利未記 16 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

利未記 16:1-34

贖罪日的條例

1亞倫的兩個兒子死在耶和華面前以後, 2耶和華對摩西說:「告訴你哥哥亞倫,他不可隨意進入幔子裡面的至聖所,走到約櫃上的施恩座前,免得死亡,因為我要在施恩座之上的雲彩中顯現。 3亞倫進入聖所時,要帶一隻作贖罪祭的公牛犢和一隻作燔祭的公綿羊。 4他要穿上聖潔的細麻內袍、細麻褲子,束上細麻腰帶,戴上細麻禮冠。這些是聖潔的衣物,他必須沐浴後才可穿戴。 5他要從以色列會眾那裡取兩隻公山羊作贖罪祭、一隻公綿羊作燔祭。 6亞倫要先獻上那頭公牛犢作贖罪祭,為自己和全家贖罪。 7然後,他要把兩隻公山羊帶到會幕門口,放在耶和華面前, 8抽籤決定哪隻歸耶和華、哪隻歸阿撒瀉勒16·8 阿撒瀉勒」是希伯來文的音譯,意義不確定。9亞倫要獻上那隻歸耶和華的公山羊作贖罪祭, 10要將那隻歸阿撒瀉勒的公山羊活著獻給耶和華,然後把牠放到曠野歸阿撒瀉勒,用來贖罪。

11亞倫要把那隻為他作贖罪祭的公牛犢牽來宰殺,為自己和全家贖罪, 12然後拿一個香爐,盛滿從耶和華面前的祭壇上取的火炭,再拿兩把磨細的香帶進幔子裡。 13他要在耶和華面前燒香,使香的煙籠罩約櫃上的施恩座,免得他死亡。 14他要取一些牛血,用手指彈灑在施恩座的東面,也要在施恩座前用手指彈灑七次。 15然後,亞倫要出去宰殺那隻為民眾作贖罪祭的公山羊,把羊血帶進幔子裡,像灑牛血一樣灑在施恩座的上面和前面。 16以色列人的污穢、叛逆和罪惡,他要這樣為至聖所贖罪。他也要同樣為會幕贖罪,因為會幕座落在以色列人中間,處在他們的污穢中。 17從他進入聖所為自己全家和以色列全體會眾贖罪開始,直到他贖完罪出來為止,任何人都不可待在會幕裡。 18之後,他要來到耶和華面前的祭壇那裡,為祭壇贖罪。他要取一些牛血和羊血,抹在祭壇的四角上, 19用手指向祭壇灑血七次,除掉以色列人的污穢,使祭壇聖潔。

20「他為至聖所、會幕和祭壇贖罪後,要牽來那隻活山羊, 21把雙手放在羊頭上,承認以色列人的過犯、叛逆和罪惡,將這一切罪歸到公山羊的頭上,然後派人把牠送到曠野。 22這隻公山羊擔當他們的一切罪,將這一切罪帶到荒無人煙的地方。

23亞倫要走進會幕,脫下他進至聖所時穿的細麻衣服,放在會幕裡。 24他要在聖潔之處沐浴,穿上平時的衣服出去為自己和民眾獻燔祭,為自己和民眾贖罪。 25他要將贖罪祭牲的脂肪焚燒在壇上。 26把羊送交阿撒瀉勒的人要洗衣、沐浴,然後才可回到營裡。 27作贖罪祭的公牛和公山羊的血被帶進聖所用來贖罪,要把公牛和公山羊帶到營外,用火焚燒牠們的皮、肉和糞。 28負責焚燒的人要洗衣、沐浴,然後才可回到營裡。

29「每年七月十日,不論是你們,還是寄居在你們中間的外族人,都要禁食,停止所有工作。這是你們要永遠遵守的律例。 30因為在這一天要為你們贖罪,使你們在耶和華面前潔淨。 31這天是你們的安息日,你們要禁食。這是一條永遠不變的律例。 32那受膏、承受聖職、替代父親做大祭司的要獻祭贖罪。他要穿上聖潔的細麻衣, 33為至聖所、會幕和祭壇贖罪,也要為祭司和全體會眾贖罪。 34這是你們要永遠遵守的律例——每年一次為以色列人贖罪。」

於是,摩西遵行了耶和華的吩咐。

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 16:1-34

Ang Seremonya sa Araw ng Pagtubos

1-2Pagkamatay ng dalawang anak na lalaki ni Aaron nang silaʼy naghandog sa Panginoon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng tabing, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan.”16:1-2 Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.

3Ito ang utos ng Panginoon na gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog sa paglilinis at lalaking tupa bilang handog na sinusunog. 4Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong linen: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na linen, at ang kanyang panlabas na damit.16:4 panlabas na damit: katulad ng kapa ng pari. 5Ang mamamayan ng Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.

6Ihahandog ni Aaron ang batang toro bilang handog sa paglilinis para maging malinis siya at ang sambahayan niya. 7Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin din niya sa presensya ng Panginoon, malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 8At sa pamamagitan ng palabunutan, pipiliin niya kung alin sa dalawang kambing ang para sa Panginoon at ang para kay Azazel.16:8 Azazel: Marahil ay isa sa mga demonyo sa disyerto. 9Ang kambing na nabunot sa pamamagitan ng palabunutan na para sa Panginoon ay ang ihahandog niya bilang handog sa paglilinis. 10Pero ang kambing na nabunot para kay Azazel ang ihahandog niyang buhay sa Panginoon at saka niya ito pakakawalan sa ilang para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.

