列王纪上 11 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 11:1-43

所罗门背弃上帝

1除了埃及公主以外,所罗门王还宠爱许多外邦女子,有摩押人、亚扪人、以东人、西顿人和人。 2耶和华曾告诉以色列人不可跟这些外族人通婚,免得受引诱去随从他们的神明,所罗门却迷恋这些女子。 3他有七百个妻子,都是外国的公主,还有三百个妃嫔。这些女子使他的心背弃耶和华。 4所罗门年老的时候,他的嫔妃诱惑他的心去追随别的神明。他没有像他父亲大卫那样忠心顺服他的上帝耶和华。 5所罗门西顿人的女神亚斯她录亚扪人的可憎神明米勒公6他做了耶和华视为恶的事,没有像他父亲大卫那样忠心顺服耶和华。 7耶路撒冷东面的山上,所罗门摩押人可憎的神明基抹亚扪人可憎的神明摩洛修建丘坛。 8他又为所有的外邦妃嫔修建丘坛,供她们向自己的神明烧香献祭。

9-10所罗门背弃了曾两次向他显现的以色列的上帝耶和华,违背耶和华的命令去随从别的神明。所以,耶和华向他发怒, 11说:“你既然违背我的命令,不遵守我的约和律例,我必夺走你的国,将它赐给你的一个臣仆。 12然而,因你父大卫的缘故,我不会在你有生之年这样做,我要从你儿子手中把国夺走。 13但我不会全部夺走,为了我仆人大卫和我拣选的耶路撒冷,我会留下一个支派给你儿子。”

所罗门的敌人

14耶和华使以东王的后裔哈达兴起,与所罗门为敌。 15从前大卫征讨以东,元帅约押前去埋葬阵亡的人,将以东的男子都杀了。 16他率领以色列人在那里住了六个月,直到杀光了以东的男子。 17那时,哈达年纪还小,他和他父亲的几个以东臣仆一起逃往埃及18他们从米甸逃到巴兰,在那里招聚了一些人,然后又逃到埃及去见埃及王法老。法老赐他粮食、房屋和田地。 19法老非常喜欢哈达,将王后答比妮的妹妹许配给他。 20他们生了一个儿子,取名基努拔,由王后在宫中抚养,跟王子们在一起。 21后来,哈达知道大卫已与祖先同眠,约押元帅也死了,就求法老准他回国。 22法老问他:“你为什么要回国呢?你在我这里还缺什么吗?”哈达答道:“什么都不缺,但还是求王准我回国。” 23上帝又使以利亚大的儿子利逊兴起,与所罗门为敌。这人从他主人琐巴哈大底谢身边逃走后, 24招聚了一群匪徒,自己做头目。大卫征服琐巴人后,他又前往大马士革,在那里做王。 25所罗门活着的时候,哈达利逊不断为患。利逊统治亚兰,他憎恨以色列人。

耶罗波安叛变

26所罗门的一个臣仆耶罗波安也叛变了。他是以法莲支派洗利达尼八的儿子,母亲洗鲁阿是个寡妇。 27以下是他反叛所罗门的缘由:

当年所罗门建造米罗堡,修补大卫城的城墙时, 28发现年轻的耶罗波安勤奋能干,就提拔他监管约瑟家族的一切工程。

29有一次,耶罗波安出了耶路撒冷,在路上遇见身披新衣的示罗亚希雅先知。当时野外只有他们二人。 30亚希雅将身上的新衣撕作十二片, 31耶罗波安说:“你可以拿十片。以色列的上帝耶和华说,‘我必夺走所罗门的国,把十个支派赐给你。 32然而,为了我仆人大卫和我在以色列众支派中拣选的耶路撒冷城,我会留下一个支派给所罗门33所罗门背弃了我,去祭拜西顿人的女神亚斯她录摩押的神明基抹亚扪人的神明米勒公。他没有遵行我的道,没有做我视为正的事,也不像他父亲大卫那样遵守我的律例和典章。 34然而,我不会夺走他整个国,我会让所罗门终生为王,因为我所拣选的仆人大卫遵守我的诫命和律法。 35我必从他儿子手中把国夺走,将十个支派赐给你, 36只给他儿子留下一个支派,好使我仆人大卫有后裔留在我选为居所的耶路撒冷城。 37我要让你做王,使你如愿地统治以色列38若你像我仆人大卫一样听从我的一切吩咐,遵行我的道,做我视为正的事,遵守我的律例诫命,我就与你同在,巩固你的王朝,像巩固大卫的王朝一样,使你统治以色列39所罗门的所作所为,我必让大卫的后裔遭难,但不会永远如此。’”

