出埃及记 38 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

出埃及记 38:1-31

祭坛、院子和奉献的物品

1比撒列用皂荚木造烧祭物的方形祭坛,长宽各二点三米,高一点三米, 2在坛的四角造四个角状物,与坛连成一体,祭坛外面包上铜。 3他用铜造一切的器具,就是盆、铲、碗、肉叉、火鼎。 4又造了一个铜网,铜网在祭坛围边的下方,向下伸展到祭坛的腰部, 5在铜网的四角铸四个铜环,以便抬坛。 6他用皂荚木做横杠,包上铜, 7把横杠穿在坛边的铜环里,以便抬坛。坛是中空的,用木板制作。

8他用在会幕门口服侍的妇女们的铜镜造铜盆和盆座。

9他用帷幔围成院子,南面的帷幔用细麻线织成,长四十六米。 10帷幔有二十根柱子,二十个带凹槽的铜底座,柱子上的钩子和横杆都是银的。 11北面的帷幔也是长四十六米,柱子、铜底座、钩子、横杆的样式与南面的一样。 12西面的帷幔宽二十三米,有十根柱子和十个带凹槽的底座,钩子和横杆都是银的。 13东面的帷幔也是宽二十三米。 14-15入口两边的两幅帷幔都是宽六点九米,各有三根柱子和三个带凹槽的底座。 16院子四面的帷幔都用细麻线织成。 17柱子带凹槽的底座是铜的,柱子上面的钩和横杆是银的,柱顶包银,院子所有的柱子都用银杆相连。 18院子入口的门帘用蓝色、紫色、朱红色毛线和细麻线绣制,长九米、高二点三米,与院子帷幔的高度一样。 19门帘有四根柱子和四个带凹槽的铜底座,柱子上的钩子和横杆都是银的,柱顶包银。 20圣幕和院子四围所有的橛子都是铜的。 21以上是安放约柜的圣幕中所用的物品,是照摩西的吩咐,由亚伦祭司的儿子以他玛指挥利未人清点的。

22犹大支派户珥的孙子、乌利的儿子比撒列做好了耶和华吩咐摩西预备的一切物品。 23他的助手是支派亚希撒抹的儿子亚何利亚伯,是雕刻家和设计师,并懂得用细麻线和蓝色、紫色、朱红色的线刺绣。

24按圣所的秤计算,建造圣所共用了奉献的金子一吨。 25按圣所的秤计算,从登记的人口所收到的银子是三点四二吨。 26这是所有登记的、年龄在二十岁以上的人所缴纳的银子,共有六十万三千五百五十人,每人交六克银子,以圣所的秤为准。 27铸造圣所带凹槽的底座和帷幔柱子带凹槽的底座共用了三点四吨银子,共铸造了一百个底座,每个底座用了三十四公斤银子。 28剩下的二十公斤银子用来制造柱子上的钩子和横杆以及包柱顶。 29百姓奉献的铜共有二点四吨, 30用来制造会幕入口带凹槽的底座、祭坛、坛上的铜网及一切器具、 31院子周围和院子入口带凹槽的底座以及圣幕、院子周围所有的橛子。

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 38:1-31

Ang Paggawa ng Altar na Pagsusunugan ng mga Handog

(Exo. 27:1-8)

1Gumawa rin sila ng kwadradong altar na pagsusunugan ng handog na sinusunog. Pitoʼt kalahating talampakan ang haba nito, pitoʼt kalahating talampakan din ang lapad, at apat at kalahating talampakan ang taas. 2Nilagyan nila ito ng parang mga sungay sa apat na sulok, na kasama nang ginawa nang gawin ang altar. Binalutan nila ng tanso ang altar. 3Ang lahat ng kagamitan ng altar ay gawa rin sa tanso – ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga. 4Gumawa rin sila ng parilyang tanso para sa altar, at inilagay nila sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa gitna ng altar. 5Gumawa rin sila ng apat na argolyang tanso at ikinabit ito sa apat na sulok ng parilyang tanso. Ang mga argolyang ito ang pagsusuksukan ng mga tukod na pambuhat sa altar. 6Ang mga tukod ay gawa sa kahoy ng akasya at binalutan ng tanso. 7Isinuksok nila ang mga tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar para mabuhat ito. Tabla ang ginawa nilang altar at bakante ang loob.

