列王纪上 5 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 5:1-18

预备建造圣殿

1泰尔希兰素来与大卫修好,他听说以色列人膏立了所罗门继承大卫的王位,就遣使者来见所罗门2所罗门也派人去见希兰,说: 3“你知道,我父大卫因周围战事连连,未能为他的上帝耶和华建殿,要等到耶和华使仇敌伏在他脚下后再建。 4现在我的上帝耶和华使我四境太平,内外无忧, 5我想为我的上帝耶和华建殿,因为耶和华曾对我父大卫说,‘我必使你的儿子继承你的王位,他必为我的名建殿。’ 6请你命人为我砍伐黎巴嫩的香柏木。我会派人帮助你的人,并按你的要求付你的人工钱。因为你知道,我们没有人像西顿人那样善于砍伐树木。”

7希兰听了所罗门的话后,非常高兴,说:“今天当赞美耶和华!祂赐给大卫一个有智慧的儿子治理这伟大的民族。” 8他派人回复所罗门说:“我已收到你派人带来的口信。我一定会照你的心愿提供香柏木和松木。 9我的工人会将这些木料从黎巴嫩扎成木筏,经海道运到你指定的地点。木筏拆散以后,你就可以点收了。你也要成全我的心愿,供应我家食粮。” 10于是,希兰供应所罗门需用的香柏木和松木, 11所罗门每年供应希兰四百四十万升麦子和四千四百升橄榄油。 12耶和华照着应许赐给所罗门智慧。他跟希兰修好,缔结盟约。

13所罗门王从以色列征集了三万劳工, 14派他们每月轮班到黎巴嫩工作,每班一万人,在黎巴嫩一个月,在家两个月。亚多尼兰做他们的总管。 15所罗门又征用了七万名搬运工,八万名在山上凿石的匠人。 16此外,他还派了三千三百名监工,监督工人做工。 17他们按照王的命令在山上凿出珍贵的巨石,用来作殿的根基。 18于是,所罗门希兰的工匠及迦巴勒人凿好石头,备好木料,准备建殿。

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 5:1-18

Ang Paghahanda sa Pagpapatayo ng Templo

(2 Cro. 2:1-18)

1Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tyre at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagpadala siya ng mga opisyal kay Solomon. 2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:

3“Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng templo para sa Panginoon na kanyang Dios dahil palagi siyang nakikipaglaban sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban. 4Pero ngayon ay binigyan ako ng Panginoon na aking Dios ng kapayapaan sa paligid, wala na akong mga kalaban at wala na ring panganib. 5Kaya naisip ko na magpatayo na ng templo para sa karangalan ng Panginoon na aking Dios, ayon sa sinabi ng Panginoon sa aking amang si David. Ito ang kanyang sinabi, ‘Ang iyong anak, na ipapalit ko sa iyo bilang hari ang siyang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.’

6“Kaya iutos mo sa iyong mga tauhan na pumutol ng mga puno ng sedro sa Lebanon para sa akin. Patutulungin ko sa kanila ang mga tauhan ko at uupahan ko ang mga tauhan mo ayon sa gusto mo. At alam mo rin na wala talaga kaming tao na mahusay pumutol ng mga puno tulad ng mga tauhan mong Sidoneo.”

7Tuwang-tuwa si Hiram nang matanggap niya ang mensahe ni Solomon. Sinabi niya, “Purihin natin ang Panginoon sa araw na ito, dahil binigyan niya si David ng matalinong anak para pamahalaan ang makapangyarihang bansang ito!” 8Kaya nagpadala si Hiram ng mensahe kay Solomon na nagsasabi:

“Natanggap ko ang ipinadala mong mensahe, at ibibigay ko sa iyo ang mga kailangan mong kahoy na sedro at sipres.5:8 sipres: o, “pine tree.” 9Hahakutin ito ng mga tauhan ko mula sa Lebanon hanggang sa dagat at gagawin nila itong parang balsa, at palulutangin papunta sa lugar na pipiliin mo. At doon ito kakalagin ng mga tauhan ko at kayo na ang bahalang kumuha nito. Bilang kabayaran, bigyan mo ako ng pagkain para sa mga tauhan ko sa palasyo.”

10Pinadalhan nga ni Hiram si Solomon ng lahat ng kahoy na sedro at sipres na kailangan niya. 11At pinadalhan naman ni Solomon si Hiram ng 60,000 sakong trigo at 110,000 galong langis ng olibo bawat taon. 12Binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan ayon sa kanyang ipinangako. Maganda ang relasyon nina Solomon at Hiram, at gumawa sila ng kasunduan na hindi sila maglalaban.

13Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang 30,000 tao mula sa buong Israel. 14Pinagpangkat sila ayon sa bilang na 10,000 bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito. 15May 70,000 tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at 80,000 tao na tagatabas ng bato sa kabundukan. 16Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador. 17At sa utos niya, nagtabas sila ng malalakiʼt magagandang uri ng bato para sa pundasyon ng templo. 18Kaya inihanda ng mga tauhan nina Solomon at Hiram, kasama ng mga taga-Gebal,5:18 Gebal: Kinalaunan, ang lugar na ito ay tinatawag na Biblos. ang mga bato at mga kahoy para sa pagpapatayo ng templo.