傳道書 7 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

傳道書 7:1-29

1美好的名聲勝過珍貴的膏油,

人死之日勝過出生之時。

2探望喪家勝過參加宴席,

因為死亡是每個人的結局,

活著的人要把這事銘記在心。

3哀傷勝過歡笑,

因為哀傷磨煉人的心靈。

4智者的心思考生死大事,

愚人的心只顧作樂。

5聽智者的責備,

勝過聽愚人的頌歌。

6愚人的笑聲像鍋底下燒荊棘的噼啪聲。

這也是虛空。

7欺壓使智者變愚昧,

賄賂敗壞人心。

8事情的結局勝過事情的開端;

恆久忍耐勝過心驕氣傲。

9不要輕易發怒,

因為愚人心懷怒氣。

10不要問為什麼過去比現在好,

因為這樣問不明智。

11智慧如同產業一樣美好,

有益於得見日光的世人。

12智慧如同金錢,

是一種保障,

能保全智者的生命。

這就是知識的好處。

13你應當思想上帝的作為,

因為上帝弄彎的,

誰能使它變直呢?

14順境時要快樂,

逆境時要思想:

兩者都是上帝的安排,

好叫人不能預知將來。

15在我虛空的一生中,我見過義人行義,反而滅亡;惡人行惡,卻享長壽。 16為人不要過分正直,也不要過於聰明,何必自取毀滅呢? 17不要過分邪惡,也不要做愚人,何必時候未到就死呢? 18最好是持守這個教訓也不放鬆那個教訓,因為敬畏上帝的人必避免兩個極端。 19智慧使一個智者比城裡十個官長更有能力。 20誠然,在地上無法找到一個一生行善、從未犯罪的義人。 21你不要斤斤計較別人所說的每一句話,免得聽見你的僕人咒詛你, 22因為你心裡知道自己也曾多次咒詛別人。 23我用智慧試驗過這一切。我說:「我要做智者」,誰知智慧卻離我甚遠。 24智慧如此遙不可及、深不可測,誰能找得到呢? 25我用心去認識、探究、追尋智慧和事物的原委,並去認識邪惡帶來的愚昧和無知帶來的狂妄。 26我發現有的婦人比死亡更苦毒,她是個陷阱,心如網羅,手像鎖鏈。敬畏上帝的人避開她,罪人卻被她俘虜。 27-28傳道者說:「看啊,我事事反復探索,要查明萬事之理,卻沒有尋獲。但我發現在一千個男子中還可以找到一位正直人,在眾女子中卻未找到一位。 29我只發現一件事,上帝造的人本來正直,人卻找出各種詭計。」

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 7:1-29

Ang mga Paalala sa Buhay

1Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan. 2Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan, dahil ang lahat ay mamamatay. Dapat ay lagi itong isipin ng mga buhay pa. 3Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa sa kaligayahan dahil ang kalungkutan ay nakakatuwid ng buhay ng tao. 4Laging iniisip ng marunong ang kamatayan; pero ang hangal, ang laging iniisip ay kasiyahan. 5Mas mabuting makinig sa pagsaway ng marunong kaysa makinig sa papuri ng hangal. 6Ang tawa ng hangal ay parang tinik na pag-iginatong ay nagsasaltikan ang apoy. Ito ay walang kabuluhan. 7Ang marunong kapag nandaya ay para na ring hangal. Kung tumatanggap ka ng suhol, sinisira mo ang sarili mong dangal. 8Mas mabuti ang pagtatapos kaysa sa pagsisimula. Ang pagiging matiisin ay mas mabuti kaysa sa pagiging mapagmataas. 9Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal. 10Huwag mong sabihin, “Bakit mas mabuti pa noon kaysa ngayon?” Dahil ang tanong na iyan ay walang katuturan. 11-12Ang karunungan ay mabuti gaya ng isang pamana, pareho itong nakakatulong sa mga namumuhay dito sa mundo. Nagbibigay din ito ng proteksyon gaya ng pera. Pero higit pa roon, iniingatan nito ang buhay ng nagtataglay nito. 13Pag-isipan mo ang ginawa ng Dios. Sino ang makapagtutuwid ng kanyang binaluktot? 14Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mong ang Dios ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Para hindi natin malaman kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas. 15Sa buhay kong walang saysay, nakita ko ang lahat ng bagay. Ang matuwid ay maagang namamatay sa kabila ng kanilang matuwid na pamumuhay, at ang mga masasama sa kabila ng kanilang kasamaan ay nabubuhay nang matagal. 16Huwag mong ituring ang iyong sarili na sobrang matuwid at marunong, dahil kung gagawin mo iyon, sinisira mo lang ang iyong sarili. 17At huwag ka rin namang magpakasama o magpakamangmang, dahil baka mamatay ka naman nang wala sa oras. 18Huwag kang pasobra sa mga bagay na iyon; dapat balanse lang, dahil ang taong may takot sa Dios ay hindi nagpapasobra sa anumang bagay. 19Higit na malaki ang magagawa ng karunungan sa isang tao, kaysa sa sampung pinuno ng isang bayan. 20Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala. 21Huwag mong pakikinggan ang lahat ng sinasabi ng tao at baka mismong alipin mo ang marinig mong nagsasalita laban sa iyo. 22Dahil alam mo sa sarili mo na marami ka ring pinagsalitaan ng masama.

23Sinubukan kong intindihin ang lahat ng nangyayari rito sa mundo sa pamamagitan ng aking karunungan. Akala koʼy maiintindihan ko pero hindi pala. 24Hindi ko kayang intindihin ang mga nangyayari dahil mahirap talagang maintindihan. At walang sinuman ang makakaintindi nito. 25Pero patuloy akong nag-aral at nag-usisa, para makamit ko ang karunungan at masagot ang aking mga katanungan, at para malaman ko kung gaano kahangal ang taong gumagawa ng masama at kung gaano kasama ang isipan ng taong gumagawa ng kahangalan.

26Napag-alaman kong ang babaeng nanunukso ay mas mapait kaysa sa kamatayan. Ang pag-ibig niyaʼy parang bitag, at ang mga kamay niya na yumayakap sa iyo ay parang kadena. Ang taong nakalulugod sa Dios ay makakatakas sa kanya, pero ang taong masama ay mabibitag niya. 27-28Sinasabi ko bilang isang mangangaral, “Iniisip kong mabuti ang bawat bagay sa paghahanap ko ng kasagutan sa aking mga katanungan. Pero hindi ko pa rin natagpuan ang mga kasagutan. Ngunit ito ang aking natuklasan, sa 1,000 lalaki isa lang ang matuwid,7:27-28 matuwid: o, marunong. pero sa 1,000 babae wala ni isang matuwid. 29Higit sa lahat, ito ang nalaman ko: Ginawa ng Dios ang tao na matuwid, pero nag-iisip ang tao ng maraming paraan para maging masama.”