历代志下 9 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志下 9:1-31

示巴女王拜访所罗门

1示巴女王听闻所罗门的名声,便来用难题考问他。她率领许多随从,用骆驼驮着香料、宝石和大量的黄金到耶路撒冷晋见所罗门王,与所罗门谈论她心中的疑问。 2所罗门王解答了她所有的问题,没有一样难得住他。 3示巴女王看见所罗门的智慧,又看见他建的宫殿、 4席上的美味、入座的群臣、侍立一旁的仆人、他们的服装、酒政、以及他在耶和华殿里献的燔祭,感到万分惊奇。 5她对所罗门王说:“我在本国听到的有关你的功业和智慧原来都是真的。 6若不是亲眼目睹,我不会相信。事实上,我听到的还不到一半!你的智慧远超过我听到的传闻。 7你的臣仆经常侍立在你面前聆听智慧之言,真有福气! 8你的上帝耶和华当受称颂!祂喜爱你,立你做王统治祂的子民。因为你的上帝爱以色列人,要使他们永远坚立,所以立你为他们的王,使你秉公行义。”

9示巴女王将四吨黄金、大量香料和宝石献给所罗门王。再无人像示巴女王那样献给所罗门王那么多香料。 10希兰的仆人和所罗门的仆人从俄斐运来黄金、檀香木和宝石。 11所罗门王用这些檀香木建造耶和华的殿和王宫的阶梯,又制作歌乐手的琴瑟。在犹大从来没有见过这样的物品。 12所罗门王满足了示巴女王的一切要求,回赠她的礼物超过了她带来的。之后,女王和随从就回示巴去了。

所罗门王的财富

13所罗门每年收到的黄金约二十三吨, 14此外还有商人、阿拉伯诸王和国内各总督送给他的金银。 15所罗门王用锤好的金子打造了二百面大盾牌,每面用七公斤金子; 16又用锤好的金子打造了三百面小盾牌,每面用三点五公斤金子,全部放在黎巴嫩林宫。 17王又造了一个象牙大宝座,外面用纯金包裹。 18这宝座有六级台阶,又有金脚凳与宝座相连,宝座两旁有扶手,扶手两边各站着一头狮子, 19六级台阶上共站着十二头狮子,每级台阶两端各站一头。这宝座举世无双。 20所罗门王所有的杯子都是金的,黎巴嫩林宫里所有的器皿都是纯金的,没有一件是用银子造的,因为所罗门年间银子不算什么。 21王有船队与希兰的仆人一起出海去他施,每三年就运回金银、象牙、猿猴和孔雀。 22所罗门王的财富和智慧超过天下诸王。 23天下的君王都纷纷来朝见所罗门,聆听上帝赐给他的智言慧语。 24他们年年都带来礼物,有金银器皿、衣服、兵器、香料和骡马。 25所罗门有四千个安置战车和马匹的棚,有一万二千名骑兵,驻扎在屯车城和他所在的耶路撒冷26所罗门统管从幼发拉底河到非利士地区,远至埃及边境的诸王。 27王使耶路撒冷的金银多如石头,使香柏木多如丘陵的无花果树。 28所罗门的马匹都是从埃及和其他国家运来的。

所罗门逝世

29所罗门一生的事迹,自始至终都记在拿单先知的史记、示罗亚希雅的《预言书》和易多先见论尼八的儿子耶罗波安的《启示书》中。 30所罗门耶路撒冷统治以色列四十年, 31他与祖先同眠后,葬在他父亲大卫的城里。他儿子罗波安继位。

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 9:1-31

Dumalaw ang Reyna ng Sheba kay Haring Solomon

(1 Hari 10:1-13)

1Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem para subukin ang karunungan ni Solomon sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. Dumating siya sa kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng mga regalo na mga pampalasa, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng nasa kanyang isipan. 2Sinagot ni Solomon ang lahat niyang mga katanungan at walang anumang bagay ang hindi niya naipaliwanag sa kanya. 3Nang mapatunayan ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at nang makita niya ang ganda ng palasyo na kanyang ipinatayo, 4lubos siyang namangha. Ganoon din nang makita niya ang pagkain sa mesa ng hari, ang pamamahala ng kanyang mga opisyal, ang paglilingkod ng kanyang mga alipin at mga tagasilbi ng kanyang alak na may magagandang uniporme, at ang mga handog na sinusunog na kanyang inihandog sa templo ng Panginoon.

5Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang nabalitaan ko sa aking bansa tungkol sa inyong mga gawa at karunungan. 6Hindi ako naniwala hanggang sa pumunta ako rito at nakita ko mismo. Ang totoo, wala sa kalahati ng nabalitaan ko tungkol sa inyo ang nakita ko. Ang karunungan ninyo ay higit pa kaysa sa nabalitaan ko. 7Napakapalad ng mga tauhan ninyo! Napakapalad ng inyong mga opisyal na naglilingkod sa inyo dahil palagi nilang naririnig ang inyong karunungan. 8Purihin ang Panginoon na inyong Dios na nalugod sa inyo at naglagay sa inyo sa trono upang maghari para sa kanya. Dahil sa pag-ibig ng inyong Dios sa Israel at sa kagustuhan niyang manatili ang bansang ito magpakailanman, ginawa niya kayong hari nito, para mamahala na may katarungan at katuwiran.”

9Binigyan niya ang hari ng limang toneladang ginto, maraming sangkap at mamahaling mga bato. Wala nang makakapantay sa dami ng sangkap na ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.

10May dala rin kay Haring Solomon ang mga tauhan niya at ang mga tauhan ni Hiram na mga ginto, maraming kahoy na almug, at mamahaling mga bato galing sa Ofir. 11Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug para gawing hagdanan sa templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.

12Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang kahit anong hingin nito. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.

Ang Kayamanan ni Solomon

(1 Hari 10:14-29)

13Taun-taon tumatanggap si Solomon ng mga 23 toneladang ginto, 14bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.

15Nagpagawa si Haring Solomon ng 200 malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong9:15 pito: o, tatloʼt kalahati. kilong ginto. 16Nagpagawa rin siya ng 300 maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga tatlo at kalahating kilong ginto. Pinalagay niya itong lahat sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.

17Nagpagawa rin ang hari ng isang malaking trono na gawa sa mga pangil ng elepante, at binalutan ito ng purong ginto. 18May anim na baitang ang trono, at may tungtungan ito ng paa na ginto. Sa bawat gilid nito ay may estatwang leon na nakatayo. 19At mayroon ding estatwa ng leon sa bawat gilid ng baitang. Ang estatwang leon sa anim na baitang ay 12 lahat. Walang trono na katulad nito kahit saan mang kaharian. 20Ang lahat ng kopa ni Haring Solomon ay purong ginto, at ang lahat ng gamit sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon ay puro ginto rin. Hindi ito ginawa sa pilak dahil maliit lang ang halaga nito nang panahon ni Solomon. 21May mga barko rin si Solomon na pang-negosyo,9:21 pang-negosyo: sa Hebreo, papuntang Tarshish. na ang tripulante ay ang mga tauhan ni Hiram. Ang mga barkong itoʼy umuuwi isang beses sa bawat tatlong taon, na may dalang mga ginto, pilak, pangil ng elepante, at malalakiʼt maliliit na uri ng mga unggoy at pabo real.

22Walang sinumang hari sa mundo na makakapantay sa karunungan at kayamanan ni Haring Solomon. 23Ang lahat ng hari sa mundo ay naghahangad na makita si Solomon para makapakinig ng karunungan na ibinigay ng Dios sa kanya. 24Taun-taon, ang bawat dumadalaw sa kanya ay may dalang mga regalo – mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, mga sandata, mga sangkap, mga kabayo at mga mola.9:24 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.

25May 4,000 kwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayo at mga karwahe. Siyaʼy may 12,000 kabayo9:25 kabayo: o, mangangabayo. na inilagay niya sa lungsod na lagayan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 26Sinakop niya ang lahat ng hari mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Egipto. 27Noong panahon na siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng ordinaryong mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga ordinaryong kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.9:27 kaburulan sa kanluran: sa literal, Shefela. 28Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Egipto at sa iba pang mga bansa.

Ang Pagkamatay ni Solomon

(1 Hari 11:41-43)

29Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahia na Taga-Shilo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat. 30Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon. 31Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.