Chinese Contemporary Bible (Simplified)

彼得前书 1:1-25

1我是耶稣基督的使徒彼得,写信给蒙上帝拣选,寄居在本都加拉太加帕多迦亚细亚庇推尼各地的人。 2你们蒙拣选是按照父上帝预先定好的旨意,借着圣灵得以圣洁,好顺服耶稣基督,并靠祂的血得到洁净。

愿上帝赐给你们丰丰富富的恩典和平安!

活泼的盼望

3愿颂赞归于我们主耶稣基督的父上帝!祂有无穷的怜悯,借着耶稣基督从死里复活使我们获得重生,有活泼的盼望, 4可以承受那不会朽坏、没有污点、不会衰残、为你们存留在天上的产业。 5你们这些因信而蒙上帝用大能保守的人,必能得到那已经预备好、在末世要显明的救恩。

6为此,即使现今你们必须暂时在百般试炼中忍受痛苦,也要满怀喜乐。 7这样,你们的信心经过试验便显明是真实的,比那经过火炼仍会坏掉的金子更加宝贵,使你们可以在耶稣基督显现时得到称赞、荣耀和尊贵。 8你们虽然没有见过基督,却爱祂;虽然现在看不见祂,却信祂,并且有无法形容、充满荣耀的喜乐。 9因为你们得到了信心带来的果效,就是你们的灵魂得救。

10有关这救恩,那些预言恩典要临到你们的众先知早已详细寻求查考了。 11基督的灵曾在他们心中指示他们,预言基督要受苦,然后得荣耀。他们便详细查考这些事会在什么时候、什么情况下发生。 12他们得到启示,知道他们传讲这些事不是为了自己,而是为了你们。现在,那些靠着从天上差来的圣灵向你们传福音的人,已经将这些事传给你们了。连天使也想把这些事看个明白。

要圣洁像主

13所以,要预备好你们的心,谨慎自律,专心盼望耶稣基督显现时要带给你们的恩典。 14你们既是顺服的儿女,就不要再像从前无知的时候那样放纵私欲。 15那呼召你们的是圣洁的,你们在一切事上也要圣洁。 16因为圣经上说:“你们要圣洁,因为我是圣洁的。”

17既然你们称呼那位按各人的行为公正无私地审判人的上帝为父,就应该存着敬畏的心过你们在世上寄居的日子。 18要知道,你们从传统的、没有意义的生活中被救赎出来,不是靠金银等会朽坏的东西, 19而是靠无瑕无疵的代罪羔羊——基督的宝血。 20基督是上帝在创世以前预先拣选的,却在这末世为你们显现。 21你们借着基督信了使祂从死里复活、赐祂荣耀的上帝,所以,你们的信心和盼望都在于上帝。

22你们既因顺服真理,洁净了自己的心,能够真诚地爱弟兄姊妹,就当以清洁的心彼此切实相爱。 23你们获得重生,不是借着会腐烂的种子,而是借着不会腐烂的种子——上帝活泼永存的道。 24因为

“芸芸众生尽如草,

荣华不过草上花;

草必枯干花必残,

25唯有主道永长存。”

这道就是传给你们的福音。

Tagalog Contemporary Bible

1 Pedro 1:1-25

1Mula kay Pedro na apostol ni Jesu-Cristo.

Mahal kong mga pinili ng Dios na nangalat at naninirahan bilang mga dayuhan sa Pontus, Galacia, Capadosia, Asia at Bitinia:

2Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.

May Inihanda ang Dios para sa Atin

3-4Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin. Ang manang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. 5At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.

6Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, 7para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo. 8Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi nʼyo pa siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ipahayag ng bibig, 9dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan. 10Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Dios sa atin. 11Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila, na maghihirap siya bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. 12Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa atin.1:12 atin: sa literal, inyo. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.

Sundin Ninyo ang Dios

13Kaya lagi kayong maging handa na gawin ang kalooban ng Dios. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Jesu-Cristo. 14Bilang masunuring mga anak ng Dios, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios. 15Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. 16Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”1:16 Lev. 11:44, 45; 19:2.

17Walang pinapaboran ang Dios. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito. 18Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, 19kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios. 20Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Dios si Cristo para maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Dios nitong mga huling araw alang-alang sa inyo. 21Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Dios na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Dios, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

22At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Cristo. Magmahalan kayo ng taos-puso, 23dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Dios. 24Ayon sa Kasulatan,

“Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

25ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”1:25 Isa. 40:6-8.

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.