耶利米书 50 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 50:1-46

审判巴比伦的预言

1论到迦勒底人居住的巴比伦,耶和华对耶利米先知说:

2“你要向列国宣告,

你要竖起旗帜毫不隐瞒地宣告,

巴比伦要沦陷了!

它的神明彼勒必蒙羞,

米罗达必惊慌;

巴比伦的神像都蒙羞,

偶像都必惊慌。

3因为有一个来自北方的国家要攻击它,

使它荒凉、人畜绝迹。’”

4耶和华说:“那时,以色列人要与犹大人一同哭着来寻求他们的上帝耶和华。 5他们必打听前往锡安的路,朝锡安走去。他们必凭不会被遗忘的永恒之约归附耶和华。 6我的子民成了一群迷路的羊,他们的牧人使他们步入歧途,在高山丘陵间流浪,忘了自己的安歇之处。 7敌人遇见他们,就吞噬他们,还说,‘我们没有错!这是因为他们冒犯了他们真正的安歇之处——耶和华,他们祖先的盼望——耶和华。’ 8我的子民啊,你们要逃离巴比伦,离开迦勒底人的土地,要像带领羊群的公山羊一样离开。 9看啊,我要使来自北方的列强联合起来攻打巴比伦,他们要列阵攻占它,他们的勇士箭术高超,百发百中。 10他们要在迦勒底肆意掳掠,直到心满意足。这是耶和华说的。

11“抢夺我产业的巴比伦人啊,

你们欢喜快乐,

像草场上欢跳的母牛犊,

又像嘶鸣的公马。

12生养你们的母亲巴比伦将羞愧难当,

蒙受耻辱,

排在列国之末,

沦为干旱的荒漠。

13由于耶和华的愤怒,

巴比伦必无人居住,

荒凉不堪。

她满目疮痍,

令路人惊惧、嗤笑。

14弓箭手啊,你们要列阵围攻巴比伦

向她猛射,

不要吝啬箭枝,

因为她得罪了耶和华。

15你们要从四面向她吶喊,

她必投降,

她的堡垒将倾倒,

城墙将坍塌,

因为耶和华要报应她。

你们要向她复仇,

她怎样对待别人,

你们也要怎样对待她。

16你们要铲除在巴比伦撒种的和收割的。

为躲避敌人的刀剑,

人们各自逃到故土亲族那里。

17以色列人是一群被狮子驱散的羊,先被亚述王吞噬,后被巴比伦尼布甲尼撒咬碎骨头。” 18以色列的上帝——万军之耶和华说:“看啊,我要像惩罚亚述王一样惩罚巴比伦王和他的国家。 19我要带领以色列人返回他们的草场,让他们在迦密巴珊吃草,在以法莲基列的山上吃得饱足。 20那时,在以色列必找不到过犯,在犹大必找不到罪恶,因为我必赦免我保留下来的余民。这是耶和华说的。

21“你们要去攻打米拉大翁比割的居民,

照我的命令彻底消灭他们。

这是耶和华说的。

22巴比伦境内传来战争和大毁灭的声音。

23威震天下的锤子巴比伦怎么被砍断、打碎了!

它的下场令列国震惊。

24巴比伦啊,我给你设下了陷阱,

你在懵然不知中被捉住,

因为你与耶和华为敌。

25耶和华已打开祂的军库,

取出倾泻祂愤怒的兵器。

因为主——万军之耶和华要惩罚迦勒底人。

26你们要从远方前来攻打巴比伦

打开她的粮仓,

使她沦为一堆废墟,

彻底毁灭她,不留一物。

27你们要杀掉她所有的士兵,

把他们全部屠杀。

他们大祸临头了,

惩罚他们的日子到了。

28“从巴比伦逃出来的人在锡安述说我们的上帝耶和华如何报仇,为祂的圣殿报仇。

29“要召集所有的弓箭手来攻打巴比伦,在她四围扎营,不让一人漏网。要照她的所作所为报应她;她怎样对待别人,也要怎样对待她,因为她藐视耶和华——以色列的圣者。 30她的青年要倒毙街头,那时她所有的战士都要灭亡。”这是耶和华说的。

