出埃及记 33 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

出埃及记 33:1-23

1耶和华对摩西说:“我曾向亚伯拉罕以撒雅各起誓,应许把迦南赐给他们的后代。现在你和你从埃及领出来的百姓要动身去那里。 2我必差遣天使走在你们前面,赶出当地的迦南人、亚摩利人、人、比利洗人、希未人和耶布斯人, 3带你们进入那奶蜜之乡。但我不会跟你们一起去,免得我在途中就把你们灭绝了,因为你们是顽固不化的百姓。”

4百姓听见这坏消息,都非常哀伤,不再佩戴饰物了。 5耶和华对摩西说:“你去向以色列百姓宣布,‘你们这些顽固不化的人,我就是跟你们在一起待一刻,都恐怕会灭绝你们。现在你们要摘下自己身上的饰物,我再决定怎样处置你们。’” 6因此,以色列百姓从何烈山开始就不再佩戴饰物了。

耶和华的会幕

7摩西通常把帐幕支搭在营外离百姓较远的地方,摩西称帐幕为会幕。凡求问耶和华的,都会去那里。 8摩西离营去会幕的时候,百姓就都一同起来,各人站在自己的帐篷门口目送摩西走进会幕。 9摩西进入会幕后,便有云柱降下来,停在会幕门口,耶和华就跟摩西说话。 10每当百姓看见这景象,他们都站在自己的帐篷门口敬拜耶和华。 11在会幕内,耶和华跟摩西面对面说话,好像两个朋友谈话一样。然后,摩西返回营中,但他的年轻助手、的儿子约书亚仍然留在会幕。

耶和华的荣耀

12摩西对耶和华说:“你吩咐我带领这些百姓,却没有告诉我你将要派谁与我同去,只说,‘我凭名字认识你,你在我面前蒙了恩。’ 13我若已经在你面前蒙恩,就求你把你的道路指示我,好让我认识你,继续在你面前蒙恩。求你顾念这些百姓是你的子民。” 14耶和华回答他说:“我必亲自与你同去,使你平安稳妥。” 15摩西说:“你若不与我们同去,就不要让我们离开这里。 16你若不与我们同去,谁会知道我和你的子民在你面前蒙了恩呢?岂不是因为你的同在才使我们不同于地上其他民族吗?”

17耶和华回答说:“我答应你的请求,因为你在我面前蒙了恩,我凭名字认识你。” 18摩西说:“求你向我彰显你的荣耀。” 19耶和华说:“我必叫你看见我一切的美善,我要在你面前宣告我的名——耶和华,我要恩待谁就恩待谁,我要怜悯谁就怜悯谁。 20但你不能看我的脸,因为凡看见的,都不能存活。 21你要站在我旁边的磐石上, 22我的荣耀经过你面前的时候,我会先把你安置在石缝里,用我的手遮掩你,直到我从你面前走过。 23然后我会收回我的手,你就可以看见我的背,但看不到我的脸。”

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 33:1-23

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umalis ka sa lugar na ito kasama ang mga mamamayang inilabas mo sa Egipto, at pumunta kayo sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob. Sinabi ko sa kanila noon na ibibigay ko ang mga lupaing ito sa kanilang mga salinlahi. 2Pauunahin ko ang anghel sa inyo, at itataboy ko ang mga Cananeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hiveo at Jebuseo 3sa lugar na iyon. Kayo lang ang pupunta roon sa maganda at masaganang lupain;33:3 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. hindi ko kayo sasamahan dahil matigas ang mga ulo ninyo, at baka mapatay ko pa kayo habang nasa daan.”

4Nang marinig ng mga tao ang masasakit na salitang ito, labis silang nalungkot at hindi nila isinuot ang kanilang mga alahas. 5Sapagkat, iniutos ng Panginoon kay Moises na sabihin ito sa mga Israelita: “Napakatigas ng ulo ninyo. Kung sasamahan ko kayo kahit na sa sandaling panahon lang, baka mapatay ko pa kayo. Ngayon, hubarin ninyo ang mga alahas ninyo hanggang sa makapagdesisyon ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.” 6Kaya hinubad ng mga Israelita ang mga alahas nila roon sa bundok ng Horeb.

Ang Toldang Tipanan

7Nakaugalian na ni Moises na itayo ang Tolda malayo sa kampo. Ang Toldang itoʼy tinatawag na “Toldang Tipanan.” Pumupunta sa Toldang ito ang sinumang gustong malaman ang kalooban ng Panginoon. 8Sa tuwing papasok si Moises sa Tolda, tumatayo ang mga tao sa pintuan ng mga tolda nila. Tinitingnan nila si Moises hanggang sa makapasok siya sa Tolda. 9At habang naroon si Moises sa loob, bumababa ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda habang nakikipag-usap ang Panginoon sa kanya. 10At kapag nakita ng mga tao ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda, tumatayo sila at sumasamba sa Panginoon sa may pintuan ng tolda nila. 11Kapag nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. Pagkatapos, bumabalik si Moises sa kampo, pero ang binata niyang lingkod na si Josue na anak ni Nun ay nananatili sa Tolda.

Nakita ni Moises ang Makapangyarihang Presensya ng Dios

12Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Lagi po ninyong sinasabi sa akin na pangunahan ko ang inyong mga mamamayan sa pagpunta sa lupaing ipinangako ninyo, pero hindi pa po ninyo ipinapaalam kung sino ang pasasamahin ninyo sa akin. Sinabi pa po ninyo na kilalang-kilala nʼyo ako at nalulugod kayo sa akin. 13Kung totoo pong nalulugod kayo sa akin, turuan nʼyo ako ng mga pamamaraan ninyo para makilala ko kayo at para mas matuwa pa kayo sa akin. Alalahanin po ninyong ang bansang ito ay bayan ninyo.”

14Sumagot ang Panginoon, “Ako mismo ang sasama sa iyo, at bibigyan kita ng kapahingahan.”

15Sinabi ni Moises sa kanya, “Kung hindi po ninyo kami sasamahan, huwag nʼyo na lang po kaming paalisin sa lugar na ito. 16Dahil paano po malalaman ng iba na nalulugod kayo sa akin at sa inyong mga mamamayan kung hindi nʼyo kami sasamahan? At paano po nila malalaman na espesyal kaming mga mamamayan kaysa sa ibang mamamayan sa mundo?”

17Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Gagawin ko ang ipinapakiusap mo, dahil nalulugod ako sa iyo at kilalang-kilala kita.”

18Sinabi ni Moises, “Ipakita po ninyo sa akin ngayon ang makapangyarihang presensya ninyo.”

19Sumagot ang Panginoon, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang Panginoon. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan. 20Pero hindi ko ipapakita sa iyo ang aking mukha dahil walang taong nakakita sa mukha ko nang nabuhay.”

21Sinabi ng Panginoon, “Tumayo ka rito sa bato malapit sa akin. 22At habang dumadaan ang makapangyarihan presensya ko, ipapasok kita sa siwang ng bato at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa makadaan ako. 23Pagkatapos, tatanggalin ko ang kamay ko at makikita mo ang likod ko, pero hindi ang aking mukha.”