40所罗门想杀耶罗波安,他就逃到埃及投奔埃及示撒,在那里一直住到所罗门过世。

41所罗门的其他事迹、作为和智慧都记在所罗门记上了。 42所罗门耶路撒冷统治以色列四十年, 43他与祖先同眠后葬在他父亲大卫的城里。他儿子罗波安继位。

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 11:1-43

Ang mga Asawa ni Solomon

1Maraming dayuhang babae ang inibig ni Haring Solomon. Bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Ammonita, Edomita, Sidoneo at Heteo. 2Sinabi na sa kanya ng Panginoon na ang mga Israelita ay hindi dapat mag-asawa mula sa mga bansang iyondahil mahihimok lang sila ng mga ito na sumamba sa ibang mga dios. Pero umibig pa rin si Solomon sa mga babaeng ito. 3May 700 asawa si Solomon na puro mga prinsesa, at may 300 pa siyang asawang alipin. Ang mga asawa niya ang nagpalayo sa kanya sa Dios. 4Nang matanda na siya, nahimok siya ng kanyang mga asawa na sumamba sa ibang mga dios. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Dios; hindi tulad ng ama niyang si David. 5Sumamba siya kay Ashtoret, ang diosa ng mga Sidoneo at kay Molec,11:5 Molec: sa Hebreo, Milcom. Ganito rin sa talatang 33. ang kasuklam-suklam na dios ng mga Ammonita. 6Sa pamamagitan nito, nakagawa si Solomon ng masama sa paningin ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.

7Nagpagawa si Solomon ng sambahan sa matataas na lugar,11:7 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. sa bandang silangan ng Jerusalem, para kay Kemosh, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Moabita. Nagpagawa rin siya ng sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na dios ng mga Ammonita. 8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga dios-diosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga dios-diosan nila.

9Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses. 10Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumunod sa ibang mga dios, hindi pa rin sumunod si Solomon sa kanya. 11Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo. 12Pero dahil sa iyong amang si David hindi ko ito gagawin habang buhay ka pa. Gagawin ko ito sa panahon nang paghahari ng iyong anak. 13Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kanya, magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”

Ang mga Kaaway ni Solomon

14Pinahintulutan ng Panginoon na may kumalaban kay Solomon. Siya ay si Hadad na taga-Edom, na mula sa angkan ng isa sa mga hari ng Edom. 15Noong una, nang nakipaglaban si David sa Edom, si Joab na kumander ng mga sundalo ni David ay pumunta roon sa Edom para ilibing ang mga namatay sa labanan. At nang naroon na siya, pinatay niya at ng mga tauhan niya ang lahat ng lalaki sa Edom. 16Anim na buwan silang nanatili roon. Hindi sila umalis hanggang sa mapatay nila ang lahat ng mga lalaki roon. 17Pero si Hadad, na bata pa noon ay tumakas papunta sa Egipto kasama ng ibang mga opisyal na taga-Edom na naglingkod sa kanyang ama. 18Umalis sila sa Midian at pumunta sa Paran. At kasama ng ibang mga taga-Paran, pumunta sila sa Egipto at nakipagkita sa Faraon, ang hari ng Egipto. Binigyan ng hari si Hadad ng bahay, lupa at pagkain.

19Nagustuhan ng Faraon si Hadad, kaya ibinigay niya ang hipag niya kay Hadad para maging asawa nito, kapatid ito ng kanyang asawang si Reyna Tapenes. 20Kinalaunan, nanganak ng lalaki ang asawa ni Hadad at pinangalanan nila siyang Genubat. Si Tapenes ang nagpalaki sa bata roon sa palasyo. Tumira ang bata roon kasama ng mga anak ng Faraon.

21Nang naroon na si Hadad sa Egipto, nabalitaan niya na patay na si David at si Joab na kumander ng mga sundalo. Sinabi ni Hadad sa Faraon, “Hayaan nʼyo na po akong umuwi sa aking bansa.” 22Nagtanong ang Faraon, “Bakit? Ano pa ba ang kulang sa iyo rito at gusto mo pang umuwi sa inyo?” Sumagot si Hadad, “Wala po; basta pauwiin nʼyo na lang po ako.”