Ang Paggawa ng Plangganang Hugasan

(Exo. 30:18-21)

8Pagkatapos, gumawa sila ng tansong planggana. Ang patungan nito ay tanso rin. Ang mga tansong ginamit dito ay galing sa tanso na salamin ng mga babaeng naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tipanan.38:8 Toldang Tipanan: na tinatawag din na Toldang Sambahan.

Ang Paggawa sa Bakuran ng Toldang Tipanan

(Exo. 27:9-19)

9Nilagyan nila ng bakuran ang Toldang Tipanan, at pinalibutan nila ito ng mga kurtina na pinong telang linen. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan. 10Ikinabit nila ang kurtina sa 20 haliging tanso na nakasuksok din sa 20 pundasyong tanso. Ang kinabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi. 11Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba at nakakabit ito sa 20 haliging tanso na nakasuksok sa 20 pundasyong tanso. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

12Ang kurtina sa bandang kanluran ay 75 talampakan ang haba, at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok naman sa sampung pundasyon. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi. 13Ang kurtina sa bandang silangan ay 75 talampakan ang haba. 14Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay 22 at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring pundasyon. 15Ang kurtina sa kaliwa ay 22 at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring pundasyon. 16Ang lahat ng kurtina sa palibot ng bakuran ay gawa sa pinong telang linen. 17Tanso ang pundasyon ng mga haligi, at pilak naman ang mga kawit, at mga baras nito. Ang mga ulo ng haligi ay nababalutan ng pilak. Ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran ay may baras na pilak.

18Ang kurtina ng pintuan ng bakuran ay gawa sa pinong telang linen na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube, at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. Ang haba nitoʼy 30 talampakan at pitoʼt kalahating talampakan ang taas, katulad ng taas ng mga kurtina na nakapalibot sa bakuran. 19Ang kurtinang itoʼy nakakabit sa apat na haligi na nakasuksok naman sa apat na pundasyon. Nababalutan ng pilak ang mga kawit at mga baras ng mga haligi at ang mga ulo nito. 20Purong tanso ang lahat ng tulos ng Tolda at ng bakuran sa palibot nito.

Ang mga Materyales na Ginamit sa Pagpapatayo ng Tolda

21Ito ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng Toldang Sambahan, kung saan nakalagay ang malalapad na batong sinulatan ng mga utos ng Dios. Inilista ng mga Levita ang mga materyales na ito ayon sa utos ni Moises. Ang gawaing itoʼy pinamahalaan ni Itamar na anak ni Aaron na pari.

22Ang namamahala sa pagpapatayo ng Tolda ay si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda. Ginawa niya ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 23Katulong niya si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan. Magaling siyang magtrabaho, magdisenyo, at magburda ng pinong telang linen at ng lanang kulay asul, ube at pula.

24Ang kabuuang timbang ng gintong inihandog para gamitin sa paggawa ng Tolda ay 1,000 kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.

25-26Ang kabuuang timbang ng pilak na naipon ay 3,520 kilo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Nanggaling ito sa mga taong nailista sa sensus. Nagbigay ang bawat isa sa kanila ng anim na gramo ng pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. May 603,550 tao na may edad na 20 pataas ang nailista sa sensus. 27Ang 3,500 kilo ng pilak ay ginamit sa paggawa ng 100 pundasyon ng Tolda at ng mga kurtina, 35 kilo bawat pundasyon. 28Ang natirang 20 kilong pilak ay ginawang kawit at baras ng mga haligi, at ibinalot sa ulo ng mga haligi.

29Ang bigat ng tansong inihandog sa Panginoon ay mga 2,500 kilo. 30Ginamit ito sa paggawa ng mga pundasyon ng mga haligi sa pintuan ng Toldang Tipanan. Ang iba ritoʼy ginamit sa paggawa ng altar na tanso, ng parilya nito, at ng lahat ng kagamitan ng altar. 31Ginamit din ang mga tanso sa paggawa ng mga pundasyon ng mga haligi sa palibot ng bakuran at ng pintuan nito, at sa paggawa ng lahat ng tulos ng Tolda at ng mga kurtina sa palibot nito.