Chinese Contemporary Bible (Simplified)

撒迦利亚书 6:1-15

四辆马车

1我又举目观看,见有四辆马车从两座铜山之间出来。 2第一辆车套着红马,第二辆车套着黑马, 3第三辆车套着白马,第四辆车套着斑点马,马都很雄壮。 4我问与我说话的天使:“主啊,这些马车是什么意思?” 5天使说:“他们是侍立在天下之主面前的四灵6:5 ”或译“风”。,正在出发。” 6套着黑马的车前往北方,套着白马的车前往西方6:6 前往西方”或译“跟在后面”。,套着斑点马的车前往南方。 7这些雄壮的马出来,迫不及待地要巡察大地。天使说:“你们去巡察大地吧!”它们便遵命而行。 8他又高声对我说:“看啊,那些到北方去的已在那里使我的心得到安慰。”

为约书亚加冕

9耶和华的话传给了我,说: 10“被掳到巴比伦黑玳多比雅耶大雅已经回来了,你要收集他们奉献的金银,并在当天去西番雅的儿子约西亚家。 11要用这些金银制作冠冕,戴在约撒答的儿子约书亚大祭司头上, 12告诉他,万军之耶和华说,‘看啊,那被称为大卫苗裔的要从自己的地方兴起,建造耶和华的殿。 13祂必建造耶和华的殿,带着王者的尊荣坐在宝座上掌权,宝座上也必坐着祭司6:13 宝座上也必坐着祭司”或译“并在宝座上做祭司”。,两者和谐共存。’ 14这冠冕要留在耶和华的殿中,作为对黑玳6:14 黑玳”希伯来文作“希连”。多比雅耶大雅西番雅的儿子约西亚6:14 约西亚”希伯来文作“贤”,意思是“恩慈者”。的纪念。”

15远方的人也要来建造耶和华的殿。那时你们便知道是万军之耶和华差遣我到你们这里来的。你们若全心遵从你们上帝耶和华的话,这事就必成就。

Tagalog Contemporary Bible

Zacarias 6:1-15

Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe

1May nakita pa akong apat na karwahe na lumabas sa pagitan ng dalawang bundok na tanso. 2Ang unang karwahe ay hinihila ng mga pulang kabayo, ang pangalawa ay hinihila ng mga itim na kabayo, 3ang pangatlo ay hinihila ng mga puting kabayo, at ang pang-apat ay hinihila ng mga batik-batik na kabayo. Ang mga kabayo ay pawang malalakas. 4Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga karwaheng iyan?” 5Sumagot ang anghel, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin sa kalawakan6:5 hangin sa kalawakan: o, espiritu sa langit. na paparating mula sa presensya ng Panginoon ng buong mundo. 6Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran.6:6 papunta sa kanluran: sa Hebreo, sumusunod sa kanila. At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”

7Nang papalabas pa lang ang malalakas na kabayo, nagmamadali na silang lumibot sa buong mundo. Sinabi ng anghel6:7 anghel: o, Panginoon. sa kanila, “Sige, libutin na ninyo ang buong mundo.” Kaya nilibot nila ang buong mundo. 8At malakas na sinabi ng Panginoon6:8 Panginoon: o, anghel. sa akin, “Tingnan mo ang mga kabayong patungo sa isang lugar sa hilaga. Sila ang magbibigay ng kapahingahan sa aking Espiritu sa dakong iyon sa hilaga.”

Ang Korona para kay Josue

9Sinabi ng Panginoon sa akin, 10“Kunin mo ang mga regalong pilak at ginto nina Heldai, Tobia, at Jedaya, at pumunta ka agad sa bahay ni Josia na anak ni Zefanias. Silang apat ay nakabalik mula sa Babilonia kung saan sila binihag. 11Ipagawa mong korona ang mga pilak at ginto, at isuot ito sa ulo ng punong pari na si Josue na anak ni Jehozadak. 12-13Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon,6:12-13 lalago … ngayon: sa literal, tutubo sa kanyang pinagtaniman. at itatayo niyang muli ang aking templo. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. Ang pari ay tatayo sa tabi ng kanyang trono6:12-13 tatayo … trono: o, uupo sa kanyang trono. at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’ 14Ang korona ay ilalagay sa aking templo bilang pag-alaala kina Heldai,6:14 Heldai: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Helem. Tobia, Jedaya, at Josia6:14 Josia: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Hen. na anak ni Zefanias.”

15May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Dios.