耶利米书 45 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

耶利米书 45:1-5

耶和华给巴录的信息

1犹大约西亚的儿子约雅敬执政第四年,尼利亚的儿子巴录耶利米口述的话写在书卷上。耶利米说: 2巴录啊,以色列的上帝耶和华说, 3‘你曾说,我真悲惨!因为耶和华使我痛上加痛,呻吟不止,身心疲惫,不得安宁。’ 4我要告诉你,耶和华说,‘我必在整个大地上拆毁我所建立的,铲除我所栽培的。 5你想为自己谋求大事吗?不要谋求,因为我要给世人降下灾祸。但不论你到哪里,我必使你保住性命。这是耶和华说的。’”

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 45:1-5

Ang Mensahe para kay Baruc

1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoyakim na anak ni Haring Josia ng Juda, isinulat ni Baruc ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. 2Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Dios ng Israel: 3‘Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan!’

4“Baruc, ito pa ang sinabi ng Panginoon, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. 5Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”