列王纪上 6 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 6:1-38

建造圣殿

1所罗门在做以色列王的第四年二月,即西弗月,开始为耶和华建殿。那时正是以色列人离开埃及后第四百八十年。 2所罗门王为耶和华建造的殿长二十七米,宽九米,高十三米半。 3殿前的门廊和殿一样宽九米,深四米半。 4殿有精致的窗户。 5靠殿墙、围着外殿和内殿又造了三层厢房, 6底层宽二点二五米,中层宽二点七米,上层宽三点一米。厢房的横梁都搭在殿墙突出的地方,免得插入殿墙。 7建殿的石头都在采石场凿好了,建殿的时候听不到锤子、斧头或其他铁器的响声。

8底层厢房的进口在殿的南面,沿着一道螺旋楼梯可以通到第二层和第三层。 9殿建成后,殿顶装上香柏木的梁木和木板。 10靠着殿墙所造的厢房每一层高二点二五米,用香柏木的梁木与殿墙接连起来。

耶和华的约

11耶和华对所罗门说: 12“关于你所建的这殿,若你遵行我的律例,顺从我的典章,谨守我的一切诫命,我必实现我对你父亲大卫的应许。 13我必住在以色列人当中,不抛弃我的以色列子民。”

14所罗门建造的殿落成了。 15殿里的墙壁和天花板都铺上了香柏木,地面都铺上了松木板。 16在殿的后部,从地面至天花板用香柏木板隔出长九米的内殿,就是至圣所。 17在至圣所外面是外殿,长十八米。 18殿内全部铺上香柏木,不露一点石头,香柏木上刻着野瓜和花朵的图案。 19殿的至圣所用来安放耶和华的约柜。 20至圣所长、宽和高都是九米,里面全贴上纯金,香柏木造的祭坛也包上纯金。 21殿内全部贴上纯金,至圣所前面有金链拦着。 22殿内都贴上纯金,至圣所内的祭坛也都包上纯金。

23至圣所里面放着两个橄榄木造的基路伯天使,各高四米半, 24各有两个二点二五米长的翅膀,双翅展开,两翅尖相距四点五米。 25两个基路伯的大小和形状一模一样, 26高度都是四点五米。 27他将两个基路伯安在至圣所内,两个基路伯展开翅膀,各有一个翅膀在至圣所的中央相接,另一个翅膀的尖端触到墙壁。 28这两个基路伯天使也包上金。

29内殿和外殿的墙壁都刻上基路伯天使、棕树和花朵的图案, 30地板是铺金的。 31至圣所的门、门楣和门柱都是橄榄木造的,门柱呈五角形。 32两扇用橄榄木造的门上都刻着基路伯天使、棕树和花朵的图案,并包上金。 33外殿的四角形门柱也是用橄榄木造的, 34两扇门是松木造的,每一扇门都分为可折叠的两片, 35上面刻着基路伯天使、棕树和花朵的图案,并包上金。 36内院的墙是由三层凿好的石头和一层香柏木建的。

37耶和华的殿在所罗门执政第四年的西弗月奠基, 38在他执政的第十一年的布勒月,即八月全部按规格建成,历经七年。

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 6:1-38

Ang Pagpapatayo ni Solomon ng Templo

1Sinimulan ni Solomon ang pagpapatayo ng templo ng Panginoon nang ikalawang buwan, ang buwan ng Ziv, sa ikaapat na taon ng paghahari niya sa Israel. Ika-480 taon iyon ng paglaya ng mga Israelita sa Egipto. 2Ang templo na ipinatayo ni Haring Solomon para sa Panginoon ay 90 talampakan ang haba, 30 talampakan ang luwang at 45 talampakan ang taas. 3Ang luwang ng balkonahe ng templo ay 15 talampakan, at ang haba ay 30 talampakan na katulad mismo ng luwang ng templo. 4Nagpagawa rin si Solomon ng mga bintana sa templo. Mas malaki ang sukat nito sa loob kaysa sa labas.

5Nagpagawa rin siya ng mga kwarto sa mga gilid at likod ng templo. Ang mga kwartong ito ay may tatlong palapag at nakadugtong sa pader ng templo. 6Ang luwang ng unang palapag ay pitoʼt kalahating talampakan, siyam na talampakan ang pangalawang palapag at ang pangatlong palapag naman ay sampuʼt kalahating talampakan. Ang pader ng templo ay unti-unting numinipis sa bawat palapag upang maipatong ang mga kwarto sa pader nang hindi na kailangan ng mga biga.

7Nang ipinatayo ang templo, ang mga bato na ginamit ay tinabas na sa pinagkunan nito, kaya wala nang maririnig na pukpok ng martilyo, pait o anumang gamit na bakal.

