列王纪上 15 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 15:1-34

亚比央做犹大王

1尼八的儿子耶罗波安王执政第十八年,亚比央登基做犹大王, 2他在耶路撒冷执政三年,母亲是押沙龙的女儿玛迦

3亚比央和他父亲一样作恶多端,没有像他祖先大卫一样忠于他的上帝耶和华。 4但他的上帝耶和华因为大卫的缘故,仍然让他儿子在耶路撒冷继位,使耶路撒冷坚立。 5除了乌利亚事件以外,大卫一生都做耶和华视为正的事,没有违背耶和华的任何命令。

6罗波安耶罗波安之间常有战事,一直延续到亚比央王朝。 7亚比央耶罗波安之间也常有战事。亚比央其他的事及其一切所作所为都记在犹大的列王史上。 8亚比央与祖先同眠后葬在大卫城,他儿子亚撒继位。

亚撒做犹大王

9耶罗波安以色列王第二十年,亚撒登基做犹大王, 10他在耶路撒冷执政四十一年。他祖母是押沙龙的女儿玛迦11亚撒效法他祖先大卫,做耶和华视为正的事。 12他从国中驱逐了男庙妓,清除了他祖先制造的一切神像。 13亚撒还废除了他祖母玛迦的太后之位,因为她造了可憎的亚舍拉神像。亚撒把她的神像砍倒,放在汲沦溪烧掉。 14虽然他没有拆毁丘坛,但他一生忠于耶和华。 15他又把他父亲和他自己所献上的金银和器皿都带到耶和华的殿里。

16亚撒以色列巴沙之间常有争战。 17以色列巴沙上来攻打犹大,他修筑拉玛城,企图隔断犹大亚撒与外界的联系。 18于是,亚撒把耶和华殿里和王宫库房里剩余的金银交给臣仆,派他们送给大马士革亚兰王,即他伯利们的儿子、希旬的孙子便·哈达,说: 19“我们之间应立盟约,像我们的父亲之间立约一样,现在奉上金银为礼,请你取消与以色列巴沙立的盟约。这样,他就会从我境内退兵。” 20便·哈达接受了亚撒王的提议,派将领攻打以色列的城邑,攻占了以云亚伯·伯·玛迦基尼烈全境和拿弗他利全境。 21巴沙闻讯,就停止修筑拉玛,退回得撒去了。 22亚撒王令全国的犹大人出动,将巴沙修筑拉玛城的石头和木材搬走,用来修建便雅悯迦巴米斯巴23亚撒其他的事迹、功业和他兴建的城邑都记在犹大的列王史上。亚撒年老的时候,患了脚疾。 24他与祖先同眠后,葬在大卫城他的祖坟里。他儿子约沙法继位。

拿答做以色列王

25亚撒犹大王第二年,耶罗波安的儿子拿答登基做以色列王,执政两年。 26拿答像他父亲一样作恶多端,行耶和华视为恶的事,使以色列人陷入罪中。 27-28亚撒犹大王第三年,拿答以色列军围攻非利士基比顿城时,以萨迦支派亚希雅的儿子巴沙叛变,杀了拿答,篡位称王。 29巴沙一做王,立刻诛杀耶罗波安全家,无一幸免,应验了耶和华借祂仆人——示罗亚希雅所说的话。 30这是因为耶罗波安犯罪,并使以色列人陷入罪中,惹以色列的上帝耶和华发怒。 31拿答其他的事及其一切所作所为都记在以色列的列王史上。 32亚撒以色列巴沙执政期间,双方常常争战。

巴沙做以色列王

33犹大亚撒执政第三年,亚希雅的儿子巴沙得撒登基做以色列王,执政二十四年。 34他步耶罗波安的后尘,做耶和华视为恶的事,使以色列人陷入罪中。

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 15:1-34

Ang Paghahari ni Abijah sa Juda

(2 Cro. 13:1–14:1)

1Noong ika-18 taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abijah. 2Sa Jerusalem tumira si Abijah, at naghari siya sa loob ng tatlong taon. Ang ina niya ay si Maaca na apo15:2 apo: Si Maaca ay anak ni Uriel na asawa ni Tamar. Si Tamar naman ay anak ni Absalom. Ganito rin sa talatang 10. ni Absalom.15:2 Absalom: sa Hebreo, Abisalom, na siya ring si Absalom.

3Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Dios; hindi tulad ni David na kanyang ninuno. 4Pero dahil kay David, niloob ng Panginoon na kanyang Dios, na patuloy na magmumula sa angkan niya ang maghahari15:4 niloob ng Panginoon … ang maghahari: sa literal, binigyan siya ng Panginoon na kanyang Dios ng ilaw. sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanyang trono upang pangunahan at patatagin ang Jerusalem. 5Dahil ginawa ni David ang matuwid sa paningin ng Panginoon, at noong nabubuhay pa siya, hindi siya sumuway sa utos ng Panginoon, maliban lang sa ginawa niya kay Uria na Heteo.

6-7Gayon pa man, palagi pa ring naglalaban sina Rehoboam at Jeroboam. At nang huli, sina Abijah naman at Jeroboam ang naglaban. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Abijah, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 8Nang mamatay si Abijah, inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Asa sa Juda

(2 Cro. 15:16–16:6, 11-14)

9Naging hari ng Juda si Asa noong ika-20 taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel. 10Sa Jerusalem tumira si Asa at naghari siya sa loob ng 41 taon. Ang lola niya ay si Maaca na apo ni Absalom. 11Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon, katulad ni David na kanyang ninuno. 12Pinalayas niya sa Juda ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng aliw sa mga lugar na pinagsasambahan nila, at ipinatanggal ang lahat ng dios-diosang ipinagawa ng kanyang mga ninuno. 13Pati ang lola niyang si Maaca ay inalis niya sa pagkareyna dahil nagpagawa ito ng kasuklam-suklam na posteng simbolo ng diosang si Ashera. Ipinaputol ni Asa ang mga simbolong ito at ipinasunog sa Lambak ng Kidron. 14Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, nanatili pa rin siyang tapat sa Panginoon sa buong buhay niya. 15Dinala niya sa templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at ang iba pang mga bagay na inihandog niya, at ng kanyang ama sa Panginoon.

16Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasha na hari ng Israel. 17Nilusob ni Haring Baasha ng Israel ang Juda, at pinalibutan niya ng pader ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda. 18Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben Hadad ng Aram15:18 Aram: o, Syria. doon sa Damascus kung saan ito nakatira. Si Ben Hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion. 19Ito ang mensahe ni Asa kay Ben Hadad: “Gumawa tayo ng kasunduan tulad ng ginawa ng mga magulang natin. Tanggapin mo ang mga regalo ko sa iyo na ginto at pilak. Hinihiling kong tigilan mo na ang pagkampi kay Haring Baasha ng Israel para pabayaan na niya ako.”

20Pumayag si Ben Hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel Bet Maaca, ang buong Kineret at ang buong Naftali. 21Nang mabalitaan ito ni Baasha, pinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama, at bumalik siya sa Tirza. 22Pagkatapos, nag-utos si Haring Asa sa lahat ng taga-Juda na kunin ang mga bato at mga troso na ginamit ni Baasha sa pagpapatayo ng pader ng Rama. At ginamit naman ito ni Haring Asa sa pagpatayo ng pader ng Geba sa Benjamin at ng Mizpa.

23Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Asa, at ang kanyang mga tagumpay at ang lahat ng kanyang mga ginawa, pati na ang mga lungsod na ipinatayo niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Nang matanda na si Asa, nagkasakit siya sa paa. 24At nang mamatay siya, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ng kanyang ninunong si David. At ang anak niyang si Jehoshafat ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Nadab sa Israel

25Naging hari ng Israel si Nadab na anak ni Jeroboam noong ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Naghari si Nadab sa Israel sa loob ng dalawang taon. 26Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa pamumuhay ng kanyang ama at sa kasalanang ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

27Ngayon, si Baasha na anak ni Ahia, na mula sa lahi ni Isacar ay nagbalak ng masama laban kay Nadab. Ipinapatay ni Baasha si Nadab habang sinasalakay ni Nadab at ng buong Israel ang Gibeton, na isang bayan ng mga Filisteo. 28Ang pagpatay ni Baasha kay Nadab ay nangyari noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Baasha ang pumalit kay Nadab bilang hari. 29Nang magsimulang maghari si Baasha, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa. Nangyari ito ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahia na taga-Shilo. 30Dahil nagalit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, kay Jeroboam sa mga kasalanang ginawa niya, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. 32Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasha.

Ang Paghahari ni Baasha sa Israel

33Naging hari ng Israel si Baasha na anak ni Ahia noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Sa Tirza tumira si Baasha, at naghari siya roon sa loob ng 24 na taon. 34Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa pamumuhay ni Jeroboam at sa kasalanan na ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.