列王紀上 3 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

列王紀上 3:1-28

所羅門求智慧

1所羅門娶了埃及法老的女兒,與法老結盟。他在自己的王宮、耶和華的殿和耶路撒冷的城牆完工之前,讓她一直住在大衛城。 2那時候,用來尊崇耶和華之名的殿還沒有建成,以色列人仍然在邱壇獻祭。 3所羅門愛耶和華,遵行他父親大衛的律例,只是仍然在邱壇獻祭燒香。

4有一次,所羅門王上基遍獻了一千頭祭牲作燔祭,因為那裡有最重要的邱壇。 5基遍,耶和華晚上在夢中向所羅門顯現,對他說:「你想要什麼,只管向我求。」

6所羅門說:「你的僕人——我父大衛本著誠實、公義、正直的心在你面前行事,你就向他大施恩慈,並且一如既往地以厚恩待他,讓他兒子今天繼承他的王位。 7我的上帝耶和華啊,你讓僕人繼承我父親大衛的王位,但僕人還年幼無知,不懂得如何治理國家。 8僕人住在你所揀選的子民中,這些子民多得不可勝數。 9求你賜我智慧治理你的子民,並能辨別是非;不然,我又怎能治理你這眾多的子民呢?」 10主喜悅所羅門的祈求, 11對他說:「既然你不為自己求壽、求財富,也不求滅絕仇敵,只求有智慧治理我的子民, 12我必應允你,賜給你空前絕後的智慧和悟性。 13你沒有求富貴和尊榮,但我會一併賜給你,使你有生之年在列王中無人能比。 14你若像你父親大衛一樣遵行我的道,遵守我的律例和誡命,我必使你長壽。」

15所羅門醒來,發現是在做夢。他回到耶路撒冷,站在耶和華的約櫃前獻上燔祭和平安祭,又宴請群臣。

智斷死嬰案

16一天,兩個妓女到王面前告狀。 17其中一個說:「我主啊,我跟這女人同住,我生了一個男孩,當時她也在場。 18我生產後三天,她也生了一個男孩。我們住在一起,除了我們二人,屋裡沒有別人。 19一天晚上,她不小心壓死了自己的孩子。 20她半夜起來,趁我熟睡的時候抱走了我身邊的孩子,放在她懷中,把她的死孩子放在我懷中。 21天快亮的時候,我起來給孩子餵奶,發現孩子死了。天亮後,我仔細察看孩子,發現孩子不是我生的。」 22另一個女人說:「不對!活孩子是我的,死孩子是你的。」第一個女人說:「不對!死孩子是你的,活孩子是我的。」兩個女人在王面前爭吵起來。 23王見她們二人都說活孩子是自己的,死孩子是對方的, 24就命人拿刀來。侍從把刀拿來後, 25王下令將那活孩子劈成兩半,讓她們各得一半。 26活孩子的母親心疼自己的孩子,就說:「我主啊,把孩子給她吧,千萬不要殺他!」但另一個女人卻說:「孩子不歸我,也不歸你,把他劈開吧!」

27王說:「不可殺這孩子,把他交給剛才為孩子求情的女人吧!她是孩子的母親。」 28以色列人聽見王這樣斷案,都敬畏他,因為他們知道他有上帝所賜的智慧,可以秉公執法。

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 3:1-28

Humingi si Solomon ng Karunungan

(2 Cro. 1:1-13)

1Nakipag-alyansa si Solomon sa Faraon na hari ng Egipto at naging asawa niya ang anak nito. Dinala niya ang kanyang asawa sa Lungsod ni David3:1 Lungsod ni David: Ito ay isang lugar na bahagi ng Jerusalem. hanggang sa matapos niya ang pagpapatayo ng kanyang palasyo, ng templo ng Panginoon, at ng mga pader sa paligid ng Jerusalem. 2Wala pang templo noon para sa Panginoon, kaya ang mga tao ay naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar.3:2 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Ganito rin sa talatang 3. 3Ipinakita ni Solomon ang pagmamahal niya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tuntunin na iniwan ng ama niyang si David. Maliban doon, naghandog siya at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar.

4Isang araw, pumunta si Haring Solomon sa Gibeon para maghandog dahil naroon ang pinakatanyag na sambahan sa mataas na lugar. Nag-alay siya sa altar ng 1,000 handog na sinusunog. 5Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Dios sa kanya, “Humingi ka ng kahit ano at ibibigay ko ito sa iyo.” 6Sumagot si Solomon, “Nagpakita po kayo ng malaking kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong malaking kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon. 7Panginoon na aking Dios, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit binatilyo pa ako at wala pang karanasan sa pamamahala. 8At ngayon narito po ako kasama ang pinili ninyong mga mamamayan, na hindi mabilang sa sobrang dami. 9Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan para pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?”

10Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon. 11Kaya sinabi ng Dios sa kanya, “Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway, 12ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungan at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon. 13Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan para walang hari na makapantay sa iyo sa buong buhay mo. 14At kung susunod ka sa aking mga pamamaraan at tutupad sa aking mga tuntunin at mga utos, katulad ng ginawa ng iyong ama na si David, bibigyan kita ng mahabang buhay.”

15Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.3:15 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.

Ang Mahusay na Paghatol ni Solomon

16May dalawang babaeng bayaran na pumunta kay Haring Solomon. 17Nagsalita ang isa sa kanila, “Mahal na Hari, ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak ako habang naroon siya sa bahay. 18Pagkalipas ng tatlong araw, siya naman ang nanganak. Kaming dalawa lang ang nasa bahay at wala nang iba. 19Isang gabi, nahigaan niya ang kanyang anak at namatay ito. 20Nang maghatinggabi, bumangon siya habang natutulog ako at pinagpalit ang mga anak namin. Inilagay niya ang anak ko sa tabi niya at ang anak naman niyang namatay ay inilagay niya sa tabi ko. 21Kinabukasan, nang bumangon ako para pasusuhin ang anak ko, nakita kong patay na ito. At nang mapagmasdan ko nang mabuti ang sanggol sa liwanag, nakita kong hindi siya ang aking anak.”

22Sumagot ang isang babae, “Hindi totoo iyan! Akin ang buhay na sanggol at sa iyo ang patay.” Pero sinabi ng unang babae, “Hindi totoo iyan! Iyo ang patay na sanggol at akin ang buhay.” Kaya nagsagutan silang dalawa sa harapan ng hari.

23Sinabi ng hari, “Ang bawat isa sa inyo ay gustong angkinin ang buhay na sanggol at walang isa man sa inyo ang gustong umangkin sa patay na sanggol.” 24Kaya nag-utos ang hari na bigyan siya ng espada. At nang dalhan siya ng espada, 25inutos niya, “Hatiin ang buhay na sanggol at ibigay ang bawat kalahati sa kanilang dalawa.”

26Dahil sa awa ng totoong ina sa kanyang sanggol, sinabi niya sa hari, “Maawa po kayo, Mahal na Hari, huwag po ninyong patayin ang sanggol. Ibigay nʼyo na lang po siya sa babaeng iyan.” Pero sinabi ng isang babae, “Hatiin nʼyo na lang po ang sanggol para wala ni isa man sa amin ang makaangkin sa kanya.”

27Pagkatapos, sinabi ng hari, “Huwag hatiin ang buhay na sanggol. Ibigay ito sa babae na nagmamakaawa na huwag itong patayin, dahil siya ang tunay na ina.”

28Nang marinig ng mga mamamayan ng Israel ang pagpapasya ng hari, lumaki ang paggalang nila sa kanya, dahil nakita nila na may karunungan siyang mula sa Dios sa paghatol ng tama.