利未記 9 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

利未記 9:1-24

亞倫獻祭

1第八天,摩西召來亞倫父子們和以色列的眾長老。 2他對亞倫說:「你要在耶和華面前獻上一頭公牛犢作贖罪祭、一隻公綿羊作燔祭,這些祭牲都要毫無殘疾。 3然後,你要告訴以色列人,『你們要取一隻公山羊作贖罪祭、毫無殘疾的一歲牛犢和羊羔各一隻作燔祭、 4公牛和公綿羊各一隻作平安祭,連同調油的素祭一起獻給耶和華,因為今天耶和華要向你們顯現。』」 5於是,以色列人遵照摩西的吩咐,把祭物帶到會幕前。全體會眾都聚集到那裡,站在耶和華面前。 6摩西對他們說:「耶和華吩咐你們這樣做,是為了向你們顯出祂的榮耀。」 7隨後,摩西亞倫說:「你要到壇前來,獻上你的贖罪祭和燔祭,為自己和民眾贖罪。也要按照耶和華的吩咐,為百姓獻上他們的祭物,為他們贖罪。」

8於是,亞倫走到壇前,宰殺為他作贖罪祭的牛犢。 9他兒子們把牛犢的血遞給他,他用手指蘸血抹在壇角上,將剩下的血倒在壇腳旁。 10他照耶和華對摩西的吩咐,在壇上焚燒牛犢的脂肪、腎臟和肝葉, 11把皮和肉帶到營外焚燒。

12亞倫宰了燔祭祭牲,他兒子們把祭牲的血遞給他灑在祭壇四周。 13他們將祭牲切成塊,連頭顱一起交給亞倫獻在壇上焚燒。 14亞倫洗淨祭牲的內臟和腿,放在祭壇的燔祭上焚燒。

15隨後,亞倫為民眾獻祭。他牽來那隻為民眾作贖罪祭的公山羊,宰殺後,像剛才為自己獻贖罪祭一樣為他們獻上贖罪祭。 16他又牽來燔祭祭牲,依照條例獻上燔祭。 17除了早晨的燔祭,亞倫又取來素祭,從中拿了一把獻在壇上焚燒。 18然後,他宰了公牛和公綿羊,為民眾獻平安祭。他兒子們把祭牲的血遞給他,他把血灑在祭壇四周。 19他們把公牛和公綿羊的脂肪,即肥尾巴、遮蓋內臟的脂肪、腎臟和肝葉, 20放在祭牲的胸上,然後亞倫把那些脂肪放在壇上焚燒, 21將胸肉和右腿肉作為搖祭在耶和華面前搖一搖,都遵照摩西的吩咐。

22亞倫獻完贖罪祭、燔祭和平安祭,舉手為民眾祝福後,走下祭壇。 23之後,摩西亞倫走進會幕,又出來為民眾祝福。這時,耶和華的榮耀向所有民眾顯現。 24有火從耶和華那裡降下來,燒盡祭壇上的燔祭和脂肪。民眾看見這景象,都歡呼起來,俯伏在地。

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 9:1-24

Sinimulan ng mga Pari ang Kanilang Gawain

1Nang ikawalong araw, pagkatapos ng pagtatalaga, ipinatawag ni Moises si Aaron at ang mga anak niyang lalaki at ang mga tagapamahala ng Israel. 2Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro, at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan, at ihandog sa Panginoon. Ang baka ay handog sa paglilinis, at ang tupa ay handog na sinusunog. 3Sabihin mo sa mga taga-Israel na magdala sila ng lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. At kumuha rin sila ng baka at tupa na kapwa isang taon at walang kapintasan, at ihandog bilang handog na sinusunog. 4Kumuha rin sila ng isang baka at lalaking tupa bilang handog para sa mabuting relasyon.9:4 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Ihahandog nila ito kasama ng handog na butil na may halong langis, dahil magpapakita ang Panginoon sa inyo sa araw na ito.”

5Kaya dinala nila roon sa harap ng Toldang Tipanan ang lahat ng dadalhin ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. At silang lahat ay nagtipon doon sa presensya ng Panginoon. 6Sinabi ni Moises sa kanila, “Inuutusan kayo ng Panginoon na gawin ninyo ang paghahandog na ito para ipakita niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan.” 7Pagkatapos, sinabi niya kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay mo ang iyong handog sa paglilinis at handog na sinusunog para matubos ka at ang sambahayan mo9:7 sambahayan mo: o, ang mga mamamayan. sa inyong mga kasalanan. At ialay mo rin ang handog ng mga tao para sila rin ay matubos sa kanilang mga kasalanan ayon sa iniutos ng Panginoon.”

8Kaya lumapit si Aaron sa altar at pinatay niya ang handog na batang toro bilang handog sa paglilinis. 9Ang dugo nitoʼy dinala sa kanya ng kanyang mga anak, at inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwinisik sa parang sungay sa mga sulok ng altar, at ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar. 10Sinunog niya sa altar ang mga taba at ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay ayon sa utos ng Panginoon kay Moises. 11Ang karne at ang balat ay sinunog niya sa labas ng kampo. 12Pagkatapos, pinatay din ni Aaron ang mga hayop na para sa handog na sinusunog. Ang dugo ay dinala ng kanyang mga anak sa kanya at iwinisik niya sa palibot ng altar. 13Dinala rin sa kanya ng mga anak niya ang hiniwa-hiwang mga karne ng handog na hayop, pati ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa altar. 14Hinugasan niya ang lamang-loob, at mga paa, at sinunog niya ang mga ito sa altar pati na ang iba pang parte ng handog na hayop.

15Pagkatapos, dinala niya sa gitna ang mga handog na para sa mga tao. Pinatay niya ang kambing na handog sa paglilinis ng mga tao katulad ng kanyang ginawa sa una niyang handog na inialay para maging malinis siya sa kanyang mga kasalanan. 16Pagkatapos, dinala rin niya sa gitna ang hayop para sa handog na sinusunog, at inihandog niya ayon sa paraan ng paghahandog nito. 17Dinala rin niya sa gitna ang handog na mga butil. Dumakot siya ng isang dakot na butil at sinunog sa altar kasama ng handog na sinusunog tuwing umaga.

18Pinatay din ni Aaron ang baka at ang lalaking tupa para sa mga tao na kanilang handog para sa mabuting relasyon. Ang dugo ay dinala sa kanya ng kanyang mga anak at iwinisik niya sa palibot ng altar. 19Ang taba ng mga ito – ang matabang buntot, ang mga taba sa lamang-loob, ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay 20ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar. 21Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop bilang handog na itinataas.

22Pagkatapos maihandog ni Aaron ang lahat ng ito, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar. 23-24At pumasok sina Moises at Aaron sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa mga tao sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa para sambahin ang Panginoon.