Chinese Contemporary Bible (Traditional)

利未記 1:1-17

獻燔祭的條例

1耶和華在會幕裡呼喚摩西,對他說: 2「你把以下條例告訴以色列人。

「如果你們有人獻祭給耶和華,要用牛羊作祭物。 3如果用牛作燔祭,必須用毫無殘疾的公牛,在會幕門口獻上,便可蒙耶和華悅納。 4獻祭者要把手放在牛頭上,所獻的燔祭便蒙悅納,為他贖罪。 5他要在耶和華面前宰牛,然後祭司——亞倫的子孫要把牛血灑在會幕門口的祭壇四周。 6獻祭者要剝掉牛皮,把牛切成塊。 7祭司——亞倫的子孫要在祭壇上生火,把木柴擺在火上, 8然後將肉塊、頭顱和脂肪都擺在祭壇燃燒的木柴上。 9獻祭者要用水洗淨牛的內臟和腿。祭司要把這一切都放在壇上焚燒。這是燔祭,是蒙耶和華悅納的馨香火祭。

10「如果用綿羊或山羊作燔祭,必須用毫無殘疾的公羊。 11獻祭者要在祭壇北面,在耶和華面前宰羊。祭司——亞倫的子孫要把羊血灑在祭壇四周。 12獻祭者將羊切成塊後,祭司要把肉塊、頭顱和脂肪擺在祭壇燃燒的木柴上。 13獻祭者要用水洗淨羊的內臟和腿。祭司要把這一切都放在壇上焚燒。這是燔祭,是蒙耶和華悅納的馨香火祭。

14「如果有人用鳥作燔祭,要用斑鳩或雛鴿。 15祭司要把鳥帶到祭壇前,擰下鳥頭,放在祭壇上焚燒;要在祭壇旁放盡鳥血; 16要除掉鳥的嗉子和羽毛,丟在祭壇東邊倒灰的地方。 17祭司要抓著兩個翅膀把鳥撕開,但不可撕斷,然後把鳥放在壇上焚燒。這是燔祭,是蒙耶和華悅納的馨香火祭。

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 1:1-17

Ang Handog na Sinusunog

1-2Tinawag ng Panginoon si Moises at kinausap doon sa Toldang Tipanan.1:1-2 Toldang Tipanan: na tinatawag din na Toldang Sambahan. Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Inutusan niya si Moises na sabihin sa mga taga-Israel:

Kapag may naghahandog sa inyo ng hayop sa Panginoon, maghandog siya ng baka, tupa, o kambing. 3Kung baka ang kanyang iaalay bilang handog na sinusunog, kinakailangan ay lalaking baka at walang kapintasan. Ihahandog niya ito malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan, para sa pamamagitan ng handog na ito ay tanggapin siya ng Panginoon. 4Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng bakang inihahandog niya, at itoʼy tatanggapin ng Panginoon para matubos siya sa kanyang mga kasalanan.1:4 matubos … kasalanan: o, ang kanyang kasalanan ay mawala. 5Pagkatapos, kakatayin niya ang bakang iyon sa presensya ng Panginoon. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan ng mga pari na mula sa angkan ni Aaron. 6Pagkatapos mabalatan at hiwa-hiwain ng naghahandog ang baka, 7ang mga paring mula sa angkan ni Aaron ay magpapaningas ng apoy sa altar at lalagyan ng panggatong na inayos ng mabuti. 8At ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba. 9Pero huhugasan muna ng naghahandog ang mga lamang-loob, ang mga hita at pagkatapos, susunugin ng pari ang mga ito roon sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy1:9 handog … apoy: Hindi malinaw ang ibig sabihin ng salitang Hebreo nito. Pero ayon sa gamit nito sa Lumang Tipan, itoʼy tawag sa ibaʼt ibang klase ng mga handog. Tinatawag din itong “pagkain ng Dios” sa Lev. 21:6, 21; Bil. 28:2. ay makalulugod sa Panginoon.

10Kapag tupa o kambing ang iaalay ng tao bilang handog na sinusunog, kailangan ding lalaki at walang kapintasan. 11Kakatayin niya ito sa presensya ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar ng mga paring mula sa angkan ni Aaron. 12At pagkatapos na hiwa-hiwain ito ng naghahandog, ilalagay ito nang maayos ng pari sa apoy pati na ang ulo at taba. 13Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

14Kapag ibon ang iaalay ng isang tao bilang handog na sinusunog para sa Panginoon, kinakailangang kalapati o batu-bato.1:14 batu-bato: sa Ingles, “wild pigeon.” 15Itoʼy dadalhin ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar. 16Pagkatapos, aalisin niya ang butsi at bituka1:16 butsi at bituka: o, balahibo; o, pakpak. nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar sa pinaglalagyan ng abo. 17At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, pero hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.