尼希米记 2 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

尼希米记 2:1-20

尼希米返回耶路撒冷

1亚达薛西王二十年尼散月2:1 尼散月”即希伯来历的一月,阳历是三月中旬到四月中旬。,酒呈到王面前后,我端起酒递给王。在王面前,我一向没有愁容。 2王问我:“你没有病,为什么面带愁容?一定是心中烦恼。”我非常害怕。 3我对王说:“愿王万岁!我祖坟所在的城邑已成废墟,城门也被烧毁,我怎能不面带愁容?” 4王问我:“你有什么要求?”我向天上的上帝祷告后, 5回答说:“如果王认为好,如果仆人在王面前蒙恩,请王派我到犹大,重建我祖坟所在的城邑。” 6当时王后坐在王的旁边,王问我:“你要去多久?什么时候回来?”我告诉王一个日期,王欣然批准。 7我又说:“如果王认为好,求王赐我诏书,通知河西省长准我经过前往犹大8求王再发一道诏书,通知管理王室园林的亚萨,吩咐他供给我木材,用来做圣殿堡垒的门梁及建造城墙和我住的房子。”王批准了我的请求,因为我的上帝施恩帮助我。

9王派将领率骑兵沿途护送我。到了河西省长那里,我把王的诏书交给他们。 10和伦参巴拉和官长亚扪多比雅听到有人来帮以色列人谋求好处,非常不悦。

尼希米视察耶路撒冷的城墙

11我到了耶路撒冷,在那里住了三天, 12然后在夜间起来,带着几个人出去。上帝感动我要为耶路撒冷做的事,我没有告诉任何人。除了我骑的牲口外,我们没有带其他牲口。 13我穿过谷门,朝龙泉的方向走到粪厂门,在那里察看耶路撒冷倒塌的城墙和被烧毁的城门。 14我又往前走到泉门和王池,我骑的牲口无法通过那里, 15我就乘夜沿溪而上,察看城墙,然后转身取道谷门回城。 16官员不知道我到过哪里,做过何事,因为我还没有向犹太人、祭司、贵族、官员和其他要参与这工程的人透露我的计划。

17后来我对他们说:“你们都看到了我们的困境。耶路撒冷已成废墟,城门也被烧毁。来吧,让我们重建耶路撒冷的城墙,免得我们再受凌辱。” 18然后,我把我的上帝怎样施恩帮助我以及王对我说的话都告诉了他们。他们就说:“我们起来重建城墙吧!”于是他们开始做这善工。 19和伦参巴拉和官长亚扪多比雅,以及阿拉伯基善听说后,就讥笑我们,藐视我们,说:“你们在做什么?想要背叛王吗?” 20我回答他们说:“天上的上帝必使我们亨通,我们身为祂仆人,要起来重建这城墙,但你们在耶路撒冷无份、无权、无业。”

Tagalog Contemporary Bible

Nehemias 2:1-20

Pumunta si Nehemias sa Jerusalem

1Noong unang buwan, na siyang buwan ng Nisan, nang ika-20 taon ng paghahari ni Artaserses, sinilbihan ko ng inumin ang hari. Noon lang niya ako nakitang malungkot. 2Kaya tinanong niya ako, “Bakit ka nalulungkot, mukha ka namang walang sakit? Parang may problema ka.” Labis akong kinabahan, 3pero sumagot ako sa hari, “Humaba po nawa ang buhay ng Mahal na Hari! Nalulungkot po ako dahil ang lungsod na pinaglibingan ng aking mga ninuno ay nagiba at ang mga pintuan nito ay nasunog.” 4Nagtanong ang hari, “Ano ang gusto mo?” Nanalangin ako sa Dios ng kalangitan, 5at pagkatapos, sumagot ako sa hari, “Kung maaari po, Mahal na Hari, at kung nalulugod po kayo sa akin, gusto ko sanang umuwi sa Juda, para muling ipatayo ang lungsod kung saan inilibing ang aking mga ninuno.”

