Иеремия 4 – CARS & TCB

Священное Писание

Иеремия 4:1-31

1– Если вернёшься, Исраил, –

возвещает Вечный, –

если вернёшься ко Мне,

удалишь мерзких идолов с глаз Моих

и не будешь больше скитаться,

2если будешь истинно, справедливо и праведно клясться:

«Верно, как и то, что жив Вечный!» –

то народы получат Моё благословение

и прославят Моё имя.

3Так говорит Вечный народу Иудеи и Иерусалима:

– Распашите свою целину

и не сейте среди колючек.

4Обрежьте себя для Вечного,

обрежьте ваши сердца4:4 Люди с необрезанными сердцами – это образное выражение обозначает людей, непокорных Всевышнему.,

народ Иудеи и жители Иерусалима,

а не то вспыхнет, как огонь, Мой гнев,

будет гореть, и никто не потушит –

из-за зла, что вы творите.

Бедствие с севера

5– Объявите в Иудее, возвестите в Иерусалиме и скажите:

«Трубите в рога по всей стране!»

Восклицайте и говорите:

«Собирайтесь! Бежим в укреплённые города!»

6Поднимите знамя, чтобы люди пришли на Сион!

Спасайтесь бегством, не медлите!

Так как с севера Я наведу беду –

лютую гибель.

7Вышел лев из своего логова;

тронулся в путь палач народов.

Он покинул своё место,

чтобы разорить твою землю.

Твои города, Иудея, превратятся в руины,

не останется горожан.

8Так наденьте рубище,

рыдайте и плачьте,

потому что пылающий гнев Вечного

не отвратился от нас.

9– В тот день, – возвещает Вечный, –

у царя и вельмож дрогнет сердце,

ужаснутся священнослужители

и пророков охватит страх.

10И я сказал:

– О Владыка Вечный, как же сильно Ты обманул этот народ и жителей Иерусалима, говоря: «У вас будет мир», тогда как меч приставлен к нашему горлу.

11– В то время этому народу и жителям Иерусалима будет сказано: «Жгучий ветер с голых вершин в пустыне дует в сторону Моего народа, но на нём ни провеять зерна, ни очистить его от сора – 12слишком могуч этот ветер, дующий по Моему повелению. Настал час, когда Я вынесу им приговор».

13Глядите! Он приближается, словно тучи,

как ураган – его колесницы,

кони его быстрее орлов.

Горе нам! Мы погибли!

14Иерусалим, очисти сердце от зла и будешь спасён.

Долго ли таить тебе злые мысли?

15Уже несётся голос от города Дана,

весть о беде с гор Ефраима.

16– Объявите народам,

возвестите Иерусалиму:

«Войска осаждающих идут из дальней земли,

оглашая военным кличем города Иудеи.

17Они окружат Иерусалим, как стражи полей,

потому что он восстал против Меня», –

возвещает Вечный. –

18Твои пути, твои дела

принесли всё это тебе.

Это твоя участь.

От горя разрывается твоё сердце!

19Горе! Горе!

Я корчусь от боли.

Смута в сердце.

Сердце колотится;

я не могу молчать,

потому что слышу звук рога,

слышу боевой клич.

20Беда за бедой;

вся страна опустошена.

В один миг погибли мои шатры,

в мгновение ока – мои палатки.

21Сколько мне ещё смотреть на знамя,

слышать звуки рога?

22– Бестолков Мой народ,

Меня он не знает.

Мой народ – глупые дети;

нет у моих детей разума.

Они мастера совершать зло,

а делать добро не умеют.

Видение опустошения земли

23Я смотрю на землю,

но она пуста и безлика,

и на небеса,

но свет их погас.

24Я смотрю на горы –

они дрожат,

и все холмы колеблются.

25Я смотрю – и нет никого,

и все птицы разлетелись.

26Я смотрю – и пустыней стал плодородный край,

и все города его разрушены перед Вечным,

от Его пылающего гнева.

27Так говорит Вечный:

– Вся земля будет опустошена,

хоть Я и не погублю её полностью.

28Восплачет земля,

и над ней почернеет небо,

потому что Я так сказал и задумал –

не сжалюсь и не отступлюсь.

29От шума всадников и стрелков

разбегаются все жители городов.

Кто подаётся в леса,

кто в горы уходит –

все города оставлены,

нет в них жителей.

30Что же ты делаешь, опустошённая?

Для чего одеваешься в пурпур,

для чего надеваешь золото

и подводишь глаза?

Напрасно ты прихорашиваешься.

Любовники тебя презирают

и хотят отнять у тебя жизнь.

31Слышу крик, будто женщина в родах кричит,

словно стонет рожающая в первый раз, –

слышу крик дочери Сиона4:31 Дочь Сиона – олицетворение Иерусалима. Также в 6:2, 23.,

задыхается она, раскинув руки:

«Горе мне!

Бессильна я перед убийцами».

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 4:1-31

1Sinabi ng Panginoon, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, bumalik ka na. Kung itatakwil mo ang kasuklam-suklam mong mga dios-diosan at hindi ka na hihiwalay sa akin, 2at kung susumpa ka sa pangalan ko lamang at mamumuhay nang tapat, matuwid at tama, magiging pagpapala ka sa mga bansa at pararangalan nila ako.”

3Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem, “Baguhin nʼyo ang inyong mga sarili na para bang nagbubungkal kayo ng inyong lupa na hindi pa nabubungkal. At huwag nʼyong ihasik ang mabuti nʼyong binhi sa mga damong matinik. 4Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa presensya ng Panginoon, kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan nʼyo ang galit kong parang apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan.

Ang Parusang Darating sa Juda

5“Sabihin mo sa Juda at Jerusalem na patunugin nila ang trumpeta sa buong lupain. Isigaw nang malinaw at malakas na tumakas sila at magtago sa mga napapaderang lungsod. 6Balaan mo ang mga taga-Jerusalem4:6 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. na tumakas agad sila dahil magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”

7Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa pinagtataguan nito. Nakaalis na siya sa lugar niya para wasakin ang lupain ninyo. Magigiba ang mga bayan ninyo hanggang sa hindi na ito matirhan. 8Kaya isuot nʼyo na ang damit na panluksa4:8 damit na panluksa: sa literal, sakong damit. at umiyak dahil matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin. 9Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang mga pinuno niya, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.” 10Pagkatapos, sinabi ko, “Panginoong Dios, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Pero ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”

11Darating ang araw na sasabihin ng Panginoon sa mga taga-Jerusalem, “Iihip ang mainit na hangin mula sa ilang patungo sa mga mamamayan ko, pero hindi ito para mapahanginan ang mga trigo nila. 12Ang malakas na hangin na itoʼy galing sa akin. Sasabihin ko ngayon ang parusa ko sa kanila.”

13Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipu-ipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!

14“Mga taga-Jerusalem, linisin ninyo ang kasamaan sa inyong puso para maligtas kayo. Hanggang kailan kayo mag-iisip ng masama? 15Ang kapahamakan ninyoʼy ibinalita na ng mga mensahero mula sa Dan at sa kabundukan ng Efraim. 16Inutusan silang bigyan ng babala ang mga bansa at ang Jerusalem na may mga sundalong sumasalakay mula sa malayong lugar na humahamon ng digmaan sa mga lungsod ng Juda. 17Pinaligiran nila ang Jerusalem na parang mga taong nagbabantay ng bukid, dahil ang Jerusalem ay naghimagsik sa akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 18Ang pag-uugali at masasama nʼyong gawa ang nagdala ng parusang ito sa inyo. Ito ang kaparusahan ninyo. Masakit ito! At tatagos ito sa inyong puso.”

Umiyak si Jeremias para sa Kanyang mga Kababayan

19“Ang sakit sa puso koʼy halos hindi ko na matiis at ganoon na lamang ang pagdaing ko. Kumakabog ang dibdib ko at hindi ako mapalagay. Sapagkat narinig ko ang tunog ng trumpeta at ang sigaw ng digmaan. 20Sunud-sunod na dumating ang kapahamakan. Ang buong lupain ay nawasak. Pati ang tolda koʼy agad na nagiba at napunit ang mga tabing. 21Hanggang kailan ko kaya makikita ang watawat ng digmaan at ang tunog ng trumpeta?”

22Sinabi ng Panginoon, “Hangal ang mga mamamayan ko; hindi nila ako nakikilala. Silaʼy mga mangmang na kabataan at hindi nakakaunawa. Sanay silang gumawa ng masama pero hindi marunong gumawa ng mabuti.”

Ang Pangitain ni Jeremias tungkol sa Darating na Kapahamakan

23Tiningnan ko ang lupain at nakita kong itoʼy wala nang anyo at wala nang laman. At nakita ko ring ang langit ay wala nang liwanag. 24Nakita ko ang mga bundok at mga burol na niyayanig. 25Nakita ko rin na walang tao at lumilipad ang mga ibon papalayo. 26Nakita ko na ang masaganang bukirin ay naging ilang. Nawasak ang lahat ng bayan dahil sa matinding galit ng Panginoon. 27Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay magigiba, pero hindi ko ito gigibaing lubos. 28Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”

29Sa ingay ng mga nangangabayo at mamamana, tumakas na sa takot ang mga mamamayan ng bawat bayan. Ang iba ay tumakas sa kagubatan at ang iba ay umakyat sa batuhan. Ang lahat ng bayan ay iniwanan at walang natirang naninirahan sa mga ito. 30Jerusalem malapit ka nang mawasak. Ano ang ginagawa mo? Bakit nakadamit ka pa ng magandang damit at mga alahas? Bakit naglalagay ka pa ng mga kolorete sa mga mata mo? Wala nang kabuluhan ang pagpapaganda mo. Itinakwil ka na ng iyong mga minamahal na kakamping bansa at gusto ka na nilang patayin.

31Narinig ko ang pag-iyak at pagdaing, na parang babaeng nanganganak sa kanyang panganay. Iyak ito ng mga mamamayan ng Jerusalem4:31 mga mamamayan ng Jerusalem: sa literal, anak na babae ng Zion. na parang hinahabol ang kanilang hininga. Itinataas nila ang kanilang mga kamay at nagsasabing, “Kawawa naman kami; at parang hihimatayin na, sapagkat nariyan na ang aming mga kaaway na papatay sa amin.”