弥迦书 7 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

弥迦书 7:1-20

以色列的败坏

1我真悲惨!

就像夏天的果子已被收尽,

葡萄已被摘净,

找不到一串可吃的,

寻不见我心中渴望的初熟无花果。

2虔敬人已从大地上灭绝,

世间再没有正直人。

人人伺机杀人流血,

用网罗猎取自己的弟兄。

3他们善于作恶。

领袖和审判官索要贿赂,

显贵袒露心中的恶欲,朋比为奸。

4他们当中最好的不过是蒺藜,

最正直的也不过是荆棘篱笆。

你们的守望者所说的日子,

就是你们受惩罚的日子已经来到。

你们必惊慌失措。

5不要相信邻居,

不要信赖朋友,

即使对你怀中的妻子也要守口如瓶。

6因为儿子藐视父亲,

女儿与母亲作对,

媳妇与婆婆作对;

家人之间反目成仇。

7至于我,

我要仰望耶和华,

等候拯救我的上帝;

我的上帝必垂听我的祈求。

8我的仇敌啊,

你们不要对我幸灾乐祸!

我虽跌倒,但必再爬起来;

我虽坐在黑暗里,

但耶和华必做我的光。

9我得罪了耶和华,

所以要忍受祂的惩罚,

直到祂为我辩护,替我申冤。

祂必领我进入光明,

我必亲睹祂的公义。

10从前嘲笑我说“你的上帝耶和华在哪里”的仇敌看见这事,

都必满面羞愧。

我必亲眼看见他们遭到报应,

他们要像街上的泥土一样被人践踏。

11以色列啊,

终有一日你会重建自己的城墙。

到那日,你必扩张自己的疆域。

12那日,从亚述埃及的各城,

埃及幼发拉底河,

从天涯到海角7:12 从天涯到海角”希伯来文是“从海到海,从山到山”。

人们都要到你这里来。

13然而,大地要因地上居民的罪恶而荒凉。

14耶和华啊,

求你用你的杖牧放属于你的羊群,

就是你的子民。

他们独自居住在丛林中,

住在肥沃的田园间。

愿他们像从前一样在巴珊基列吃草。

15耶和华说:

“我要向他们显出神迹奇事,

就像他们离开埃及时一样。”

16列国看见这一切,

都必因自己势力衰微而羞愧,

都必用手捂口,耳朵变聋。

17他们要像蛇一样舔土,

又如地上的爬虫,

战战兢兢地走出营寨;

他们必畏惧我们的上帝耶和华,

他们必对你充满恐惧。

18有何神明像你一样赦免罪恶,

饶恕你幸存子民的过犯?

你不会永远发怒,

因为你乐于施恩。

19你必再怜悯我们,

将我们的罪恶践踏在脚下,

把我们的一切过犯抛进深海。

20你必按古时给我们列祖的誓言,

以信实待雅各

以慈爱待亚伯拉罕

Tagalog Contemporary Bible

Micas 7:1-20

Ang Kasamaan ng mga Israelita

1Sinabi ni Micas: Kawawa ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng mga natirang bunga7:1 natirang bunga: Kaugalian ng mga Israelita ang pagtitira ng mga bunga para sa mga dukha, biyuda, o mga dayuhan. ng ubas o igos pero walang makita ni isa man. 2Ang ibig kong sabihin, wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon para patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag sa hayop na kanyang huhulihin. 3Bihasa silang gumawa ng kasamaan. Ang mga pinuno at mga hukom ay tumatanggap ng suhol. Sumusunod lamang sila sa gusto ng mga taong tanyag at makapangyarihan. Nagkakaisa sila upang baluktutin ang katarungan. 4Ang pinakamabuti sa kanila ay parang dawag na walang silbi. Dumating na ang panahon ng pagpaparusa ng Dios sa mga taong ito, gaya ng kanyang babala sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta na parang mga guwardya sa tore. Dumating na ang panahon ng kanilang pagkalito.

5Dahil sa laganap na ang kasamaan, huwag na kayong magtiwala sa inyong kapwa o sa inyong mga kaibigan. At mag-ingat kayo sa inyong sinasabi kahit na sa inyong mahal na asawa. 6Sapagkat sa mga panahong ito, ang anak na lalaki ay hindi na gumagalang sa kanyang ama, ang anak na babae ay nagrerebelde sa kanyang ina, at ang manugang na babae ay nagrerebelde rin sa kanyang biyenang babae. Ang kaaway ng isang tao ay ang kanya mismong kapamilya.

7Pero para sa akin, magtitiwala ako sa Panginoon na aking Dios. Maghihintay ako sa kanya na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay kanyang diringgin.

Ililigtas ng Panginoon ang mga Israelita

8Sinabi ng mga Israelita, “Hindi tayo dapat kutyain ng ating mga kaaway. Kahit na nadapa tayo, muli tayong babangon. At kahit na nasa kadiliman tayo, ang Panginoon ang ating ilaw. 9Dahil sa nagkasala tayo sa Panginoon, dapat nating tiisin ang kanyang parusa sa atin hanggang sa ipagtanggol niya tayo at bigyan ng katarungan. Makikita natin ang pagliligtas niya sa atin sa pamamagitan ng pagdala niya sa atin sa kaliwanagan. 10Makikita ito ng ating mga kaaway at mapapahiya sila. Sapagkat kinukutya nila tayo noon na nagsasabi, ‘Nasaan na ang Panginoon na inyong Dios?’ Hindi magtatagal at makikita natin ang kapahamakan nila. Magiging tulad sila ng putik na tinatapak-tapakan sa lansangan.”

11Sinabi ni Micas sa mga taga-Jerusalem: Darating ang araw na muli ninyong itatayo ang mga pader ninyo at sa panahong iyon lalong lalawak ang inyong teritoryo. 12Sa panahon ding iyon, pupunta sa inyo ang mga tao mula sa Asiria at sa mga lungsod ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa Ilog ng Eufrates, at mula sa malalayong lugar.7:12 mula sa malalayong lugar: sa literal, mula sa isang dagat patungo sa isang dagat at mula sa isang bundok patungo sa isa pang bundok. 13Magiging mapanglaw na lugar ang mga bansa sa mundo dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

Nanalangin ang mga Israelita na Kaawaan Sila ng Dios

14Nanalangin ang mga Israelita,Panginoon, bantayan nʼyo po kami na iyong mga mamamayan katulad ng pagbabantay ng pastol sa kanyang mga tupa. Ang mga lupain sa aming paligid ay may masaganang pastulan, pero kami ay namumuhay sa kaparangan na kami-kami lang. Palawakin nʼyong muli ang aming teritoryo hanggang sa Bashan at sa Gilead katulad noon. 15Magpakita po kayo sa amin ng mga himala katulad ng inyong ginawa nang ilabas nʼyo kami sa Egipto. 16Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kapangyarihan. At hindi na sila makikinig o magsasabi ng mga panlalait sa amin. 17Gagapang sila sa lupa na parang ahas dahil sa sobrang hiya. Lalabas sila sa kanilang lungga na nanginginig sa takot sa inyo, Panginoon naming Dios. 18Wala na pong ibang Dios na tulad ninyo. Pinatawad nʼyo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari ninyo. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami. 19Muli nʼyo kaming kaawaan at alisin nʼyo po ang lahat naming mga kasalanan. Yurakan nʼyo ito at itapon sa kailaliman ng dagat. 20Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa amin na mga lahi ni Abraham at ni Jacob, gaya ng iyong ipinangako sa kanila noong unang panahon.”