创世记 27 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

创世记 27:1-46

以撒为儿子祝福

1以撒年老的时候,眼睛昏花,几乎看不见。他把大儿子以扫叫来,说:“我儿啊!”以扫说:“我在这里。” 2以撒说:“我年老了,不知道还能活多久。 3现在,带着你的弓箭去田野为我打些野味来, 4照我喜欢的口味,做成美食给我吃,以便我在死前给你祝福。”

5利百加听见了以撒跟儿子以扫说的话。以扫出去打猎后, 6利百加就对她儿子雅各说:“我听见你父亲对你哥哥以扫说, 7‘你去打些野味回来,做成美食给我吃,以便我死之前在耶和华面前给你祝福。’ 8现在,孩子,你要听我的话,照我的吩咐去做。 9你到羊群里选两头上好的山羊羔,我好照你父亲喜爱的口味做成美食, 10由你拿去给他吃,让他死前为你祝福。”

11雅各对母亲利百加说:“哥哥以扫浑身是毛,我的皮肤光滑。 12如果父亲用手摸我,一定会发觉我骗他,那时候我不但得不到祝福,反会招来咒诅。” 13他母亲利百加对他说:“孩子啊,有咒诅,我来承担。你只管听我的话,把羊羔牵来。”

14于是,雅各把羊牵来交给母亲,他母亲就照他父亲喜爱的口味做成美食。 15利百加又拿了大儿子以扫留在家里最好的衣服,给小儿子雅各穿上, 16再用山羊皮把雅各光滑的手和脖子都包起来, 17然后把做好的美味和饼交给雅各

18雅各来到父亲跟前,叫了一声:“父亲。”以撒回答说:“我在这里,孩子,你是谁?” 19雅各对父亲说:“我是你的大儿子以扫,你吩咐我的事,我已经办好了。请你坐起来,吃我打的野味,然后给我祝福。” 20以撒对他说:“孩子,你怎么这么快就打到野味了?”雅各回答说:“因为你的上帝耶和华让我碰见好机会。” 21以撒说:“孩子,过来,让我摸摸看你是不是我儿以扫。” 22雅各挨到父亲跟前,以撒摸着他说:“声音是雅各的声音,手却是以扫的手。” 23因为雅各手上有毛,与他哥哥以扫的手一样,以撒分辨不出来,就给他祝福。 24以撒又问:“你真是我的儿子以扫吗?”雅各回答说:“是。” 25以撒便说:“把野味拿给我,我吃了你打的野味就为你祝福。”雅各递上野味,以撒吃了;雅各又拿酒给他喝,他也喝了。 26以撒对他说:“孩子,你过来亲吻我。” 27雅各就挨上前去亲了父亲。以撒闻到他衣服上的气味,就祝福他说:

“我儿子的香气就像蒙耶和华赐福之田地的香气。

28愿上帝赐你天上的甘霖、肥沃的土地并丰富的五谷和新酒。

29愿万民都臣服于你,

万国都向你下拜。

愿你成为你弟兄的主人,

愿你母亲的儿子向你下拜。

咒诅你的,愿他受咒诅;

祝福你的,愿他蒙祝福。”

以扫求父亲祝福

30雅各接受了以撒的祝福才刚离开,他的哥哥以扫就打猎回来了。 31以扫把野味煮好,拿到父亲跟前,说:“父亲,请起来吃你儿子煮的野味,然后给我祝福。” 32他父亲以撒问道:“你是谁?”以扫回答说:“我是你的长子以扫。” 33以撒大为震惊,说:“你没有来之前,拿野味来给我吃的是谁呢?我已经吃了,也给那人祝福了,他将来必蒙祝福。”

34以扫听了放声痛哭,说:“父亲啊,求你也为我祝福!” 35以撒说:“你弟弟已经用诡计把你的福分夺去了。” 36以扫说:“怪不得他叫雅各,他已经骗了我两次,先前把我长子的名分夺去,现在又夺去我的福分!”接着他对父亲说:“难道你没有留下别的祝福可以给我吗?”

