祭司和利未人的职责
1耶和华对亚伦说:“你和你的儿子及亲族要承担触犯圣所的罪责;你和你儿子也要承担触犯祭司职务的罪责。 2你和你儿子在安放约柜的圣幕供职时,要把你们利未支派的亲族也一同带去,让他们协助你。 3他们要遵守你的吩咐,看守整个圣幕,但不可接近圣所的器具和祭坛,以免他们和你们都死亡。 4他们要协助你,负责看守圣幕,办理圣幕的一切事务。外人不可靠近。 5你们要看守圣所和祭坛,以免我的愤怒再临到以色列人。 6我已从以色列人中选出你们的利未亲族归给我,协助你们在会幕中司职。 7你和你儿子要尽祭司的本分,负责祭坛和至圣所的一切事务。祭司的职分是我赏赐给你们的,外人若近前来,必被处死。”
祭司当得之物
8耶和华对亚伦说:“你看!我让你照管以色列人献给我的礼物,把举祭等一切圣物赐给你和你的子孙,作为你们应得之份。此律永远不变。 9以色列人献给我的至圣之物——素祭、赎罪祭和赎过祭中留下不烧的部分都归你和你的子孙。 10你们男子都可以吃这些圣物,要在极其圣洁的地方吃。要把这些视为圣物。 11以色列人献的举祭和摇祭都归你,我已把它们赐给你和你的儿女,这是永远的定例。你家中所有洁净的人都可以吃。 12我把以色列人献给耶和华的初熟之物——最好的新油、新酒和五谷都赐给你。 13他们献给耶和华的一切初熟之物都归你,你家中洁净的人都可以吃。 14以色列人永远献上的一切18:14 “永远献上的一切”指彻底奉献给耶和华的人或物,要么被毁灭,要么被献为供物。都要归你。 15奉献给耶和华的长子和头生的牲畜都归你,但要赎出长子和不洁净的头生牲畜。 16他们要在满月的时候被赎回,以圣所的秤为准,即一舍客勒是二十季拉,赎价是五十五克银子。 17头生的牛、绵羊和山羊不用赎出来,它们都是圣物。你要把它们的血洒在祭坛上,把脂肪烧掉,作为献给耶和华的馨香火祭; 18它们的肉要归你,正如摇祭的胸肉和举祭的右腿肉一样。 19以色列人献给耶和华的圣物中,我把举祭赐给你和你的儿女,这是永远的定例,是我与你及你的后代所立的永世之约。”
20耶和华对亚伦说:“你在以色列人将得之地不可有产业,不可有份于他们的财产,因为我是你在以色列人中的所得之份,是你的产业。
利未人应得之物
21“我要把以色列人出产的十分之一赐给利未人作产业,作为他们在会幕司职的酬劳。 22今后以色列人不可走近会幕,以免因犯罪而死。 23只有利未人可在会幕司职,他们要担负触犯圣幕的罪责,这是你们世世代代要遵守的条例。利未人在以色列人中不可有产业, 24因为我已经把以色列人给耶和华的十分之一出产赐给他们作产业。因此,我吩咐他们不可在以色列人中有产业。”
利未人应纳的十分之一
25耶和华对摩西说: 26“你把以下条例告诉利未人。
“你们从以色列人手中得到我赐给你们作产业的十分之一后,要从中取出十分之一作为举祭献给耶和华, 27这就算作你们献上了麦场的五谷和榨酒池的酒。 28这样,你们要从以色列人给你们的十分之一中,拿出一部分献给耶和华作举祭,将这举祭归给亚伦祭司。 29你们要把所得之物中至圣至好的献给耶和华作举祭。
30“你要告诉利未人,‘你们奉献了最好的以后,其余的算作你们麦场上的五谷和榨酒池的酒, 31你们和家人可以在任何地方吃,因为这些是你们在会幕司职的酬劳。 32你们献上最好的以后,就不会获罪了。你们不可亵渎以色列人献上的圣物,免得死亡。’”
Ang Tungkulin ng mga Pari at ng mga Levita
1Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ikaw at ang mga anak mong lalaki na mula sa lahi ni Levi ang mananagot sa kasalanang ginawa ninyo sa inyong paglilingkod sa Toldang Pinagtipunan. Pero ikaw lang at ang mga anak mo ang mananagot sa kasalanan na inyong magagawa na may kinalaman sa inyong pagkapari. 2Kung maglilingkod ka at ang mga anak mo sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan, patulungin nʼyo ang mga kamag-anak nʼyong kapwa Levita. 3Magtatrabaho sila sa ilalim ng iyong pamamahala at gagawin nila ang lahat ng mga gawain sa Tolda, pero hindi sila dapat humawak sa mga banal na kagamitan ng Tolda o sa altar, dahil kung gagawin nila ito mamamatay sila pati kayo. 4Tutulong sila sa iyo, at responsibilidad nila ang pag-aasikaso ng Toldang Tipanan at ang paggawa ng lahat ng gawain dito. Dapat walang sinumang tutulong sa iyo at sa iyong mga anak maliban sa lahi ni Levi.