8Ang daanan papasok sa unang palapag ay nasa bandang timog ng templo. May mga hagdan papuntang pangalawa at pangatlong palapag. 9Nang nailagay na ang mga dingding ng templo, pinalagyan ito ni Solomon ng kisame na ang mga tabla ay sedro. 10At ang mga kwarto sa mga gilid at likod ng templo, na ang taas ay pitoʼt kalahating talampakan, na nakakabit sa templo ay ginamitan din ng mga kahoy na sedro.

11Sinabi ng Panginoon kay Solomon, 12-13“Kung tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos, tutuparin ko rin sa pamamagitan mo ang ipinangako ko kay David na iyong ama. Maninirahan ako kasama ng mga Israelita sa templong ito na iyong ipinatayo at hindi ko sila itatakwil.”

14Natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo.

Ang mga Ipinagawa sa Loob ng Templo

(2 Cro. 3:8-14)

15Ang dingding sa loob ng templo ay natatakpan ng tablang sedro mula sa sahig hanggang sa kisame, at ang sahig ay kahoy na sipres. 16Nagpagawa si Solomon ng dalawang kwarto sa loob ng templo sa pamamagitan ng paglalagay ng dibisyon mula sa sahig hanggang kisame. Ang ginamit na dibisyong tabla ay sedro. Ang kwarto sa bandang likod ng templo ay tinawag na Pinakabanal na Lugar at ang haba nito ay 30 talampakan. 17Ang haba naman ng kwarto sa labas ng Pinakabanal na Lugar ay 60 talampakan. 18Ang buong dingding sa loob ng templo ay natatakpan ng tablang sedro kaya hindi makita ang mga bato sa dingding. May mga inukit din ditong mga bulaklak at mga gumagapang na halaman.

19Inihanda ni Solomon ang Pinakabanal na Lugar sa loob ng templo para mailagay ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. 20Ang kwartong ito ay kwadrado; ang haba, luwang at taas ay pare-parehong 30 talampakan. Ang mga dingding at kisame nito ay pinatakpan ni Solomon ng purong ginto at ganoon din ang altar na gawa sa kahoy ng sedro. 21Ang ibang bahagi ng loob ng templo ay pinatakpan din niya ng purong ginto. Nagpagawa siya ng gintong kadena at ipinatali niya ito ng pahalang sa daanan na papasok sa Pinakabanal na Lugar. 22Kaya natatakpan lahat ng ginto ang loob ng templo, pati na ang altar na nasa loob ng Pinakabanal na Lugar.

23Nagpalagay si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin6:23 kerubin: Isang uri ng anghel. na gawa sa kahoy na olibo, na ang bawat isa ay 15 talampakan ang taas. 24-26Ang dalawang kerubing ito ay magkasinglaki at magkasinghugis. Ang bawat isa ay may dalawang pakpak, at bawat pakpak ay may habang pitoʼt kalahating talampakan. Kaya ang haba mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng isa pang pakpak ay 15 talampakan. 27Pinagtabi ito ni Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar na nakalukob ang mga pakpak. Ang isa nilang pakpak ay nagpapang-abot, at nakatutok sa gitna ng kwarto. At ang kabilang pakpak naman ay nakasayad sa dingding. 28Pinatakpan din ni Solomon ng ginto ang dalawang kerubin.

29Ang lahat ng dingding sa dalawang kwarto ng templo ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga bulaklak na nakabukadkad. 30Kahit ang sahig sa dalawang kwarto ay pinatakpan din niya ng ginto.

31Ang daanan papasok sa Pinakabanal na Lugar ay may dalawang pinto na gawa sa kahoy ng olibo at lima ang gilid ng mga hamba nito. 32Ang mga pintong ito ay pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga namumukadkad na bulaklak, at pinabalutan ng ginto.

33Ang daanan papasok sa templo ay pinagawan din ni Solomon ng parihabang mga hamba na gawa sa kahoy na olibo. 34May dobleng pinto din ito na gawa sa kahoy na sipres at ang bawat isa nito ay may dalawang hati na maaaring itiklop. 35Pinaukitan din ito ni Solomon ng mga kerubin, mga palma at mga namumukadkad na bulaklak, at maayos na binalutan ng ginto.

36Ipinagawa rin niya ang loob ng bakuran ng templo. Napapaligiran ito ng pader na ang bawat tatlong patong ng mga batong tinabas ay pinatungan ng kahoy na sedro.

37Inilagay ang pundasyon ng templo ng Panginoon nang ikalawang buwan, na siyang buwan ng Ziv, noong ikaapat na taon ng paghahari ni Solomon. 38Natapos ang templo nang ikawalong buwan, na siyang buwan ng Bul, noong ika-11 taon ng paghahari ni Solomon. Pitong taon ang pagpapatayo ng templo, at sinunod ang mga detalye nito ayon sa plano.