但以理书 12 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

但以理书 12:1-13

末日

1“那时,守护你本国人民的天使长米迦勒必出现。将有一段灾难时期,是开国以来从未有过的。那时,你同胞中凡名字记在册子上的,必得拯救。 2许多长眠地下的人必醒过来,有些得到永生,有些蒙受羞辱,永远被憎恶。 3智者必发出光辉,如耀眼的穹苍;引导多人归向公义的人必如闪烁的星辰,直到永永远远。 4但以理啊,这些话要保密,要把这书封起来,直到末了。许多人必四处探究,因而知识必增多。”

5但以理观看,见另有两个人分别站在河的两岸。 6其中一人问身穿细麻衣、站在河水之上的人:“这奇异的事何时才应验呢?” 7我听见身穿细麻衣、站在河水之上的人向天举起双手,凭永活者起誓说:“再过三年半,等摧毁圣民的权势结束时,这一切事都要成就。” 8我听见这话,却不明白,就问他:“我主啊,这些事的结局会怎样呢?” 9他说:“但以理啊,你走吧,因为这些事要保密,要被封起来,一直到末了。 10许多人必被净化、洗涤、炼净。但恶人必依旧作恶,他们无人明白,只有智者能明白。 11从废除日常献的祭、设立带来毁灭的可憎之物算起,必经过一千二百九十天。 12能等候一千三百三十五天的人有福了! 13你要坚持到底。你必得到安息,到了末后的日子,你必起来承受你的产业。”

Tagalog Contemporary Bible

Daniel 12:1-13

Ang Pahayag ng Anghel tungkol sa Huling Panahon

1“Sa panahong iyon,12:1 Sa panahong iyon: Ang huling panahon, ang panahon na mangyayari ang mga sinasabi sa 11:40-45. darating si Micael, ang makapangyarihang pinuno12:1 pinuno: o, anghel. na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Pero ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat.12:1 aklat: listahan ng mga taong may buhay na walang hanggan. 2Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan. 3Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman. 4Pero Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”

5Pagkatapos niyang sabihin iyon, may nakita pa akong dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog. 6Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang linen na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”

7Itinaas ng taong nakadamit ng telang linen ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Dios na buhay magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Dios.”

8Hindi ko naintindihan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?” 9Sumagot siya, “Sige na,12:9 Sige na: sa literal, Alis na. Daniel, hayaan mo na iyon, dahil ang sagot sa tanong moʼy mananatiling lihim at hindi maaaring sabihin hanggang sa dumating ang katapusan. 10Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Pero ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.

11“Lilipas ang 1,290 araw mula sa panahon ng pagpapatigil ng araw-araw na paghahandog at paglalagay ng kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo hanggang sa dumating ang katapusan. 12Mapalad ang naghihintay at nananatili hanggang sa matapos ang 1,335 araw.

13“At ikaw Daniel, ipagpatuloy mo ang iyong gawain. Mamamatay ka, pero bubuhayin kang muli sa mga huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala na inihanda para sa iyo.”