37以撒以扫说:“我已经立他做你的主人,使他的众弟兄做他的仆人,并给他五谷和新酒。孩子啊,我还能为你做什么呢?” 38以扫对父亲说:“父亲啊,你只有一个祝福吗?父亲啊,求你也为我祝福!”以扫又放声大哭。 39以撒对他说:

“你住的地方必远离肥沃的土地,

也不会有天上的甘霖。

40你必倚靠刀剑生活,

又必服侍你的弟弟。

到你无法忍受的时候,

你必挣脱颈上的重轭。”

雅各逃往舅父家

41以扫因为父亲把祝福给了雅各,就对雅各怀恨在心,暗自思量说:“父亲已经不久人世,他死后,我要把雅各杀掉!” 42以扫的计谋传到利百加耳中。她就派人把雅各叫来,对他说:“你哥哥以扫想要杀你泄愤! 43孩子,听我的话,现在就逃到哈兰你舅舅拉班那里, 44与他住些日子,一直住到你哥哥的气消了。 45等他气消了,忘了你对他所做的事,我会派人接你回来。我何必在一天之内失去你们两个呢?” 46利百加以撒说:“我被这些人女子烦死了。如果雅各也像以扫一样娶那些人女子为妻,我活着还有什么意思呢?”

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 27:1-46

Binasbasan ni Isaac si Jacob

1Matandang matanda na si Isaac at halos hindi na makakita. Isang araw, tinawag niya ang panganay niyang anak na si Esau. Sinabi niya, “Anak.” Sumagot si Esau, “Narito po ako ama.” 2Sinabi ni Isaac, “Matanda na ako at hindi magtatagal ay mamamatay na ako. 3Mabuti pang kunin mo ang pana mo. Pumunta ka sa bukid at mangaso ka para sa akin. 4Pagkatapos, ipagluto mo ako ng paborito kong pagkain at dalhin mo agad ito para makakain ako. At babasbasan kita bago ako mamatay.”

5Nakikinig pala si Rebeka habang kausap ni Isaac si Esau. Kaya nang pumunta si Esau sa bukid para mangaso, 6kinausap ni Rebeka ang anak niyang si Jacob, “Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau na 7mangaso at agad siyang ipagluto ng paborito niyang pagkain. Sapagkat bago raw siya mamatay babasbasan niya si Esau sa presensya ng Panginoon. 8Kaya anak, sundin mo ang iuutos ko sa iyo: 9Pumunta ka sa mga hayop natin at kumuha ka ng dalawang matabang batang kambing, at ipagluluto ko ang iyong ama ng paborito niyang pagkain. 10Pagkatapos, dalhin mo ito sa kanya para basbasan ka niya bago siya mamatay.”

11Pero sinabi ni Jacob sa kanyang ina, “Alam naman po ninyo na balbon si Esau at ako namaʼy hindi. 12Baka hawakan po ako ni ama at malaman niyang niloloko ko lang siya at sumpain po niya ako sa halip na basbasan.”

13Sumagot si Rebeka, “Anak, ako ang mananagot kung susumpain ka niya, basta gawin mo lang ang iniuutos ko sa iyo. Lumakad ka na at dalhan mo ako ng kambing.”

14Kaya kumuha si Jacob ng dalawang kambing at dinala niya sa kanyang ina, at niluto ni Rebeka ang paboritong pagkain ni Isaac. 15Pagkatapos, kinuha niya ang pinakamagandang damit ni Esau na nasa bahay nila at ipinasuot kay Jacob. 16Nilagyan niya ng balat ng kambing ang braso ni Jacob pati ang leeg nito na hindi balbon. 17Pagkatapos, ibinigay niya kay Jacob ang pagkain at ang tinapay na niluto niya.

18Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!”

Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?” 19Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko para mabasbasan nʼyo po ako.”

20Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Dios.”

21Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko para mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”

22Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob pero ang braso mo ay parang kay Esau.” 23Hindi nakilala ni Isaac si Jacob, dahil ang braso niya ay balbon din katulad ng kay Esau.

Bago niya basbasan si Jacob, 24nagtanong pa siya, “Ikaw ba talaga si Esau?”

Sumagot si Jacob, “Opo, ako nga po.”

25Sinabi ni Isaac, “Sige nga, dalhin mo rito ang niluto mo mula sa pinangaso mo, at pagkatapos kong kumain ay babasbasan kita.”

