Chinese Contemporary Bible (Simplified)

歌罗西书 1:1-29

1我是奉上帝旨意做基督耶稣使徒的保罗2提摩太弟兄写信给歌罗西的圣徒,就是忠于基督的弟兄姊妹。

愿我们的父上帝赐给你们恩典和平安!

感恩与祷告

3-4我们听说了你们对基督耶稣的信心和对众圣徒的爱心,为你们祷告的时候,常常感谢我们主耶稣基督的父上帝。 5你们能有这样的信心和爱心是因为那给你们存在天上的盼望,就是你们从前从福音真道中听到的盼望。 6这福音不但传到了你们那里,也传到了世界各地,并且开花结果,信主的人数不断增长,正如你们当初听了福音,因为明白真理而认识上帝的恩典后的情形。 7这福音是你们从我们亲爱的同工以巴弗那里得知的。他代表我们1:7 我们”有古卷作“你们”。做基督的忠仆, 8并把圣灵赐给你们的爱心告诉了我们。

9因此,从听到你们的消息那天起,我们便不断地为你们祷告,求上帝使你们在一切属灵的智慧和悟性上完全明白祂的旨意, 10以便你们行事为人对得起主,凡事蒙祂喜悦,在一切良善的事上结出果实,对上帝的认识不断增加。 11愿上帝以祂荣耀的权能使你们刚强,无论遇到什么事都能长久忍耐, 12欢喜地感谢天父,因祂使你们有资格跟众圣徒在光明中同享基业。 13祂把我们从黑暗的权势下拯救出来,带进祂爱子的国度里。 14我们借着祂的爱子蒙救赎,罪过得到赦免。

基督超越一切

15基督是那不能看见之上帝的真像,超越1:15 超越”或译“先存于”,希腊文是“长子”,常用来指地位上的优越或时间上的优先。一切受造之物。 16因为万物都是借着祂创造的,天上的、地上的、有形的、无形的、做王的、统治的、执政的、掌权的,一切都是借着祂也是为了祂而创造的。 17祂存在于万物之前,万物都靠祂而维系。 18祂是教会的头,教会是祂的身体;祂是源头,是首先从死里复活的,这样祂可以在一切事上居首位。 19因为上帝乐意让一切的丰盛住在祂里面, 20又借着祂在十字架上所流的血成就了和平,使天地万物借着祂与上帝和好。

21你们从前与上帝隔绝,行事邪恶,心思意念与祂为敌; 22但现在上帝借着基督肉身的死使你们与祂和好了,让你们在祂面前成为圣洁无瑕、无可指责的人。 23只是你们必须恒心持守所信的道,根基稳固,坚定不移,不要失去你们听到福音后所得到的盼望。这福音传给了天下万民。我保罗也做了这福音的使者。

保罗为教会受苦

24现在我因能够为你们受苦而欢喜,并且我是为基督的身体——教会的缘故,在自己身上补满基督未受的苦难。 25我受上帝的委派成为教会的仆人,要把上帝的道完整地传给你们。 26这道是历世历代一直隐藏的奥秘,现在已经向祂的众圣徒显明了。 27上帝要他们知道这奥秘在外族人中有何等丰富的荣耀,这奥秘就是基督在你们里面,使你们有荣耀的盼望。 28我们传扬基督,用各样的智慧劝诫、教导众人,使他们在基督里长大成熟,好把他们带到上帝面前。 29为此,我按着祂在我身上运行的大能尽心竭力,不辞劳苦。

Tagalog Contemporary Bible

Colosas 1:1-29

1Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios, kasama si Timoteo na kapatid natin.

2Mahal kong mga taga-Colosas, pinabanal1:2 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. Ganito rin sa talatang 4, 12, at 26. at matatapat na kapatid na nakay Cristo:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama.

Ang Panalangin ni Pablo para sa mga Taga-Colosas

3Lagi kaming nagpapasalamat sa Dios na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa tuwing nananalangin kami para sa inyo. 4Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya nʼyo bilang mga nakay Cristo Jesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga pinabanal ng Dios, 5dahil umaasa kayong makakamtan ninyo ang mga inilaan para sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita. 6At ang Magandang Balitang itoʼy lumalaganap at lumalago sa buong mundo, katulad ng nangyari sa inyo noong una ninyong marinig at maunawaan ang katotohanan tungkol sa biyaya ng Dios. 7Natutunan nʼyo ito kay Epafras na minamahal namin at kapwa lingkod ng Panginoon. Isa siyang tapat na lingkod ni Cristo, at pumariyan siya bilang kinatawan namin. 8Siya ang nagbalita sa amin tungkol sa pag-ibig nʼyo na ibinigay ng Banal na Espiritu.

9Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, patuloy namin kayong ipinapanalangin. Hinihiling namin sa Dios na bigyan nawa kayo ng karunungan at pang-unawang mula sa Banal na Espiritu para lubusan ninyong malaman ang kalooban niya. 10Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay. At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Dios. 11Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan. 12At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makabahagi sa mamanahin ng mga pinabanal niya, ang manang nasa kinaroroonan ng kaliwanagan. 13Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. 14At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

Ang Kadakilaan ni Cristo

15Si Cristo ang larawan ng di-nakikitang Dios, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. 18Si Cristo ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pinagmulan1:18 pinagmulan: o, nagpasimula. nito, ang unang nabuhay sa mga patay, para maging pinakadakila siya sa lahat. 19Sapagkat minabuti ng Dios na ang pagka-Dios niya ay manahan nang lubos kay Cristo, 20at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo1:20 dugo: Ang ibig sabihin, pagkamatay. ni Cristo sa krus.

21Noong una ay malayo kayo sa Dios, at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. 22Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan. 23Pero kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

Ang Paghihirap ni Pablo para sa mga Mananampalataya

24Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap ng katawan ko para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan. 25Itinalaga ako ng Dios na maging tagapaglingkod ng iglesya para lubusang ipahayag ang mensahe niya sa inyo na mga hindi Judio. 26Ito ang lihim niyang plano na hindi inihayag noon sa naunang mga panahon at mga salinlahi, pero ngayon ay inihayag na sa atin na mga pinabanal niya. 27Nais ng Dios na ihayag sa atin ang dakila at kamangha-mangha niyang plano para sa lahat ng tao. At ito ang lihim na plano: Si Cristo ay sumasainyo at ito ang basehan ng pag-asa ninyo na inyong makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap. 28Kaya nga ipinangangaral namin si Cristo sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan at tinuturuan namin ang bawat isa ayon sa karunungang ibinigay sa amin ng Dios. Sa ganoon, maihaharap namin ang bawat isa sa Dios nang ganap sa pakikipag-isa nila kay Cristo. 29At para matupad ito, nagpapakahirap ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.