Плач 5 – CARST & TCB

Священное Писание (Восточный перевод), версия для Таджикистана

Плач 5:1-22

Молитва об избавлении

1Вспомни, о Вечный, что случилось с нами,

взгляни и посмотри на бесчестие наше.

2Наследие наше досталось чужим,

дома наши – иноземцам.

3Мы стали сиротами – отца лишились,

матери наши овдовели.

4Воду свою мы пьём за плату,

отдаём деньги за наши же дрова.

5Преследуют нас по пятам,

мы измучены и не находим покоя.

6Мы протягивали руку к Египту и Ассирии,

прося у них хлеба.

7Наши отцы грешили – их уже нет,

а мы несём наказание за их беззакония.

8Рабы господствуют над нами,

и некому вызволить нас из их рук.

9Рискуя своей жизнью, мы добываем хлеб свой,

потому что меч подстерегает нас в пустыне.

10Кожа наша раскалилась от сильного голода,

как будто побывала в печи.

11Женщин бесчестят в Иерусалиме5:11 Букв.: «на Сионе».,

девушек – в городах иудейских.

12Вожди повешены руками захватчиков,

старцев они не уважают.

13Юноши трудятся за жерновами,

и мальчики падают под ношами дров.

14Старцы перестали сидеть у городских ворот,

юноши больше не поют.

15Радость покинула наши сердца,

танцы наши сменились плачем.

16Упал венец с головы нашей;

горе нам, согрешившим!

17Слабеют из-за этого сердца наши,

и мрак затмевает глаза.

18Опустела гора Сион,

и шакалы бродят по ней.

19Ты, о Вечный, – Царь навеки,

престол Твой – из поколения в поколение.

20Почему же Ты до сих пор не вспомнил нас?

Почему оставляешь нас на столь долгое время?

21Верни нас к Себе, Вечный, и мы возвратимся,

обнови наши дни подобно дням, давно миновавшим.

22Или Ты полностью отверг нас,

и гневу Твоему нет меры?

Tagalog Contemporary Bible

Panaghoy 5:1-22

1Panginoon, alalahanin nʼyo po ang nangyari sa amin. Masdan nʼyo ang dinanas naming kahihiyan. 2Kinuha ng mga dayuhan ang mga lupaʼt bahay namin. 3Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina. 4Kinakailangang bayaran pa namin ang tubig na aming iniinom at ang kahoy na aming ipinanggagatong. 5Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga. 6Nagpasakop kami sa mga taga-Egipto at Asiria para magkaroon ng pagkain. 7Ang mga ninuno naming patay na ang nagkasala pero kami ngayon ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan. 8Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay. 9Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sa mga armadong tao sa disyerto. 10Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom, at ang aming katawan ay kasing init ng pugon. 11Pinagsamantalahan ang mga asawa namin sa Jerusalem at ang mga anak naming babae sa mga bayan ng Juda. 12Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda. 13Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilingan at ang mga batang lalaki ay nagkandasuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy. 14Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod para magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika. 15Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, nagdadalamhati kami. 16Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala. 17Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin. 18Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.

19O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. 20Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan? 21Ibalik nʼyo kami sa inyo, at kami ay babalik. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan. 22Talaga bang sobra na ang galit nʼyo sa amin kaya itinakwil nʼyo na kami?