Kayaʼt binigyan siya ni Jacob ng makakain at maiinom, at kumain siya at uminom. 26Pagkatapos, sinabi ni Isaac sa kanya, “Lumapit ka sa akin, anak, at hagkan mo ako.”

27Lumapit si Jacob sa kanya at hinagkan ang kanyang ama. Nang maamoy ni Isaac ang damit nito, binasbasan niya agad si Jacob na nagsasabi,

“Ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng bukid na binasbasan ng Panginoon.

28Nawaʼy bigyan ka ng Dios ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya,27:28 hamog na biyaya niya: sa literal, hamog ng langit. para maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.

29Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo ang maraming tao.

Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo at magpasakop sila sa iyo.

Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din,

at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din.”

Nagmakaawa si Esau na Basbasan din Siya

30Pagkatapos basbasan ni Isaac si Jacob, lumakad agad si Jacob. Kaaalis lang niya ay dumating naman agad si Esau mula sa pangangaso. 31Nagluto rin siya ng masarap na pagkain at dinala niya sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko para mabasbasan po ninyo ako.” 32Nagtanong si Isaac sa kanya, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak.” 33Nang marinig ito ni Isaac, nanginig siya at sinabi, “Sino kaya ang unang nangaso at nagdala rito sa akin ng pagkain? Katatapos ko lang kainin iyon nang dumating ka. Ibinigay ko na sa kanya ang aking basbas at hindi ko na iyon mababawi.”

34Pagkarinig nito ni Esau, umiyak siya nang labis. Sinabi niya, “Ama, basbasan nʼyo rin po ako!”

35Pero sumagot si Isaac, “Niloko ako ng nakababatang kapatid mo at nakuha na niya ang basbas ko na para sana sa iyo.”

36Sinabi ni Esau, “Pangalawang beses na ito na niloko niya ako. Kaya pala Jacob27:36 Jacob: Ang ibig sabihin, manloloko. ang pangalan niya. Kinuha na niya ang karapatan ko bilang panganay at ngayon, kinuha pa niya ang basbas na para sa akin.” Pagkatapos, nagtanong siya, “Ama, wala na po bang natitirang basbas na para sa akin?”

37Sumagot si Isaac, “Ginawa ko na siya na maging iyong amo at ginawa ko rin ang lahat ng kamag-anak niya na maging mga alipin niya. Ibinigay ko na sa kanya ang saganang pagkain at inumin. Kaya ano pa ang maibibigay ko para sa iyo anak?”

38Nagmakaawa pa si Esau sa kanyang ama, “Ama, wala na po bang kahit isang basbas? Basbasan nʼyo rin po ako.” At patuloy ang kanyang paghagulgol.

39Sinabi ni Isaac sa kanya,

“Hindi aani ng sagana ang lupaing titirhan mo,

at palagi itong walang hamog na biyaya ng Dios.

40Palagi kang makikipaglaban,

at maglilingkod ka sa iyong kapatid.

Pero kung lalaban ka sa kanya,

makakalaya ka sa kanyang kapangyarihan.”

41Kinapootan ni Esau si Jacob dahil sa basbas na ibinigay ng kanyang ama kay Jacob. Sinabi ni Esau sa kanyang sarili, “Malapit nang mamatay si ama; kapag namatay na siya, papatayin ko si Jacob.”

42Pero nabalitaan ni Rebeka ang balak ni Esau, kaya ipinatawag niya si Jacob at sinabi, “Ang kuya mong si Esau ay balak kang patayin para mawala ang galit niya sa iyo. 43Kaya makinig ka sa sasabihin ko: Tumakas ka at pumunta sa Haran, doon sa kapatid kong si Laban. 44Doon ka muna hanggang mawala ang galit ng iyong kuya, 45at makalimutan na niya ang iyong ginawa sa kanya. Ipapasundo na lang kita roon kapag hindi na siya galit sa iyo. Hindi ko hahayaang mawala kayong dalawa sa akin, baka isang araw magpatayan kayo.”

Pinapunta ni Isaac si Jacob kay Laban

46Ngayon, sinabi ni Rebeka kay Isaac, “Nagsasawa na ako sa buhay ko dahil sa mga asawang Heteo ni Esau. Kung ang magiging asawa ni Jacob ay taga-rito rin lang na isang babaeng Heteo mabuti pang mamatay na lang ako.”