Исход 10 – CARS & TCB

Священное Писание

Исход 10:1-29

Восьмое наказание: саранча

1Вечный сказал Мусе:

– Пойди к фараону. Я сделал его сердце и сердца его приближённых упрямыми, чтобы сотворить среди них знамения, 2чтобы ты мог потом рассказать детям и внукам, как сурово Я поступил с египтянами и как сотворил знамения среди них, и чтобы вы знали, что Я – Вечный.

3Муса и Харун пришли к фараону и сказали ему:

– Так говорит Вечный, Бог евреев: «Когда же, наконец, ты смиришься предо Мной? Отпусти Мой народ поклониться Мне. 4Если ты откажешься, то завтра Я наведу на твою страну саранчу. 5Она покроет землю так, что земли не будет видно. Она сожрёт всё то немногое, что осталось у вас после града, и даже деревья, которые растут у вас в полях. 6Она заполнит твои дворцы, дома твоих приближённых и всех египтян: такого не видели ни твои отцы, ни деды с того дня, как поселились в этой земле, и до сегодняшнего дня».

Муса повернулся и ушёл от фараона. 7Приближённые фараона сказали ему:

– Сколько ещё этот человек будет нас мучить? Отпусти этих людей поклониться Вечному, их Богу. Разве ты всё ещё не видишь, что Египет гибнет?

8Тогда Мусу и Харуна вернули к фараону.

– Пойдите, поклонитесь Вечному, вашему Богу, – сказал он. – Только кто же из вас пойдёт?

9Муса ответил:

– Мы пойдём с детьми и стариками, с сыновьями и дочерьми, с отарами и стадами: ведь у нас праздник Вечному.

10Фараон сказал:

– Если я когда-либо отпущу вас с женщинами и детьми, то Вечный действительно с вами! Но берегитесь, вас ждут большие неприятности10:10 Или: «Ясно, у вас злое намерение».. 11Нет уж! Пусть одни мужчины пойдут поклоняться Вечному, раз вы об этом просите.

И Мусу с Харуном выгнали от фараона.

12Вечный сказал Мусе:

– Протяни руку над египетской землёй, и появится саранча. Она сожрёт всё, что растёт в полях, всё то, что уцелело после града.

13Муса простёр посох над Египтом, и Вечный навёл на землю восточный ветер, который дул весь день и всю ночь. К утру ветер принёс саранчу. 14Она напала на Египет, опустившись на страну в огромном количестве. Такого нашествия саранчи не бывало прежде и не будет впредь. 15Она покрыла всю землю, так что земля почернела. Она сожрала всё, что осталось после града, – всё, что росло в полях, и плоды на деревьях. Ни на дереве, ни на каком другом растении во всём Египте не осталось зелени. 16Фараон спешно позвал Мусу и Харуна и сказал:

– Я согрешил перед Вечным, вашим Богом, и перед вами. 17Простите мой грех всего лишь ещё один раз. Помолитесь Вечному, вашему Богу, чтобы Он избавил меня от этого несчастья.

18Муса ушёл от фараона и помолился Вечному. 19Вечный переменил ветер на очень сильный западный, который подхватил саранчу и унёс в Тростниковое море10:19 Тростниковое море – буквальный перевод с языка оригинала. Среди современных специалистов существуют различные мнения, о каком водоёме здесь идёт речь. Тростниковым морем могли называть как цепи озёр, расположенных на Суэцком перешейке и, вероятно, соединявшихся тогда проливами с Красным морем, так и Суэцкий и Акабский заливы Красного моря (см. карту № 2 и, напр., 3 Цар. 9:26). В Инджиле эти же воды названы Красным морем.. В Египте совсем не осталось саранчи. 20Но Вечный сделал сердце фараона упрямым, и он не отпустил исраильтян.

Девятое наказание: тьма

21Вечный сказал Мусе:

– Подними руку к небу, и на Египет ляжет тьма – осязаемая тьма.

22Муса поднял руку к небу, и непроницаемая тьма покрыла Египет на три дня. 23Люди не могли ни видеть друг друга, ни передвигаться в течение трёх дней. А у исраильтян, там, где они жили, был свет. 24Тогда фараон позвал Мусу и сказал:

– Идите, поклонитесь Вечному. Оставьте здесь лишь ваши отары и стада, а женщины и дети пусть идут с вами.

25Муса ответил:

– Ты должен отпустить с нами скот, чтобы мы принесли жертвы всесожжения и пиршественные жертвы Вечному, нашему Богу! 26Весь наш скот должен пойти с нами, не останется и копыта. И там мы отберём животных для жертвы Вечному, нашему Богу, а пока мы не придём туда, мы не будем знать, каких животных следует принести в жертву Вечному.

27Вечный сделал сердце фараона упрямым, и он не захотел отпускать их. 28Он сказал Мусе:

– Прочь с моих глаз, чтобы я тебя больше не видел! В тот день, когда я тебя снова увижу, ты умрёшь.

29– Верно, – ответил Муса. – Больше ты меня не увидишь.