31“主——万军之耶和华说,

‘狂傲的人啊,我要与你为敌,

我惩罚你的时候到了。

32狂傲的人要踉踉跄跄,

跌倒在地,无人扶起。

我要焚烧她的城邑,

使她周围的一切化为灰烬。’”

33万军之耶和华说:“以色列人和犹大人要一同受压迫,掳走他们的人必控制他们,不肯释放他们。 34但他们的救赎主——万军之耶和华有伟大的能力,祂必为他们申冤,使他们的家园安宁,使巴比伦的居民不得安宁。”

35耶和华说:

“敌人要攻击巴比伦的居民及其首领和谋士;

36敌人要攻击巴比伦的假先知,

使他们显出愚昧;

敌人要攻击巴比伦的勇士,

使他们充满恐惧;

37敌人要攻击巴比伦人的战车战马和他们的盟军,

使他们柔弱得像妇女;

敌人要攻打他们的库房,

肆意抢夺他们的财宝。

38旱灾必临到巴比伦

使那里的河流干涸,

因为那里偶像遍地,

人们都沉迷于祭拜神像。

39“因此,巴比伦必杳无人烟,永远荒凉,成为豺狼等野兽出没之地、鸵鸟的栖身之所。 40上帝要毁灭巴比伦,像毁灭所多玛蛾摩拉及其周围的城邑一样,使那里人烟绝迹。这是耶和华说的。

41“看啊,大军要从北方而来,

一个强国及其盟军要从地极而来。

42巴比伦人啊,他们残忍无道,

手持弓箭和矛枪,

骑着战马,

列阵攻击你们,

声势如翻腾的大海。

43巴比伦王闻风丧胆,

四肢发软,

像分娩的妇人一样痛苦不堪。

44“看啊,我必在瞬间把巴比伦人赶离家园,如约旦河边丛林中跳出的狮子赶散草场的羊群。我要派我拣选的人统治这地方。谁能与我相比?谁能与我较量?哪位首领能抵抗我?”

45因此,你们要听听耶和华攻击巴比伦的策略,听听祂攻击迦勒底人的计划。他们的孩子要被拖走,他们的家园要被毁灭。 46巴比伦被毁灭的消息震动天下,呼喊声传到列国。

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 50:1-46

Ang Mensahe Tungkol sa Babilonia

1Ito ang sinabi ng Panginoon kay Jeremias tungkol sa Babilonia at sa mga mamamayan nito:

2“Ipahayag sa mga bansa ang balita nang walang inililihim! At itaas ang watawat na tanda ng pagkawasak ng Babilonia! Madudurog at mapapahiya ang mga dios-diosan niya pati na ang dios-diosang si Bel at Marduk. 3Sapagkat sasalakayin ang Babilonia ng isang bansa mula sa hilaga, at magiging mapanglaw ang lugar na ito. Wala nang maninirahan dito dahil tatakas ang mga mamamayan niya pati ang mga hayop.

4Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay iiyak na lalapit sa akin, ang Panginoon na kanilang Dios. 5Magtatanong sila ng daan papuntang Jerusalem50:5 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. Ganito rin sa talatang 28. at pupunta sila roon. Gagawa sila ng walang hanggang kasunduan sa akin at hindi na nila ito kakalimutan.

6“Ang mga mamamayan ko ay parang mga tupang naliligaw. Pinabayaan sila ng mga pastol nila roon sa kabundukan at kaburulan at hindi na nila alam ang daan pauwi. 7Sinasakmal sila ng mga nakakakita sa kanila. Sinasabi ng mga kaaway nila, ‘Nagkasala sila sa Panginoon na siyang tunay nilang kapahingahan at pag-asa ng mga ninuno nila kaya wala tayong kasalanan sa ating pagsalakay sa kanila.’

