Забур 92 – CARS & TCB

Священное Писание

Забур 92:1-5

Песнь 92

1Вечный царствует.

Он облачён величием,

облачён Вечный и силою препоясан.

Мир стоит твёрдо

и не поколеблется.

2Престол Твой утверждён издревле;

Ты – испокон веков.

3Возвышают потоки, Вечный,

возвышают потоки голос свой,

возвышают потоки волны свои.

4Но сильнее шума всех вод,

сильнее могучих волн морских –

Вечный, Который живёт в вышине небес.

5Заповеди Твои надёжны.

Дому Твоему, Вечный,

принадлежит святость навек.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 92:1-15

Salmo 9292 Salmo 92 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit para sa Araw ng Pamamahinga.

Awit ng Papuri

1Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo.

2Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi,

3habang tumutugtog ng mga instrumentong may kwerdas.

4Dahil pinasaya nʼyo ako, Panginoon, sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang mga gawa.

At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.

5Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa.

Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain.

6Hindi maunawaan ng mga hangal at matitigas ang ulo

7na kahit umunlad ang taong masama gaya ng damong lumalago,

ang kahahantungan pa din niya ay walang hanggang kapahamakan.

8Ngunit kayo, Panginoon, ay dakila sa lahat magpakailanman.

9Tiyak na mamamatay ang lahat ng inyong kaaway at mangangalat ang lahat ng gumagawa ng masama.

10Pinalakas nʼyo ako na tulad ng lakas ng lakas ng toro

at binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan.92:10 binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan: sa literal, pinahiran ako ng magandang klase ng langis.

11Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway,

at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin.

12Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma,

at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon.

13Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios,

14lumalago at namumunga kahit matanda na,

berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

15Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid.

Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.