历代志下 31 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志下 31:1-21

希西迦的改革

1当一切都办妥后,所有在场的以色列人就前往犹大各城邑,打碎神柱,砍倒亚舍拉神像,又拆毁犹大便雅悯以法莲玛拿西境内所有的丘坛和祭坛,然后各自返回自己的城邑和家园。

2希西迦分派祭司和利未人的班次,使他们各司其职,献上燔祭和平安祭,在耶和华殿门内事奉,称谢、颂赞耶和华。 3王又从自己的产业中划分出一部分作为早晚的燔祭,以及安息日、朔日及耶和华律法规定的其他节期的燔祭。

4他又吩咐耶路撒冷的居民将祭司和利未人当得的份交给他们,好使他们专心执行耶和华的律法。 5谕旨一出,以色列人就献出许多初熟的五谷、新酒、新油、蜂蜜、田间的出产及各样物品的十分之一,数量极多。 6住在犹大各城的以色列人和犹大人也送来牛羊的十分之一,以及献给他们的上帝耶和华的圣物,就是十一奉献,把它们堆积成堆。 7他们从三月开始堆积,到七月才结束。 8希西迦与众官员来了,看见堆积起来的供物,就称颂耶和华,又为耶和华的以色列子民祝福。 9希西迦向祭司和利未人询问这些供物的事, 10撒督家族的亚撒利雅大祭司回答说:“自从民众把这些供物送到耶和华的殿里以来,我们不但吃得饱,还剩下许多。因为耶和华赐福给祂的子民,所以才有这么多剩余。”

11于是,希西迦下令在耶和华的殿里预备库房。他们预备好后, 12便忠心地把供物、十一奉献和圣物放进库房。利未歌楠雅总管这事,他的兄弟示每做助手。 13耶歇亚撒细雅拿哈亚撒黑耶利末约撒拔以列伊斯玛基雅玛哈比拿雅做监督协助歌楠雅和他兄弟示每,他们都是希西迦王和管理上帝殿的亚撒利雅指派的。 14看守东门的利未人音拿的儿子可利,负责管理民众自愿献给上帝的礼物,以及分发献给耶和华的供物和至圣之物。 15伊甸珉雅珉耶书亚示玛雅亚玛利雅示迦尼雅在祭司所在的各城忠心地协助可利,按照班次,不分老幼,将物品分给他们的弟兄。 16此外,他们还分给三岁及三岁以上、姓名记在家谱上、每天在耶和华的殿中按班次供职的男子, 17并分给按宗族登记在家谱上的祭司,按班次和职任分给二十岁及二十岁以上的利未人, 18也按照家谱分给他们的妻子儿女,因为他们诚心洁净自己。 19至于住在各城郊野做祭司的亚伦子孙,各城都有指定的人把应得之份分给祭司中所有的男子和登记在家谱上的利未人。

20希西迦犹大全境都如此行,做他的上帝耶和华视为良善、正直和忠心的事。 21无论是在上帝的殿中事奉,还是遵行律法和诫命,他都寻求他的上帝,尽心去做。因此,他行事顺利。

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 31:1-21

Ang mga Pagbabagong Ginawa ni Hezekia

1Pagkatapos ng pista, ang mga Israelita na nagsidalo roon ay nagpunta sa mga bayan ng Juda, at pinagdudurog nila ang mga alaalang bato at pinagputol-putol ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. Giniba nila ang mga sambahan sa matataas na lugar31:1 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manase. Pagkatapos nilang gibain ang lahat ng ito, umuwi silang lahat sa kanilang mga bayan at lupain.

2Ipinagbukod-bukod ni Hezekia ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain sa templo ng Panginoon – para mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon, para magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng templo. 3Nagbigay si Hezekia ng sarili niyang mga hayop para sa mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi, at para rin sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Pagsisimula ng Buwan,31:3 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at sa iba pang mga pista, ayon sa nakasulat sa Kautusan ng Panginoon. 4Inutusan din niya ang mga tao na nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at mga Levita ang kanilang bahagi para makapaglingkod sila nang lubusan sa Kautusan ng Panginoon. 5Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong katas ng ubas, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto. 6Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Dios, at tinipon nila ito. 7Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan. 8Nang makita ni Hezekia at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na handog, pinuri nila ang Panginoon at ang mga mamamayan niyang Israelita.

9Tinanong ni Hezekia ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok. 10Sumagot si Azaria, ang punong pari na mula sa angkan ni Zadok, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”

11Nag-utos si Hezekia na gumawa ng mga bodega sa templo ng Panginoon, at nangyari nga ito. 12At matapat na dinala roon ng mga tao ang kanilang mga handog, mga ikapu at ang mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon. Si Conania na isang Levita ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay na ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Shimei. 13Sina Jehiel, Azazia, Nahat, Azael, Jerimot, Jozabad, Eliel, Ismakia, Mahat, at Benaya ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala nina Conania at Shimei. Pinili sila nina Haring Hezekia at Azaria na punong opisyal ng templo ng Dios.

14Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Dios, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog. 15Ang matatapat niyang katulong ay sina Eden, Miniamin, Jeshua, Shemaya, Amaria, at Secanias. Pumunta sila sa mga bayan na tinitirhan ng mga pari na kanilang kadugo at ipinamahagi sa kanila ang kanilang bahagi sa mga handog, ayon sa kanilang grupo at tungkulin, bata man o matanda. 16Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taong gulang pataas ang edad, na pumupunta sa templo para gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo. Kasama na rin ang mga paring hindi nakalista sa talaan ng mga angkan ng mga pari. 17Sila at ang mga pari na nakalista sa talaan ng mga angkan ay binigyan ng kanilang bahagi, at ganoon din ang mga Levita na nasa 20 taong gulang pataas, na naglilingkod ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo. 18Binigyan din ang mga pamilya ng mga Levita – ang kanilang mga asawa, mga anak, pati ang maliliit nilang anak. Ginawa ito sa lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan. Sapagkat matapat din sila sa paglilinis ng kanilang sarili. 19Tungkol naman sa mga pari na angkan ni Aaron, na nakatira sa mga bukirin sa palibot ng mga bayan at sa ibang mga bayan, may mga taong pinagkatiwalaan na mamigay ng kanilang bahagi at sa bahagi ng lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan.

20Ganoon ang ginawa ni Hezekia sa buong Juda. Ginawa niya ang mabuti at ang tama, at naging tapat siya sa harapan ng Panginoon na kanyang Dios. 21Naging matagumpay siya, dahil sa lahat ng ginawa niya sa templo ng Dios at sa pagsunod niya sa kautusan, dumulog siya sa kanyang Dios nang buong puso.