箴言 18 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

箴言 18:1-24

1孤傲者独善其身,

他恼恨一切真知。

2愚人不喜欢悟性,

只喜欢发表意见。

3邪恶与藐视同行,

无耻与羞辱为伴。

4人口中的话如同深水,

智慧之泉像涓涓溪流。

5袒护恶人、冤枉义人都为不善。

6愚人说话引起纷争,

他的口招来鞭打。

7愚人的口自招灭亡,

他的嘴坑害他自己。

8闲言碎语如同美食,

深入人的五脏六腑。

9懒惰人与毁坏者臭味相投。

10耶和华的名是坚固保障,

义人投奔其中就得安稳。

11财富是富人的坚城,

在他幻想中是高墙。

12骄傲是败亡的前奏,

谦虚是尊荣的先锋。

13未听先答的人,

自显愚昧和羞辱。

14人的心灵能忍受疾病,

谁能忍受破碎的心灵?

15哲士的心得知识,

智者的耳求知识。

16礼物为人开路,

领人晋见权贵。

17先告状的看似有理,

一经对质真相大白。

18抽签可以平息争端,

调解强者间的纠纷。

19与结怨的兄弟和解比攻城还难,

争端难破,如坚城的门闩。

20人因口中所说的话而饱足,

因嘴中所出的言语而满足。

21口舌能够定生死,

多嘴多言食恶果。

22得到妻子就是得到珍宝,

也是蒙了耶和华的恩惠。

23穷人哀声恳求,

富人恶言相向。

24滥交友,自招损;

得知己,胜手足。

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 18:1-24

1Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan at sumasalungat sa lahat ng tamang kaisipan.

2Ang taong hangal ay hindi naghahangad na matuto; ang gusto lang niya ay masabi ang nasa isipan.

3Ang paggawa ng kasamaan at nakakahiyang mga bagay ay makapagbibigay ng kahihiyan.

4Ang salita ng taong marunong ay nakapagbibigay ng karunungan sa iba; ito ay katulad ng tubig na umaagos mula sa malalim na batis.

5Hindi mabuti na kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuti na ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.

6Ang sinasabi ng taong hangal ang pinagsisimulan ng alitan at magdadala sa kanya sa kaguluhan.

7Ang salita ng hangal ang maglalagay sa kanya sa panganib at kapahamakan.

8Ang tsismis ay gaya ng pagkaing masarap nguyain at lunukin.

9Ang taong tamad ay kasingsama ng taong mapanira.

10Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.

11Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan gaya ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.

12Ang pagmamataas ng tao ang magpapahamak sa kanya, ngunit ang pagpapakumbaba ang magpaparangal sa kanya.

13Hangal at kahiya-hiya ang taong sumasagot sa usapan ng hindi muna nakikinig.

14Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makatutulong pa sa kanya.

15Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.

16Madaling makikipagkita sa iyo ang dakilang tao kapag may dala kang regalo para sa kanya.

17Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.

18Napapatigil ng palabunutan ang mga alitan, at pinagkakasundo ang mahigpit na magkalaban.

19Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid18:19 kapatid: o, kamag-anak; o, kapwa. na nasaktan.

Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.

20Aanihin mo ang bunga ng iyong mga sinasabi.

21Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.

22Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.

23Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.

24May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.