创世记 8 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

创世记 8:1-22

洪水消退

1上帝眷顾挪亚及方舟里的野兽和牲畜,使风吹在大地上,水便开始消退。 2深渊的泉源和天上的水闸都关闭了,大雨也停了。 3地上的洪水慢慢消退,过了一百五十天,水退下去了。 4七月十七日,方舟停在亚拉腊山上。 5水继续消退,到十月一日,山顶都露出来了。

6又过了四十天,挪亚打开方舟的窗户, 7放出一只乌鸦。它一直在空中飞来飞去,直到地上的水都干了。 8后来,挪亚放出一只鸽子,以便了解地面的水是否已经消退。 9但遍地都是水,鸽子找不到歇脚的地方,就飞回了方舟,挪亚伸手把鸽子接进方舟里。 10过了七天,挪亚再把鸽子放出去。 11到了黄昏,鸽子飞回来,嘴里衔着一片新拧下来的橄榄叶,挪亚便知道地上的水已经退了。 12等了七天,他又放出鸽子,这一次,鸽子没有回来。

13挪亚六百零一岁那年的一月一日,地上的水干了。挪亚打开方舟的盖观望,看见地面都干了。 14到了二月二十七日,大地完全干了。 15上帝对挪亚说: 16“你与妻子、儿子和儿媳可以出方舟了。 17你要把方舟里的飞禽走兽及爬虫等所有动物都带出来,让它们在地上多多繁殖。” 18于是,挪亚与妻子、儿子和儿媳都出了方舟。 19方舟里的飞禽走兽和爬虫等所有地上的动物,都按种类出了方舟。

挪亚献祭

20挪亚为耶和华筑了一座坛,在上面焚烧各种洁净的牲畜和飞鸟作为燔祭。 21耶和华闻到这燔祭的馨香,心想:“虽然人从小就心存恶念,但我再不会因为人的缘故而咒诅大地,再不会毁灭一切生灵。 22只要大地尚存,播种收割、夏热冬寒、白昼黑夜必永不停息。”

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 8:1-22

Ang Pagbaba ng Baha

1Hindi kinalimutan ng Dios si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig. 2Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan. 3Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw. 4At nang ika-17 araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat. 5Patuloy ang pagbaba ng tubig. At nang unang araw ng ikasampung buwan, nakikita na ang tuktok ng mga bundok.

6Pagkalipas ng 40 araw mula ng panahon na nakita na ang tuktok ng mga bundok, binuksan ni Noe ang bintana ng barko 7at pinakawalan ang isang uwak. At ang uwak na itoʼy parooʼt paritong lumilipad hanggang sa patuloy na pagbaba ng tubig. 8Pinakawalan din ni Noe ang isang kalapati para malaman niya kung bumaba na ang tubig, 9pero walang madapuan ang kalapati dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Kaya bumalik na lamang ang kalapati kay Noe sa barko. Pinadapo ni Noe ang kalapati sa kamay niya at pinapasok sa barko. 10Pinalipas muna ni Noe ang pitong araw at muli niyang pinakawalan ang kalapati. 11Gabi na nang bumalik ang kalapati na may dalang sariwang dahon ng olibo sa kanyang tuka. Kaya nalaman ni Noe na bumaba na ang tubig. 12Pinalipas muli ni Noe ang pitong araw pa at muli niyang pinakawalan ang kalapati, pero hindi na ito bumalik.

13Noong unang araw ng unang buwan tuluyan nang bumaba ang tubig. Si Noe ay 601 taong gulang na noon. Binuksan niya ang takip ng barko at nakita niya na tuyo na ang lupa. 14Nang ika-27 araw ng ikalawang buwan, tuyong-tuyo na talaga ang lupa sa buong mundo.

15Sinabi agad ng Dios kay Noe, 16“Lumabas na kayong lahat sa barko. 17Palabasin nʼyo rin ang lahat ng hayop para dumami sila at mangalat sa buong mundo.” 18Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang asawa, mga anak na lalaki at mga manugang niya. 19Lumabas din ang lahat ng hayop: mga lumalakad, lumilipad at gumagapang. Magkakasama sila ayon sa kani-kanilang uri.

Naghandog si Noe

20Gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon. Pagkatapos, kumuha siya ng isa sa bawat uri ng hayop na malinis8:20 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog o, kainin. pati rin sa bawat uri ng mga ibon na malinis, at sinunog niya ito sa altar bilang handog sa Panginoon. 21Nang naamoy ng Panginoon ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam kong makasalanan ang tao mula nang bata pa siya. Hindi ko na talaga muling lilipulin ang lahat ng nabubuhay katulad ng aking ginawa noon. 22Habang nagpapatuloy ang mundo, may panahon ng pagtatanim at pag-ani. May taglamig at may tag-init, may tag-ulan at may tag-araw, at may araw at may gabi.”