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 10:1-29

Ang Salot na mga Balang

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon dahil pinatigas ko ang puso niya at ng mga opisyal niya, para patuloy kong maipakita sa kanila ang aking mga himala. 2At para maikuwento ninyo sa mga anak at apo ninyo kung paano ko pinarusahan ang mga Egipcio at kung paano ako gumawa ng mga himala sa kanila. Sa ganitong paraan, malalaman nilang ako ang Panginoon.”

3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon at sinabi sa kanya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, ‘Hanggang kailan ka pa ba magmamataas sa akin? Paalisin mo ang mamamayan ko para makasamba sila sa akin. 4Kung hindi mo sila paaalisin, magpapadala ako ng mga balang sa bansa mo bukas. 5Sa sobrang dami nila, hindi na makikita ang lupa. Kakainin nila ang mga pananim na hindi nasira ng pag-ulan ng yelo, maging ang lahat ng punongkahoy. 6Mapupuno ng balang ang iyong palasyo at ang mga bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo. Wala pang ganitong pangyayari sa kasaysayan ng Egipto mula nang dumating ang inyong mga ninuno hanggang ngayon.’ ” Nang masabi ito ni Moises, umalis na siya.

7Sinabi ng mga opisyal ng Faraon sa kanya, “Hanggang kailan nʼyo pa ba hahayaan ang kalamidad na ito na magparusa sa atin? Paalisin nʼyo na po ang mga Israelita, para makasamba na sila sa Panginoon na kanilang Dios. Hindi nʼyo ba naiisip na nasalanta na ang Egipto?”

8Kaya pinabalik sina Moises at Aaron sa Faraon. Sinabi ng Faraon sa kanila, “Maaari na kayong umalis para makasamba kayo sa Panginoon na inyong Dios. Pero sabihin nʼyo sa akin kung sino ang isasama ninyo sa pag-alis.”

9Sumagot si Moises, “Aalis kaming lahat, bata at matanda. Dadalhin namin ang aming mga anak at mga hayop, dahil lahat kami ay magdaraos ng pista para sa Panginoon.”

10Sinabi ng Faraon nang may pang-iinsulto, “Sanaʼy samahan kayo ng Panginoon kung palalakarin ko kayo at ang pamilya ninyo! Malinaw na masama ang intensyon ninyo dahil tatakas kayo. 11Hindi ako papayag! Ang mga lalaki lang ang aalis para sumamba sa Panginoon kung iyan ang gusto ninyo.” At pinalayas sina Moises at Aaron sa harapan ng Faraon.

12Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong baston sa Egipto para dumating ang mga balang, at kainin ng mga ito ang mga naiwang pananim na hindi nasira nang umulan ng yelo.”

13Kaya itinaas ni Moises ang kanyang baston, at nagpadala ang Panginoon ng hangin mula sa silangan buong araw at gabi. Kinaumagahan, nagdala ang hangin ng napakaraming balang 14at dumagsa ito sa buong Egipto. Hindi pa kailanman nagkaroon ng pagsalakay ng mga balang tulad nito sa buong Egipto at hindi na magkakaroon pang muli. 15Dumagsa ang mga ito sa buong Egipto hanggang sa mangitim ang lupa. Kinain ang mga naiwang pananim na hindi nasira ng mga yelo, pati ang lahat ng bunga ng mga puno. Walang naiwang pananim sa buong Egipto.

16Agad na ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi, “Nagkasala ako sa Panginoon na inyong Dios at sa inyo. 17Patawarin nʼyo akong muli, at manalangin kayo sa Panginoon inyong Dios na tanggalin niya sa akin ang nakakamatay na salot na ito.”

18Umalis si Moises at nanalangin sa Panginoon. 19Sumagot ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng malakas na hangin galing sa kanluran, at inilipad nito ang mga balang sa Dagat na Pula. At wala ni isang balang na naiwan sa Egipto. 20Pero pinatigas pa rin ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi niya pinaalis ang mga Israelita.

Ang Salot na Kadiliman

21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itaas mo ang iyong kamay sa langit para mabalot ng kadiliman ang buong Egipto.” 22Kaya itinaas ni Moises ang kamay niya sa langit, at nagdilim sa buong Egipto sa loob ng tatlong araw. 23Walang lumabas na mga Egipcio sa kani-kanilang bahay dahil hindi nila makita ang isaʼt isa. Pero may liwanag sa lugar na tinitirhan ng lahat ng mga Israelita.

24Ipinatawag ng Faraon si Moises at sinabi, “Sige, sumamba na kayo sa Panginoon. Dalhin ninyo pati na ang inyong pamilya, pero iwan ninyo ang mga hayop.”

25Pero sumagot si Moises, “Kailangan naming dalhin ang mga hayop namin para makapag-alay kami ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon naming Dios. 26Dadalhin namin ang mga hayop namin; walang maiiwan kahit isa sa kanila. Sapagkat hindi namin alam kung anong hayop ang ihahandog namin sa Panginoon. Malalaman lang namin ito kapag naroon na kami.”

27Pero pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi niya sila pinaalis. 28Sinabi ng Faraon kay Moises, “Umalis ka sa harapan ko! Huwag ka na ulit magpapakita sa akin, dahil kung makikita pa kita, ipapapatay kita.”

29Sumagot si Moises, “Kung iyan ang gusto mo, hindi na ako muling magpapakita sa iyo.”