Chinese Contemporary Bible (Traditional)

哥林多前書 1:1-31

問候

1我是按上帝旨意蒙召作基督耶穌使徒的保羅,同所提尼弟兄, 2寫信給在哥林多的上帝的教會,就是在基督耶穌裡得以聖潔、蒙召做聖徒的,以及各地求告我們主耶穌基督之名的人。基督是他們的主,也是我們的主。

3願我們的父上帝和主耶穌基督賜給你們恩典和平安!

保羅的感恩

4我常常為你們感謝我的上帝,因為祂在基督耶穌裡賜給了你們恩典, 5使你們在基督裡凡事富足,有全備的口才和知識。 6這樣,我為基督所做的見證就在你們身上得到了證實。 7因此,你們在殷切等候我們主耶穌基督再來的期間,並不缺少任何屬靈的恩賜。 8我們的主耶穌基督必扶持你們到底,使你們在祂再來的日子無可指責。 9上帝是信實的,祂呼召你們是要你們與祂的兒子——我們的主耶穌基督相交。

信徒要同心合意

10親愛的弟兄姊妹,我奉主耶穌基督的名勸你們,要同心合意,不可結黨紛爭,要團結一致, 11因為革來家的人把各位弟兄姊妹的事情告訴了我,說你們中間有紛爭。 12我的意思是你們有人說:「我是跟隨保羅的」,有人說:「我是跟隨亞波羅的」,有人說:「我是跟隨彼得的」,有人說:「我是跟隨基督的」。 13難道基督是分成幾派的嗎?替你們釘十字架的是保羅嗎?你們是奉保羅的名受洗的嗎?

14感謝上帝,除了基利司布該猶以外,我沒有為你們任何人施洗, 15所以沒有人能說是奉我的名受洗的。 16不錯,我也曾為司提法納的家人施洗,除此以外,我不記得還為誰施洗了。 17基督不是差遣我去為人施洗,而是去傳揚福音,而且不用高言大智,免得基督十字架的能力被抹摋。

上帝的智慧

18因為十字架之道在將要滅亡的人看來是愚昧的,但對我們這些得救的人來說卻是上帝的大能, 19正如聖經上說:「我要摧毀智者的智慧,廢棄明哲的聰明。」

20這個世代所謂的智者、學者、雄辯家在哪裡?上帝豈不是把這世上的智慧都變成愚昧了嗎? 21上帝運用自己的智慧不讓世人憑自己的智慧去認識祂,祂樂意採用世人看為愚昧的道理去拯救那些相信的人,這就是上帝的智慧。

22猶太人要看神蹟,希臘人尋求智慧, 23但我們傳講被釘十字架的基督。這對猶太人來說是絆腳石,對外族人來說是愚昧的。 24但對於蒙召的人,無論是猶太人還是希臘人,基督是上帝的能力、上帝的智慧。 25因為上帝的「愚昧」也勝過世人的智慧,上帝的「軟弱」也勝過世人的剛強。

26弟兄姊妹,想想你們蒙召時的情形。按人的標準來衡量,你們當中稱得上有智慧的不多,有能力的不多,出身名門望族的也不多。 27但上帝揀選了世人看為愚昧的,要使智者羞愧;上帝揀選了世上軟弱的,要使強者蒙羞; 28上帝揀選了世上卑賤的、被藐視的和無足輕重的,要使世人看為舉足輕重的變得無足輕重。 29這樣,誰都不能在上帝面前自誇了。

30上帝使你們活在基督耶穌裡,祂使基督耶穌成為我們的智慧、公義、聖潔和救贖。 31所以,正如聖經上說:「要誇耀,就當誇耀主的作為。」

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 1:1-31

1Mula kay Pablo na tinawag upang maging apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios, kasama si Sostenes na ating kapatid.

2Mahal kong mga kapatid sa iglesya1:2 iglesya: Ang ibig sabihin, mga mananampalataya ni Cristo. ng Dios diyan sa Corinto. Kayoʼy naging kanya sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Tinawag niya kayo upang maging banal,1:2 banal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. kasama ng lahat ng kumikilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo saan mang lugar. Siyaʼy Panginoon nating lahat.

3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Pagpapala Mula kay Cristo

4Lagi akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 5Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, pinalago kayo ng Dios sa lahat ng bagay – sa pananalita at kaalaman. 6Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Cristo ay totoo. 7Kaya hindi kayo kinukulang sa anumang kaloob na espiritwal habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8Pananatilihin niya kayong matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang kayoʼy maging walang kapintasan sa araw ng kanyang pagdating. 9Tapat ang Dios na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Dapat Magkaisa ang mga Mananampalataya

10Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin. 11Sinasabi ko ito, dahil may nagbalita sa akin mula sa tahanan ni Cloe na may mga nag-aalitan sa inyo. 12Ito ang ibig kong sabihin: Ang iba daw sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako”; ang iba naman ay “Kay Apolos ako.” May iba ring nagsasabi, “Kay Pedro1:12 Pedro: sa Griego, Cefas. ako”; at ang iba naman ay “Kay Cristo ako.” 13Bakit, nahahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?

14Salamat sa Dios at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispus at Gaius. 15Kaya walang makapagsasabing binautismuhan kayo sa pangalan ko. 16(Binautismuhan ko rin pala si Stefanas at ang kanyang pamilya. Maliban sa kanila, wala na akong natatandaang binautismuhan ko.) 17Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo, kundi upang mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.

Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Dios.

18Ang mensahe ng pagkamatay ni Cristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Dios. 19Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at ipapawalang-saysay ko ang katalinuhan ng matatalino.”1:19 Isa. 29:14. 20Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Dios na ang karunungan ng mundo ay kamangmangan?

21Sapagkat sa karunungan ng Dios, hindi niya pinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Dios na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang. 22Ang mga Judio ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griego naman ay humahanap ng sinasabi nilang karunungan. 23Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Cristo na ipinako sa krus – bagay na hindi matanggap ng mga Judio, at isang kamangmangan para sa mga hindi Judio. 24Ngunit para sa mga tinawag ng Dios, Judio man o hindi, si Cristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Dios. 25Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Dios ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Dios ay higit pa sa kalakasan ng tao. 26Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang tawagin kayo ng Dios. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan. 27Ngunit pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. 28At pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. 29Kaya walang makakapagmalaki sa harap ng Dios. 30Dahil sa kanya, tayoʼy nakay Cristo Jesus. Si Cristo ang karunungan ng Dios para sa atin. Sa pamamagitan niya, itinuring tayo ng Dios na matuwid, ibinukod para sa kanya, at tinubos sa ating mga kasalanan. 31Kaya gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang gustong magmalaki, ipagmalaki lamang ang ginawa ng Dios.”1:31 Jer. 9:24.