以赛亚书 63 – CCB & TCB

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以赛亚书 63:1-19

主报应列国

1这位身披红衣、

穿着华丽、充满力量、

以东波斯拉阔步而来的是谁呢?

“是宣告公义、

有拯救大能的我。”

2你的衣服为何是红色的,

好像榨酒池中踩踏葡萄者的衣服?

3“我独自在榨酒池踩踏,

万民中无人跟我在一起。

我在愤怒中踩踏他们,

在烈怒中践踏他们;

他们的血溅到我的衣服上,

染红了我的衣服。

4我心中定了报仇的日子,

我救赎我子民之年已经来临。

5我环顾四周,惊讶地看见无人帮助,无人扶持。

于是,在烈怒的推动下,

我用臂膀独自拯救。

6我在愤怒中践踏万民,

让他们饱尝我的烈怒,

把他们的血倒在地上。”

颂赞与祷告

7因耶和华为我们所做的一切,

我要述说祂的慈爱和祂可歌可颂的作为,

述说祂本着怜悯和大爱赐给以色列人的厚恩。

8祂说:“他们的确是我的子民,

不会背叛我。”

因此,祂做他们的救主。

9祂苦他们所苦,

亲自63:9 亲自”希伯来文是“祂面前的天使”。拯救他们。

祂本着慈爱和怜悯救赎了他们,

自古以来一直扶持、照顾他们。

10他们却叛逆,使祂的圣灵忧伤。

于是,祂与他们为敌,

亲自攻击他们。

11后来,他们想起古时候,

想起了摩西和他的百姓,便问,

带领百姓及其牧者摩西从海里出来的那位在哪里?

将自己的圣灵降在他们中间的那位在哪里?

12用荣耀的臂膀扶持摩西

在他们面前把海水分开,

使自己威名永存的那位在哪里?

13带领他们经过大海,

犹如马行平川不会失脚的那位在哪里?

14耶和华的灵使他们得到安歇,

犹如牲畜下到山谷。

耶和华啊,你就是这样引领你的子民,

以树立自己荣耀的名。

15求你从天上垂顾,

从你圣洁、荣耀的居所垂看。

你的热忱和大能在哪里呢?

难道你不再眷爱、怜悯我们吗?

16虽然亚伯拉罕不认识我们,

以色列不承认我们,

但你是我们的父亲。

耶和华啊,你是我们的父亲,

你自古以来就是我们的救赎主。

17耶和华啊!你为何使我们偏离你的路,

使我们硬着心不敬畏你呢?

求你为了你的仆人,

你的产业——以色列各支派而改变心意!

18你的圣民曾短暂地拥有你的圣所,

如今它已被我们的敌人踏平。

19我们如此沦落,

好像从未被你治理过,

从来不属于你。

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 63:1-19

Ang Paghihiganti ng Panginoon

1Sino itong dumarating mula sa Bozra na sakop ng Edom, na ang maganda niyang damit ay namantsahan ng pula? Dumarating siya na taglay ang kapangyarihan.

Siya ang Panginoon na nagpapapahayag ng tagumpay ng kanyang mga mamamayan at may kapangyarihang magligtas. 2Bakit napakapula ng kanyang damit, kasimpula ng damit ng taong nagpipisa ng ubas? 3Sumagot ang Panginoon, “Sa aking galit, pinisa ko na parang ubas ang mga bansa. Mag-isa akong nagpisa; wala akong kasama. Ang dugo nila ay tumalsik sa aking damit; kaya namantsahan ang damit ko. 4Ginawa ko ito dahil dumating na ang araw ng aking paghihiganti sa aking mga kaaway at ililigtas ko ang aking mga mamamayan. 5Nagtaka ako dahil nakita kong wala kahit isa ang tumulong sa akin. Kaya ako lang ang nagligtas sa aking mga mamamayan sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ang galit ko ang nagtulak sa akin para parusahan ang aking mga kaaway. 6At sa galit ko, tinapakan ko ang mga bansa at pinasuray-suray sila na parang mga lasing. Ibinuhos ko sa lupa ang kanilang dugo.”

Ang Kabutihan ng Panginoon

7Ihahayag ko ang pag-ibig ng Panginoon. Pupurihin ko siya sa lahat ng kanyang ginawa sa atin. Napakarami ng ginawa niya sa atin na mga mamamayan ng Israel dahil sa laki ng kanyang awa at pag-ibig.

8Sinabi ng Panginoon, “Totoo ngang sila ang aking mga mamamayan, silaʼy mga anak kong hindi magtataksil sa akin.” Kung kaya, iniligtas niya sila. 9Sa lahat ng kanilang pagdadalamhati, nagdalamhati rin siya, at iniligtas niya sila sa pamamagitan ng anghel na nagpahayag ng kanyang presensya. Dahil sa pag-ibig niyaʼt awa, iniligtas niya sila. Noong una pa man, inalagaan niya sila sa lahat ng araw. 10Pero nagrebelde sila at pinalungkot nila ang Banal niyang Espiritu. Kung kaya, kinalaban sila ng Panginoon, at silaʼy naging kaaway niya. 11Pero sa huli naalala nila ang mga lumipas na panahon, noong pinalabas ni Moises ang mga mamamayan niya sa Egipto. Nagtanong sila, “Nasaan na ang Panginoon na nagpatawid sa atin63:11 sa atin: o, kay Moises. sa dagat kasama ng ating pinunong si Moises na parang isang pastol ng mga tupa? Nasaan na ang Panginoon na nagpadala sa atin ng kanyang Espiritu? 12Nasaan na ang Panginoon na nagbigay ng kapangyarihan kay Moises, at naghati ng dagat sa ating harapan, para matanyag siya magpakailanman? 13Nasaan na siya na gumabay sa atin nang tumawid tayo sa dagat? Ni hindi tayo natisod katulad ng mga kabayong dumadaan sa malinis na lugar. 14Binigyan tayo ng Espiritu ng Panginoon ng kapahingahan, katulad ng mga bakang pumupunta sa pastulan sa kapatagan.”

Panginoon, pinatnubayan nʼyo po kami na inyong mga mamamayan para parangalan kayo. 15Tingnan nʼyo po kami mula sa langit, na siyang iyong banal at dakilang tahanan. Nasaan na ang inyong pagmamalasakit sa amin, at ang inyong kapangyarihan na ipinakita noon sa amin? Nasaan na ang inyong pag-ibig at awa sa amin? 16Sapagkat kayo ang aming Ama, kahit na hindi kami kilalanin ni Abraham at ni Jacob63:16 Jacob: sa Hebreo, Israel. na kanilang lahi. Totoo, Panginoon, kayo ang aming Ama, ang aming Tagapagligtas mula pa noon.

17Panginoon, bakit nʼyo kami pinahintulutang mapalayo sa inyong mga pamamaraan? Bakit pinatitigas nʼyo ang aming mga puso na nagbunga ng hindi namin paggalang sa inyo? Magbalik po kayo sa amin, dahil kami ay mga lingkod nʼyo at tanging sa inyo lamang. 18Sa maikling panahon, ang mga mamamayan ninyo ang nagmay-ari ng inyong templo. At ngayon, giniba na ito ng aming mga kaaway. 19Kami ay inyo mula pa noon, pero itinuring nʼyo kaming hindi sa inyo, at parang hindi nʼyo pinamumunuan.