8“Tumakas kayo mula sa Babilonia! Iwanan na ninyo ang bansang iyan! Mauna na kayong tumakas katulad ng mga kambing na nangunguna sa mga kawan! 9Sapagkat ipapasalakay ko ang Babilonia sa alyansa ng mga makapangyarihang bansa mula sa hilaga. Sasalakayin nila ang Babilonia at masasakop nila ito. Bihasa ang mga tagapana nila at walang mintis ang kanilang pagpana. 10Sasamsamin nila ang mga ari-arian ng Babilonia at talagang magsasawa sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

11Mga taga-Babilonia, sinamsam nʼyo ang pag-aari ng mga mamamayan ko. Tuwang-tuwa kayo at masaya na parang dumalagang baka sa pastulan o kabayong humahalinghing. 12Pero ilalagay ko sa kahihiyan ang inyong bansa.50:12 bansa: sa literal, ina. Magiging pinakaaba ito sa lahat ng bansa, at magiging isa itong mapanglaw at disyerto. 13Dahil sa aking poot, wala nang maninirahan sa Babilonia at magiging mapanglaw ito. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.

14“Kayong mga tagapana, humanay na kayo sa pwesto nʼyo sa palibot ng Babilonia. Panain nʼyo siya dahil nagkasala siya sa Panginoon. 15Sumigaw kayo laban sa kanya sa lahat ng dako! Tingnan nʼyo! Sumuko na ang Babilonia! Nawawasak na ang mga tore niya at gumuho na ang mga pader niya. Ang Panginoon ang naghiganti sa kanya. Kaya paghigantihan ninyo siya at gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba. 16Paalisin ninyo sa Babilonia ang mga nagtatanim at nag-aani. Iligtas ninyo ang mga bihag sa espada ng mga kaaway at patakasin ninyo sila at pauwiin sa sarili nilang lupain.

17“Ang mga Israelita ay parang mga tupang nagkalat na hinahabol ng mga leon. Una, sinakmal sila ng hari ng Asiria, pagkatapos ang pinakahuling ngumatngat ng mga buto nila ay si Haring Nebucadnezar ng Babilonia.

18“Kaya ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagsasabi, ‘Parurusahan ko si Haring Nebucadnezar at ang Babilonia katulad ng pagpaparusa ko sa hari ng Asiria. 19Pero pababalikin ko ang mga Israelita sa bansa nila. Magiging parang mga tupa silang nanginginain sa kabundukan ng Carmel at sa kapatagan ng Bashan, at sa kaburulan ng Efraim at Gilead, at mabubusog sila. 20Sa mga araw na iyon, wala nang makikitang mga kasalanan at pagsuway sa mga natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda dahil patatawarin ko na sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Ang Parusa ng Panginoon sa Babilonia

21Sinabi pa ng Panginoon, “Salakayin nʼyo ang Merataim at ang Pekod. Patayin ninyo sila at lipulin nang lubusan bilang handog para sa akin. Gawin ninyo ang lahat ng iniuutos ko sa inyo. 22Iparinig nʼyo ang sigawan ng labanan at ingay ng puspusang pangwawasak. 23Ang Babilonia ay parang martilyong dumurog ng mga bansa, pero ngayon siya na ang nadurog. Nakita ng mga bansa kung paano nawasak ang Babilonia!

24“O Babilonia, nahuli ka sa bitag na inilagay ko para sa iyo. Nahuli ka dahil lumaban ka sa akin. 25Binuksan ko ang aking taguan ng mga armas at inilabas ko ang mga sandata dahil sa aking galit. Sapagkat ako, ang Panginoong Dios na Makapangyarihan ay may gagawin sa iyo, O Babilonia.

26Mga kalaban ng Babilonia, na nasa malayong lugar, salakayin nʼyo na ang Babilonia! Buksan nʼyo ang mga bodega niya. Ipunin nʼyo ang mga nasamsam nʼyo katulad ng trigo. Lipulin nʼyong lubos ang mga taga-Babilonia at huwag kayong magtitira kahit isa. 27Patayin ninyo ang lahat ng kanilang mga kawal na tulad sa batang toro. Patayin ninyo silang lahat. Nakakaawa sila dahil dumating na ang panahon na dapat silang parusahan.