6Tinanong ako ng hari habang nakaupo ang reyna sa tabi niya, “Gaano ka katagal doon at kailan ka babalik?” Sinabi ko kung kailan ako babalik, at pinayagan niya ako. 7Humiling din ako sa hari, “Kung maaari po, Mahal na Hari, bigyan nʼyo po ako ng mga sulat para sa mga gobernador ng probinsya sa kanlurang Eufrates, na payagan nila akong dumaan sa nasasakupan nila sa pag-uwi ko sa Juda. 8At kung maaari, bigyan nʼyo rin po ako ng sulat para kay Asaf na tagapagbantay ng mga halamanan ninyo, para bigyan ako ng mga kahoy na gagamitin sa paggawa ng pintuan ng matatag na kuta malapit sa templo, at sa pagpapatayo ng pader ng lungsod at ng bahay na titirhan ko.” Pinagbigyan ng hari ang mga kahilingan ko sa kanya dahil sa kabutihan ng Dios sa akin.

9Sa pag-alis ko, pinasamahan pa ako ng hari sa mga opisyal ng sundalo at sa mga mangangabayo. Pagdating ko sa kanluran ng Eufrates, ibinigay ko sa mga gobernador ang sulat ng hari. 10Ngunit nang marinig nina Sanbalat na taga-Horon at Tobia na isang opisyal ng Ammonita na dumating ako para tulungan ang mga Israelita, labis silang nagalit.

Tiningnan ni Nehemias ang Pader ng Jerusalem

11Pagkalipas ng tatlong araw mula nang dumating ako sa Jerusalem, 12umalis ako nang hatinggabi na may ilang kasama. Hindi ko sinabi kahit kanino ang gustong ipagawa sa akin ng Dios tungkol sa Jerusalem. Wala kaming dalang ibang hayop maliban sa sinasakyan kong asno. 13Lumabas kami sa pintuang nakaharap sa lambak at pumunta sa Balon ng Dragon2:13 Dragon: o, ahas; o, asong-gubat. hanggang sa may pintuan ng pinagtatapunan ng basura. Pinagmasdan kong mabuti ang mga nagibang pader ng Jerusalem at ang mga pintuan nitong nasunog. 14Nagpatuloy ako sa Pintuan ng Bukal hanggang sa paliguan ng hari, pero hindi makaraan doon ang asno ko. 15Kaya tumuloy na lang ako sa Lambak ng Kidron, at siniyasat ang mga pader nang gabing iyon. Pagkatapos, bumalik ako at muling dumaan sa pintuang nakaharap sa lambak.

16Hindi alam ng mga opisyal ng lungsod kung saan ako nanggaling at kung ano ang ginawa ko. Sapagkat wala pa akong pinagsabihang Judio tungkol sa balak ko, kahit ang mga pari, mga pinuno, mga opisyal, at ang iba pang nasa pamahalaan.

17Ngunit ngayon ay sinabi ko sa kanila, “Nakita nʼyo ang nakakaawang kalagayan ng lungsod natin. Giba ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Muli nating itayo ang pader ng Jerusalem para hindi na tayo mapahiya.” 18Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Dios sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin. Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila para simulan ang mabuting gawaing ito. 19Ngunit nang mabalitaan ito ni Sanbalat na taga-Horon, ni Tobia na isang opisyal na Ammonita, at ni Geshem na isang Arabo, nilait nila kami at pinagtawanan. Sinabi nila, “Ano ang ginagawa nʼyong ito? Nagbabalak ba kayong maghimagsik laban sa hari?” 20Sinagot ko sila, “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Dios sa langit. Kami na mga lingkod niya ay magsisimula na sa pagpapatayo ng pader ng Jerusalem. Pero kayo ay hindi kabilang at walang karapatan sa Jerusalem, at hindi kayo bahagi ng kasaysayan nito.”