5“Ikaw ang mamamahala sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar at ng altar, para hindi ako muling magalit sa mga Israelita. 6Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita, para maging katulong mo. Itinalaga sila sa akin sa paglilingkod sa Toldang Tipanan. 7Pero ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”
Mga Handog para sa mga Pari at sa mga Levita
8Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ako ang pumili sa iyo na mamahala sa banal na mga handog na inihahandog sa akin ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak bilang inyong bahagi magpakailanman. 9May bahagi kayo sa pinakabanal na mga handog na ito na hindi sinusunog, na inihandog ng mga tao sa akin bilang pinakabanal na mga handog. Kasama ng mga handog na ito ang handog bilang pagpaparangal sa akin, handog sa paglilinis, at handog na pambayad ng kasalanan. Ito ang mga bahagi mo at ng iyong mga anak. 10Kainin ninyo ito bilang isang pinakabanal na handog. Kailangang mga lalaki lang ang kakain nito at ituring ninyo itong banal. 11Ang iba pang mga handog ng mga Israelita na itinataas sa altar ay para rin sa inyo. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga angkan, bilang inyong bahagi magpakailanman. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis. 12Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong katas ng ubas at trigo. 13Magiging inyong lahat ang mga produkto na kanilang inihahandog mula sa unang ani ng kanilang lupa. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.
14“Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo18:14 ibinigay sa akin nang buo: Ang Hebreong salita nito ay nangangahulugan na ang mga bagay na ibinigay sa Panginoon ay hindi na mababawi at magiging sa mga pari na ito magpakailanman. Kung minsan, itoy winawasak. ay magiging inyo. 15Ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop na inihahandog sa akin ay magiging inyo rin. Pero kailangang tubusin ninyo ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga panganay na mga hayop na itinuturing na marumi. 16Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. 17Pero huwag ninyong tutubusin ang panganay na toro, tupa o kambing dahil sa akin ito. Katayin ninyo ito at iwisik ninyo ang dugo sa altar at sunugin ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy.18:17 handog sa pamamagitan ng apoy: Tingnan ang “footnote” sa 15:3. Ang mabangong samyo ng handog na ito ay makalulugod sa akin. 18Sa inyo ang karne nito, gaya ng dibdib at ng kanang paa ng handog na itinataas ninyo. 19Ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng mga handog na itinataas ng mga Israelita sa akin. Para ito sa inyo at sa inyong mga angkan bilang inyong bahagi magpakailanman. Kasunduan ko ito sa iyo at sa iyong angkan na hindi magbabago magpakailanman.”18:19 hindi magbabago magpakailanman: sa literal, Ito ay walang katapusang kasunduan na asin para sa iyo at sa iyong lahi.
20Sinabi pa ng Panginoon kay Aaron, “Kayong mga pari ay walang mamanahing lupa sa Israel, dahil ako mismo ang magbibigay ng inyong mga pangangailangan.
21“Kung tungkol sa mga Levita, babayaran ko sila sa kanilang serbisyo sa Tolda. Ibibigay ko sa kanila ang lahat ng ikapu na ibinibigay ng mga Israelita bilang kanilang bahagi. 22Mula ngayon, wala nang iba pang Israelita na lalapit sa Toldang Tipanan maliban sa mga pari at sa mga Levita, dahil kung lalapit sila, mananagot sila sa kanilang mga kasalanan, at mamamatay. 23Ang mga Levita ang responsable sa mga gawain sa Toldang Tipanan, at mananagot sila sa kanilang magagawang kasalanan laban dito. Ang mga tuntuning ito ay dapat tuparin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Walang mamanahing lupa ang mga Levita sa Israel. 24Sa halip, ibibigay ko sa kanila bilang kanilang bahagi ang mga ikapu na ibinibigay ng mga Israelita bilang handog nila sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang mga Levita ay walang mamanahing lupa sa Israel.”
25Inutusan ng Panginoon si Moises 26na sabihin niya ito sa mga Levita: “Kung matanggap na ninyo mula sa mga Israelita ang ikapu na ibibigay ko sa inyo bilang inyong bahagi, kailangang magbigay din kayo ng inyong ikapu galing sa ikapu nila, bilang handog sa akin. 27Ituturing ko ito bilang inyong handog mula sa mga ani, na parang naghandog kayo ng trigo mula sa giikan o alak mula sa pisaan ng ubas. 28Sa pamamagitan nito, makapagbibigay din kayo ng handog sa akin galing sa lahat ng ikapu na inyong natanggap mula sa aking mga Israelita. At sa aking bahagi na iyon, ang ikapu nito ay ibigay ninyo sa paring si Aaron. 29Kailangan na ang aking bahagi ang pinakamagandang parte sa lahat ng ibinibigay sa inyo. 30Kapag naihandog na ninyo ito, ituturing ko itong handog ninyo mula sa giikan o pisaan ng ubas. 31Maaari mong kainin at ng iyong pamilya ang inyong bahagi kahit saang lugar dahil sweldo ninyo iyan sa inyong paglilingkod sa Toldang Tipanan. 32Hindi kayo magkakasala sa pagkain ninyo nito kung naihandog na ninyo ang pinakamabuting bahagi sa Panginoon. Ngunit siguraduhin ninyo na hindi ninyo marurumihan ang banal na mga handog ng mga Israelita, sa pamamagitan ng pagkain ng inyong bahagi nang hindi pa ninyo naibibigay ang aking bahagi para hindi kayo mamatay.”