28“Pakinggan nʼyo ang mga taong nakatakas sa Babilonia habang isinasalaysay nila sa Jerusalem kung paano naghiganti ang Panginoon na ating Dios dahil sa ginawa ng mga taga-Babilonia sa templo natin.

29“Ipatawag nʼyo ang mga tagapana para sumalakay sa Babilonia! Palibutan nʼyo para walang makatakas. Paghigantihan nʼyo siya sa ginawa niya; gawin nʼyo sa kanya ang ginawa niya sa iba dahil kinalaban niya ang Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel. 30Sa mga araw na iyon, mamamatay sa mga lansangan ang mga kabataan niyang lalaki pati ang lahat niyang kawal.

31Ako, ang Panginoong Dios na Makapangyarihan, ay nagsasabing kalaban kita, Babiloniang mapagmataas! Dumating na ang araw na parurusahan kita. 32Ikaw na palalo ay mawawasak at walang tutulong sa iyo para ibangon ka. Susunugin ko ang mga bayan mo at ang lahat ng nasa paligid nito.”

33Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Inaapi ang mga mamamayan ng Israel at Juda. Binihag sila at binantayang mabuti para hindi sila makauwi sa bayan nila. 34Pero ako ang kanilang Manunubos, Panginoong Makapangyarihan ang pangalan ko. Ipagtatanggol ko sila at bibigyan ng kapayapaan, pero guguluhin ko ang mga mamamayan ng Babilonia.

35Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing ang espada ng kapahamakan ay tatama sa mga taga-Babilonia pati sa mga pinuno at matatalinong tao niya. 36Tatama rin ito sa kanyang mga bulaang propeta at magiging mga mangmang sila. Tatama rin ito sa mga sundalo niya at matatakot sila! 37Tatama ito sa kanyang mga kabayo, karwahe, at sa lahat ng kumakampi sa kanya. At manghihina sila na parang babae! Tatama rin ito sa mga kayamanan niya at sasamsamin itong lahat. 38Matutuyo ang lahat ng pinagkukunan niya ng tubig! Sapagkat ang Babilonia ay lugar na punong-puno ng napakaraming dios-diosan – mga dios-diosang nagliligaw sa mga tao.

39“At ang Babilonia ay titirhan na lang ng mga hayop sa gubat, mababangis na hayop, mga asong-gubat, at mga kuwago. At hindi na titirhan ng tao ang Babilonia magpakailanman. 40Kung paanong winasak ng Dios ang Sodom at Gomora, at ang mga bayan sa palibot nito, ganoon din ang mangyayari sa Babilonia. Wala nang maninirahan doon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

41“Tingnan ninyo! May mga sundalong dumarating mula sa hilaga. Isang makapangyarihang bansa mula sa malayong lupain na lalaban sa Babilonia. 42Ang dala nilang mga sandata ay mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang habag. Ang ingay nilaʼy parang malalakas na alon habang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo. Darating sila na handang-handa para salakayin kayong mga taga-Babilonia. 43Nabalitaan ito ng hari ng Babilonia at nanlupaypay siya. Nakaramdam siya ng takot at sakit katulad ng babaeng manganganak na.

44“Bigla kong sasalakayin ang Babilonia katulad ng leon na galing sa kagubatan malapit sa Ilog ng Jordan, sasalakay patungo sa pastulan ng maraming tupa. Magsisitakas sila, at pipili ako ng taong mamamahala sa Babilonia. Sino ang maitutulad sa akin? Sino ang mangangahas na kalabanin ako? Sino ang pinunong makakalaban sa akin? 45Kaya pakinggan mo ang balak kong gawin laban sa Babilonia. Kahit ang mga anak nilaʼy bibihagin at ang mga bahay nilaʼy gigibain. 46Sa pagbagsak ng Babilonia, yayanig ang lupa at maririnig sa ibang bansa ang iyakan nila.”