sa mundo sa loob ng 40 araw. Tumaas ang tubig hanggang sa lumutang ang barko. 19Tumaas pa nang lubusan ang tubig hanggang matakpan ang lahat ng matataas na bundok. 20At hanggang umabot sa mga pitong metro ang taas ng tubig mula sa tuktok ng pinakamataas na bundok. 21Kaya namatay ang lahat ng may buhay – ang mga hayop na lumilipad, lumalakad, gumagapang at ang lahat ng tao. 22Namatay ang lahat ng nabubuhay sa lupa. 23Nalipol ang lahat ng tao at ang lahat ng hayop sa mundo. Si Noe lang at ang mga kasama niya sa loob ng barko ang hindi namatay.

24Bumaha sa mundo sa loob ng 150 araw.