Исход 15 – CARS & TCB

Священное Писание

Исход 15:1-27

Песнь Мусы и Марьям

1Тогда Муса с исраильтянами воспели Вечному эту песню:

«Вечному буду петь –

Он высоко вознесён.

Коня и всадника

бросил Он в море.

2Вечный – моя сила и песнь;

Он стал мне спасением.

Он – мой Бог, я восславлю Его;

Он – Бог отца моего: я Его превознесу.

3Вечный – это воин;

Вечный – имя Ему.

4Колесницы и войско фараона

бросил Он в море.

Лучшие воины египтян

утоплены в Тростниковом море.

5Пучина сомкнулась над ними,

и они канули в бездну, как камень.

6Правая рука Твоя, Вечный,

мощью прославилась.

Правая рука Твоя, Вечный,

сокрушила врага.

7Величием Своей славы

Ты поверг восставших против Тебя.

Возгорелся Твой гнев –

он их, как солому, пожрал.

8Дохнул Ты на воды –

вздыбились они,

встали как стена;

сгустилась пучина морская.

9Хвастался враг:

„Погонюсь, настигну их.

Разделю добычу,

натешусь ею.

Вытащу меч –

истребит их моя рука“.

10Но дохнул Ты Своим вихрем,

и накрыло их море.

Утонули они, как свинец,

в могучих водах.

11Кто из богов подобен Тебе, о Вечный?

Кто подобен Тебе,

величественному в святости,

достойному славы,

творящему чудеса?

12Простёр Ты правую руку,

и поглотила врагов земля.

13Своей нетленной любовью

поведёшь Ты народ, который спас.

Своей силой Ты его направишь

к Своему святому жилищу.

14Народы услышат и затрепещут;

ужас охватит филистимских жителей.

15Устрашатся вожди Эдома,

правители Моава затрепещут,

скроются жители Ханаана –

16страх и ужас падут на них.

Силой Твоей руки

они станут как камень –

пока не пройдёт Твой народ, о Вечный,

пока не пройдёт народ, который Ты приобрёл15:16 Или: «сотворил»..

17Ты приведёшь и поселишь их

на горе Своего достояния –

на том месте, Вечный, которое Ты сделал Себе жилищем,

в том святилище, Владыка, которое Твои руки основали.

18Вечный будет царствовать вовеки!»

19Когда лошади, колесницы и всадники фараона вошли в море, Вечный обрушил на них морские воды. А исраильтяне прошли через море, как по суше. 20Пророчица Марьям, сестра Харуна, взяла бубен, и женщины с бубнами, танцуя, пошли за ней. 21Марьям им пела:

«Вечному пойте –

Он высоко вознесён.

Коня и наездника

бросил Он в море».

Воды Мары и Елима

22Муса повёл исраильтян от Тростникового моря, и они вошли в пустыню Сур. Три дня они шли по пустыне, не находя воды. 23Придя в Мару, они не могли пить воду: она была горькой. (Вот почему это место называется Мара («горечь»).) 24Народ стал роптать на Мусу, говоря: «Что нам пить?»

25Муса взмолился к Вечному, и Вечный показал ему кусок дерева. Муса бросил его в воду, и вода стала пригодной для питья.

Там Вечный дал им установленный закон, чтобы испытать их. 26Он сказал:

– Если вы будете внимательно слушать Мой голос, голос Вечного, вашего Бога, и делать то, что Я хочу, если будете послушны Моим повелениям и сохраните Мои установления, то Я не нашлю на вас ни одного из тех недугов, которые наслал на египтян. Ведь Я – Вечный, Который исцеляет вас.

27Они пришли в Елим, где было двенадцать источников воды и семьдесят пальм. Там они расположились лагерем у воды.

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 15:1-27

Ang Awit ni Moises

1Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa Panginoon:

“Aawitan ko ang Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay.

Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.

2Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas,

at siya ang aking awit.

Siya ang nagligtas sa akin.

Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya.

Siya ang Dios ng aking ama,15:2 ama: o, ninuno. at itataas ko siya.

3Panginoon ang kanyang pangalan, isa siyang mandirigma.

4Itinapon niya sa dagat ang mga karwahe at mga sundalo ng Faraon.

Nalunod ang pinakamagagaling na opisyal ng Faraon sa Dagat na Pula.

5Nalunod sila sa malalim na tubig;

lumubog sila sa kailaliman katulad ng isang bato.

6“Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O Panginoon;

sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway.

7Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo.

Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.

8Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig.

Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader;

natuyo ang malalim na dagat.

9Sinabi ng nagyayabang na kaaway,

‘Hahabulin ko sila at huhulihin;

paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili.

Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’

10Pero sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat.

Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga.

11O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo?

Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan.

Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay!

12Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,15:12 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan: sa literal, Inunat nʼyo ang inyong kanang kamay. nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.

13“Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas.

Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.

14Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot.

Lubhang matatakot ang mga Filisteo.

15Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot,

at ang mga pinuno15:15 pinuno: o, mamamayan. ng Canaan ay hihimatayin sa takot.

16Tunay na matatakot sila.

Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos,

hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.

17Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain,

at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo –

ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon,

ang templong kayo mismo ang gumawa.

18Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”

19Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw. 21Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila:

“Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay.

Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”

Ang Mapait na Tubig

22At dinala ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat na Pula papunta sa ilang ng Shur. Sa loob ng tatlong araw, naglakbay sila sa ilang at wala silang nakitang tubig. 23Nang makarating sila sa Mara, nakakita sila ng tubig, pero hindi nila ito mainom dahil mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.)15:23 Mara: Ang ibig sabihin, mapait. 24Dahil dito, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?”

25Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, at ipinakita ng Panginoon sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig.

Doon ibinigay ng Panginoon ang tuntunin at kautusang ito para subukin ang katapatan nila sa kanya: 26“Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Dios, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Egipcio, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.”

27Dumating sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma, at nagkampo sila malapit sa tubig.