Ang mga Detalye ng Seremonyang Iyon

11Papatayin ni Aaron ang batang toro bilang handog sa paglilinis para sa kanyang sarili at sa sambahayan niya. 12Pagkatapos, kukuha siya ng lalagyan ng insenso at pupunuin niya ng baga galing sa altar na nasa loob ng Tolda. At kukuha rin siya ng dalawang dakot ng mabangong insenso na pinong-pino, at dadalhin niya sa loob ng Pinakabanal na Lugar. 13Doon sa presensya ng Panginoon, ilalagay niya ang insenso sa apoy, at ang usok nito ay papailanlang sa palibot ng takip ng Kahon ng Kasunduan, kaya hindi siya mamamatay. 14Kukuha rin siya ng dugo ng batang toro at tatayo sa harap ng Kahon ng Kasunduan na nakaharap sa silangan. At sa pamamagitan ng mga daliri niya, iwiwisik niya ang dugo sa takip ng pitong beses.

15Papatayin din niya ang kambing bilang handog sa paglilinis para sa mga tao. Dadalhin din niya ang dugo nito sa Pinakabanal na Lugar at iwiwisik sa takip ng Kahon ng Kasunduan katulad ng kanyang ginawa sa dugo ng batang toro. 16Ganito ang paraan na gagawin ni Aaron para luminis ang Pinakabanal na Lugar dahil sa karumihan ng mga taga-Israel at sa kanilang mga kasalanan at pagsuway. Itoʼy gagawin din ni Aaron sa lahat ng bahagi ng Tolda16:16 Itoʼy … Tolda: o, Ito ang kanyang gagawin sa Tolda. na nasa gitna ng maruming mga taga-Israel. 17Walang sinumang mananatili sa loob ng Tolda sa oras na pumasok si Aaron sa loob ng Pinakabanal na Lugar hanggang sa siyaʼy lumabas. Pagkatapos niyang magawa ang seremonya para matubos siya, ang sambahayan niya at ang lahat ng taga-Israel, 18saka siya lalabas mula sa Pinakabanal na Lugar at pupunta siya sa altar, malapit sa may pintuan ng Tolda. Kukuha siya ng dugo ng baka at ng kambing na inihandog at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar para iyon ay linisin. 19Sa pamamagitan ng kanyang mga daliri, iwiwisik niya ng pitong beses ang natirang dugo sa altar para itoʼy ihandog sa Panginoon at upang itoʼy linisin sa karumihan dahil sa kasalanan ng mga taga-Israel.

20Pagkatapos magawa ni Aaron ang paglilinis sa Pinakabanal na Lugar at sa iba pang bahagi ng Tolda pati na ang altar, dadalhin niya sa gitna ang buhay na kambing. 21Ipapatong niya ang dalawang kamay niya sa ulo ng kambing at ipapahayag ang lahat ng kasalanan at pagsuway ng mga taga-Israel. Sa ganitong paraan, malilipat ang kanilang kasalanan sa ulo ng kambing. Pagkatapos, ibibigay ni Aaron ang kambing sa taong namamahalang magpakawala nito roon sa ilang. 22Kaya dadalhin ng kambing ang lahat ng kasalanan ng mga taga-Israel doon sa ilang.

23Pagkatapos, papasok si Aaron sa Tolda at huhubarin niya ang kanyang damit bilang punong pari na kanyang isinuot bago siya pumasok sa Pinakabanal na Lugar at iiwan niya iyon doon. 24Maliligo siya sa banal na lugar doon sa Tolda at saka niya isusuot ang pangkaraniwan niyang damit. Pagkatapos, lalabas siya at ihahandog ang dalawang handog na sinusunog para mapatawad ang kanyang mga kasalanan at ang kasalanan ng mga taga-Israel. 25Susunugin din niya sa altar ang mga taba ng hayop na iniaalay bilang handog sa paglilinis.

26Ang taong nagpakawala ng kambing sa ilang para kay Azazel ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo bago siya bumalik sa kampo. 27Ang mga natirang bahagi ng baka at kambing na ang dugo ay dinala sa Pinakabanal na Lugar para sa paglilinis ay kailangang dalhin sa labas ng kampo at sunugin. 28At ang taong magsusunog nito ay kinakailangang maglaba rin ng kanyang damit at maligo bago siya bumalik sa kampo.

29-31Ito naman ang mga tuntuning dapat gawin ng mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama nila, at itoʼy dapat sundin magpakailanman. Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat silang mag-ayuno at huwag magtrabaho, katulad ng Araw ng Pamamahinga. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa kanilang mga kasalanan para silaʼy maging malinis sa presensya ng Panginoon. 32Sa mga susunod na salinlahi, ang paring napili at inordinahan upang pumalit sa kanyang ama bilang punong pari ang siyang gagawa ng seremonyang ito. Isusuot niya ang kanyang damit bilang punong pari, 33at gagawin niya ang seremonya ng paglilinis sa Pinakabanal na Lugar, ng iba pang bahagi ng Tolda pati na ang altar, ng mga pari, at ng mga mamamayan ng Israel.

34Kinakailangang sundin nila ang mga tuntuning ito magpakailanman. At itoʼy gagawin nila minsan sa isang taon.

At ginawa ito ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.