23May isa pang tao na pinahintulutan ng Dios na kumalaban kay Solomon. Ito ay si Rezon na anak ni Eliada. Lumayas siya sa kanyang amo na si Haring Hadadezer ng Zoba, 24at naging pinuno siya ng mga rebeldeng tinipon niya. Nang matalo ni David ang mga sundalo ni Hadadezer, pumunta si Rezon at ang mga tauhan niya sa Damascus. Sinakop nila ang lugar na ito at doon tumira. 25Naging hari si Rezon ng Aram,11:25 Aram: o, Syria. at kinalaban niya ang Israel. Naging kalaban siya ng Israel habang buhay pa si Solomon. Dinagdagan pa niya ang kaguluhan na ginawa ni Hadad sa Israel.

Nagrebelde si Jeroboam kay Solomon

26Isa pa sa mga kumalaban kay Solomon ay si Jeroboam na isa sa mga opisyal niya. Galing siya sa lungsod ng Zereda sa Efraim. Ang ama niyang si Nebat ay patay na, pero ang kanyang ina na si Zerua ay buhay pa. 27Ito ang nangyari kung paano siya nagrebelde sa hari: Pinatabunan noon ni Solomon ng lupa ang mababang bahagi ng bayan ng ama niyang si David at ipinaayos ang mga pader nito. 28Maabilidad na tao si Jeroboam at nang mapansin ni Solomon ang kanyang kasipagan, itinalaga niya itong tagapamahala ng lahat ng tao na pinilit magtrabaho mula sa lahi ni Efraim at ni Manase.11:28 lahi ni Efraim at ni Manase: sa literal, sambahayan ni Jose.

29Isang araw, habang palabas si Jeroboam sa Jerusalem, sinalubong siya ni propetang Ahia na taga-Shilo. Bago ang suot na balabal ni Ahia. Silang dalawa lang ang naroon sa kapatagan. 30Hinubad ni Ahia ang balabal niya at pinunit ito sa 12 bahagi. 31Pagkatapos, sinabi niya kay Jeroboam, “Kunin mo ang sampung piraso nito, dahil ganito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: ‘Kukunin ko ang kaharian ni Solomon at ibibigay sa iyo ang sampung lahi nito. 32Ngunit alang-alang kay David na aking lingkod at sa lungsod ng Jerusalem na aking hinirang sa lahat ng lungsod ng Israel, ititira ko ang isang lahi kay Solomon. 33Gagawin ko ito dahil itinakwil niya11:33 niya: Itoʼy ayon sa mga teksto ng Septuagint, Vulgate at Syriac; sa Hebreo, nila. ako at sinamba si Ashtoret, ang diosa ng mga Sidoneo, si Kemosh, ang dios ng mga Moabita at si Molec, ang dios ng mga Ammonita. Hindi siya sumunod sa aking mga pamamaraan at hindi siya namuhay nang matuwid sa aking paningin. Hindi siya tumupad sa aking mga tuntunin at mga utos; hindi tulad ng ama niyang si David. 34Pero hindi ko kukunin ang buong kaharian kay Solomon. Maghahari siya sa buong buhay niya dahil sa pinili kong lingkod na si David, na tumupad sa aking mga utos at mga tuntunin. 35Kukunin ko ang kaharian sa kanyang anak na papalit sa kanya bilang hari, at ibibigay ko ang sampung lahi nito sa iyo. 36Bibigyan ko ng isang lahi ang kanyang anak para ang angkan ni David na aking lingkod ay magpapatuloy sa paghahari sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili para parangalan ako. 37At ikaw naman ay gagawin kong hari ng Israel. Pamamahalaan mo ang lahat ng gusto mo. 38Kung tutuparin mo ang lahat ng iuutos ko sa iyo at susunod ka sa pamamaraan ko, at kung gagawa ka nang mabuti sa aking harapan sa pamamagitan ng pagtupad ng aking mga tuntunin at mga utos katulad ng ginawa ni David na aking lingkod, akoʼy makakasama mo. Mananatili sa paghahari ang iyong mga angkan tulad sa mga angkan ni David. Magiging iyo ang Israel. 39Dahil sa mga kasalanan ni Solomon, parurusahan ko ang mga angkan ni David, pero hindi panghabang buhay.’ ”

40Nang malaman ito ni Solomon, pinagsikapan niyang patayin si Jeroboam, pero tumakas ito at pumunta kay Haring Sishak ng Egipto at doon siya tumira hanggang mamatay si Solomon.

Ang Pagkamatay ni Solomon

(2 Cro. 9:29-31)

41Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, at ang lahat ng ginawa niya, at ang tungkol sa kanyang karunungan ay nakasulat sa Aklat ng mga Gawa ni Solomon. 42Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon. 43Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.